Chapter 64

23 1 0
                                    

Sinagot ko naman ang hindi ko kilalang tawag, "Hello."


"Marcus." Pagkarinig ko palang ng boses ay pamilyar at kilala ko, kakakausap ko lang kanina, Allen. Lumabas ako saglit at saka siya kinausap. "I wanted to tell you that Alessandra cancelled the case and she was willing to give up the custody of the child, so Sophia will be under your care starting today. Documents are going to deliver next week."


"Sa-sandali? Ganoon kabilis? Paano?" Sobrang natuwa ako sa narinig ko pero hindi pa rin ako makapaniwala.


"Money makes everything under control. Anyway, I did my part with an immediate action. I hope you are doing yours with the same speed."


Mula sa labas ay tumingin ako kay Liam na nasa loob. "Kukumbinsihin ko pa lang siya."


"Soon, my grandpa would find out so do it A.S.A.P." at bigla naman akong binabaan ng tawag.


Bumalik ako sa hapagkainan. Habang kumakain si Liam ay nakaramdam siya na nakatitig ako sa kanya.


"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?"


"Wala naman. Hindi pa rin ako makapaniwala na..." Napahinto ako. Sasabihin ko sana na hindi ako makapaniwala na may kakambal siya at malayo ang ugali niya sa kakambal niya. Pero bigla kong nilihis ang dahilan para hindi siya makahalata. "na nakilala kita, at ngayon ay masaya tayong magkasama."


"Oo nga. Actually, hindi pa rin ako makapaniwala until now na yung crush ko na sikat na sikat sa social media eh jowa ko na. Nagrereact lang ako dati sa mga posts mo pero ngayon, kaharap na kita."


Tinignan ko lang siya at hinawakan ang kamay niya, "Sobrang saya ko naman dahil napakaswerte ko sayo. Mas masaya ako na kasama ko kayong dalawa ni Sophia, at kahit anong mangyari, kayo pa rin ang pipiliin ko."


Nagkatinginan lang kami at nagkangitian. Pagkabalik niya sa pagkain ay tinititigan ko pa rin siya. Siguro ay kailangan ko nang simulan ang plano. Medyo kinakabahan pako.


"Magbakasyon tayo." Sabi ko. Napahinto naman siya sa pagkain niya. "Kahit bumalik tayo sa Batangas. Doon muna tayo ng matagal."


"Why all of a sudden?" Nagtanong siya sakin na parang nagtataka. Napahinto naman ako at nag-iisip ng idadahilan.


"Wala naman. Naisip ko lang na miss kong mamuhay sa probinsiya."


"Paano yung trabaho mo? Etong bahay."


"Magpapaalam ako sa boss ko na mag-indefinite leave tapos iparenta rin natin to habang wala tayo."


Tinignan lang niya ko na parang umuusisa. "May tinatakasan ka ba?"


Napatawa naman ako, "Wala. Wala. Ikaw talaga, iyon agad ang inisip. Napagtanto ko kasi na gusto ko pang makasama nang matagal ang pamilya ko."


Nung parang nakumbinsi siya, bumalik siya sa pagkain niya. "Kailan ba?"


"Bukas."


Napatingin siya ulit sakin, "Ganoon kabilis? Bakit?"


Napaisip ako kung ano naman ang idadahilan ko at nakokonsensiya na rin, isang linggo pa lang naging kami, nagsisinungaling agad ako sa kanya, pero inisip ko rin naman na para rin sa kanya ito. Ngayon, paano ko ito malulusutan? "Puwede raw akong magleave simula bukas, kaya sinamantala ko na ang pagkakataon."


"Sigurado ka?"


Alam kong nakatitig siya sakin at inuusisa ako pero diretso ako sa pagkain para kunwari ay hindi ko siya napapansin sa ginagawa niya. "Oo naman. Pagkatapos nito, pwede na tayong mag-empake. Pero kung ayaw mo naman..."


"Gusto ko. Actually, excited akong makita ulit sila."


Tumingin ako sa kanya. Nakangiti pala siya sakin at halatang excited siya sa plano namin, haaaaaaayyyy, napaka-inosente talaga niya. Minsan, magtataka ka na lang kung bakit magkaibang-magkaiba silang dalawa ni Allen kahit magkakambal silang dalawa. Sana maging maayos ang lahat.


(to be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now