Chapter 28 - B

24 2 0
                                    

"Ang ganda ng view." Sabi ni Cydric kay Liam nang nakatingin sila sa dagat, nasa baywalk kami at naghihintay ng pagkain.


"Oo nga, sobrang ganda ng view." Sabat ko mula sa likod nila eh tumabi na rin ako. Napatingin sila sakin. Tumingin rin ako sa kanila.


Lumapit ang isang waitress ng resto na ang resto ay nakadestino sa gilid ng baywalk.


"Sir, nakahanda na po ang pagkain."


Bumalik na kami sa resto pero sa labas na kami ng resto nag-table para maramdaman ang hangin ng dagat. Nakaupo sa tabi ko si Cydric at nakaharap naman siya kay Liam. Inorder ni Liam ang la paz batchoy at pareho naman ang inorder naming ni Cydric na kanin at backribs.


"Ipapatikim ko sayo tong backribs na ga....." Natigil sa sasabihin si Cydric nang Makita niya na nilagay ko na ang hinati kong backribs sa mangko ni Liam. Napatingin naman ang dalawa sa akin pero patuloy lang ako sa pagkain.


"Masarap minsan ihalo ang inihaw na karne sa sabaw." Sabi ko, pero nakatutok lang ako sa pagkain.


Maya-maya naman ay biglang napaubo si Liam mula sa kinakain niya. Aktong kukuha sana si Cydric ng pitchel at lalagyan ng tubig ang baso ni Liam. Pero napahinto naman siya nang makita niya ko na binigay ko na ang baso ko na may tubig kay Liam.


"Uminom ka na." Sabi ko naman.


Bumalik ako sa kinakain ko, pero napatingin naman sakin sina Cydric at Liam pagkatapos niyang uminom.


Bigla namang tumunog ang cellphone ko at Nakita ko na si Vince na tumatawag.


<Phonecall>


"Oh?"


"Dumaan ako sa bahay niyo pero wala ka raw, sinundo raw kayo ni Liam ng anak ni mayor para magdinner sa labas."


"oo."


"Last night niyo na rin pala rito sa Batangas, iniimbitahan sana kitang uminom."


Napatingin ako kay Liam.


"Puwede naman, basta isasama ko si Liam."


Biglang napahinto sila sa pagkain at tumingin sakin.


"Sige. Itext ko sayo ang place kung saan tayo magkikita."


"Okay, kitakits."


<End of call>


"Saan tayo pupunta?" Tanong ni iam.


"Nag-iimbita si Vince na uminom. Itetext niya raw ang lugar."


"Di ka ba pagod? Marami tayong ginawa kanina."


"Bakit? Pinagod ba kita sa ginawa natin kanina?" Biglang tingin ko kay Liam ng diretso at malagkit. Tumingin naman sakin si Cydric nang masama. Namula naman si Liam. Napangiti naman ako at bumalik sa pagkain ko.


"He means paglalaba." Narinig ko kay Liam na paliwanag kay Cydric, mukhang naintindihan agad ng kumag.


"Pero kung pagod kana, puwede naman nating i-cancel at pauwiin si Vince." Sabi ko kay Liam.


"Puwede rin namang ikaw lang ang pumunta, pagod na si Liam." Sabat ni Cydric habang nakatingin sakin ng masama at namimilog na ang boses.


"Kaya nga icacancel ko na lang, diba? Anong pro..." Medyo napataas ata ang boses ko nang pinigilan ako ni Liam.


"Hindi naman ako pagod. Sasama na ko. Please huwag lang tayo mag-eskandalo rito." Sabat ni Liam.


"Narinig mo yun? sasama siya." Sabi ko kay Cydric.


Maya-maya ay may lumapit samin na dalawang tao na parang magkasintahan. Nagpapicture kay Cydric, iba nga naman talaga ang anak ng me-e-e-eyor. Hahaha


"Parang siya yun." Narinig ko naman sa babaeng nagsasalita mula sa nagpapicture na mukhang tinutukoy niya ay ako.


"Oo nga, siya yun." Sabi naman ng lalaking kasama ng babae.


"Tara na, kadiri niya. Guwapo pa man din." Hinatak ng babae ang kasama niyang lalaki. Umalis na sila at lumayo na.


"Tignan mo nga naman, hanggang ngayon di ka parin nalalaos." Ngisi ni Cydric. Sa di ko alam kung paano pero nasuntok ko si Cydric sa panga na siyang ikinabagsak niya mula sa upuan. Nakakapikon ang sinabi niya.


Di ko alam pero bigla na lang ako sinuotan ni Liam ng sombrero nang ganoon kabilis na di ko alam kung saan niya kinuha, naalala ko na mula sa customer sa katabi naming table. Tinakpan ni Liam nang Mabuti ang mukha ko.


Tinignan ko si Liam, nakatingin rin siya sakin.


"Umalis ka muna. Ako na muna ang bahala rito. Iwasan mo munang makita ka ng mga tao, pagkakaguluhan ka nila."


Naintindihan ko na kung bakit ginawa ni Liam iyon. Pero tama nga ba na takasan ko ang nangyari at iwan si Liam?


"Para kay Sophia." Tinignan niya ko nang malalim na parang nagmamakaawa.


Dahil nga sa sinabi niya, naging duwag nga ko at tinakasan ang kasalanan na ako ang gumawa.


(To be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now