Chapter 29

27 2 0
                                    

Andito ako sa labas ng bahay namin, hinihintay si Liam. Tahimik ang paligid, mukhang tulog na ang mga tao. Pati sina mama, papa at Sophia ay tulog na, pero nabanggit ko muna ito kina mama pagdating ko, akala ko ay pagsasabihan nila ako o pagagalitan. Pero nagkamali ako, nagbago na nga rin sila, nalungkot sila nang marinig nila ang nangyari, at sinabihan nila ako na nawa'y hindi lumalala ang sitwasyon. Pero habang hinihintay ko siya, inaalala ko ang nangyari kanina, lalo't lalo na ang pagtingin sakin ng diretso sa mata ko ni Liam. Parang nagslow mo lahat ng sa paligid naming, napangiti na lang ako sa kanya, nang makarinig na ko ng yapak ng mga paang naglalakad.


Nakita ko si Liam na naglalakad mag-isa na parang pagod at antok, pero napahinto siya nang makita niya ko. Bigla siyang ngumiti, at naglakad patungo sakin.


"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sakin na may pagkasinsero. Tinignan niya ko nang malalim.


"Ahhh." Di ko alam kung anong sasabihin ko. Gusto kong sabihin na hindi ako okay, pero ayokong isipin niya na mahina ako.


"Kung nag-aalala ka tungkol sa nangyari kanina, huwag ka nang mag-alala, nakausap ko na siya. He won't file any charges against you, may kasalanan rin naman daw siya. In addition, he will try to stop spreading the news by negotiating with those people who witnessed, taken their photos and videos."


Dahil doon, gumaan ang loob ko, at nakahinga nang maayos. Papasok na siya ng bahay nang napatigil siya sa tanong ko na talagang bumabagabag sakin, "Bakit ang bait mo sakin? Bakit ginagawa mo ito para sakin?"


Lumingon siya sakin, "Consider this as a payback of all the kindness that you and your family is showing to me." At nginitian niya ko at pumasok na sa loob.


Iba nga lang ang inaasahan kong sagot, pero okay na rin ito.


Biglang tumawag si Vince, saka ko naalala na may usapan nga pala kami.


<phone call>


"Saan na kayo? Kanina ko pa kayo hinihintay."


"Sorry, Vince. Di na kami makakapunta, Babawi na lang ako sa sunod."


"Okay lang. May next time pa naman."


<end of call>

(To be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now