Chapter 7

42 1 0
                                    


Okay. Salamat! Matapos ang digmaan! Nakapunta na kami sa bahay! 10:23 pm na at talagang pagod na pagod na ko. Wag niyo nang alamin kung saan ako nakatira, basta iimagine niyo na lang na it is like a village.


Umakyat muna ko at inihiga ang anak ko sa kama sa loob ng kwarto. Saka bumaba at nakita si Liam na gulat sa mga kalat ko at dumi ng bahay ko. Pasensya, wala pang time.


"Welcome sa bahay ko, little but convenient. Kung may nakikita kang marumi o mabaho, wag ka na lang magreklamo. Always remember, bahay ko to. Ayun ang kusina, kung nagugutom ka, may pagkain sa ref. Matakaw kaba?" "It depends."


"Pihikan ka ba sa pagkain." "Hindi naman."


"May allergy ka sa kahit anong pagkain?" "So far, wala pa naman."


"Marunong ka bang magluto?" "Yes, but only few."


"Katulad ng ano?" "Ahm. Basta prito?"


Tinignan ko siya. Nakangiti pa siya sakin na parang proud pa. Seryoso?


"Malamang nagutom ka rin sa byahe. Teka, mag-iinit ako ng pagkain." Naka-upo siya sa may upuan sa may dining area na sobrang dikit lang din sa kusina. Matapos kong initin ang adobo na niluto ko kaninang umaga ay inihain ko kasama ang kanin sa mesa. Tinikman niya at napahinto sa pagnguya. Tapos tinuloy niya ulit. Umupo naman ako sa harap niya.


"Luto mo to?" "Oo. Bakit?" Halos ako na ang nagluluto ng pagkain araw-araw. Part na ng pagiging single parent kaya nasanay na kong magluto.


"No wonder."


"Na ano?" Na masarap ang luto ko.


"Mas hilig kumain sa labas ang anak mo." Sandali!!!! Ano???


"Paano mo nasabi? Alam mo?"


"Kinuwento sakin ni Sophia."


"Kailan pa?"


"Kanina lang."


"Haha. Imposible. Hindi mo mapapakwento si Sophia. Lalo na sa stranger na katulad mo."


"Really? This is a kind of charm that it is hard to resist." Turo niya sa mukha niya. Haha. Ang kapal.


"Haha. Really? Imposible talaga." Haha. Gusto ko siyang inisin.


Binaba niya ang kubyertos at inilagay ang kaliwang kamao sa pisngi niya at tumitig sakin. "Okay. Ikaw bahala." Tinitigan niya ko na parang hinuhukay niya ang pinakailaliman ng mata ko. Nakangiti pa siya. Ang gwapo niyang tignan kahit may bandana siya sa ulo. Ang sarap niyang titigan.


"Got you there." at nakangisi pa siya. Shit! Ako ata yung napikon.


"Nawala na ko ng gana. Pakilagay na lang sa ref kung may tira ka. Aakyat na ko."


"Wait. I have a question."


"Saan ang kwarto ko?"


"Isa lang ang kwarto namin rito at para samin lang ni Sophia." Ang kapal.


"One more question. Hindi mo naman ako gagawing katulong rito sa bahay mo noh?"


Anong meron sa lalaking to? Medyo makapal ang mukha niya ngayon? (To be continued)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now