❗❗❗TEASER❗❗❗

44 2 1
                                    

Binuhat ko si Allen hanggang sa makapasok ako sa bachelor pad niya. Hinanap ko agad ang kama niya dahil sa bigat niya. Kung bakit kasi anrami niyang nainom? Ayan tuloy, bagsak siya ngayon.


Pagkalagay ko sa kanya sa higaan ay napamulat siya. Parang napatingin pa siya sa paligid. "What time is it?"


"Time na po para matulog, ser."


"I need to go to work." Sabi niya aktong tatayo na siya.


"Seryoso? Lasing ka. Heto nga bagsak ka tapos magtatrabaho ka pa. Humiga ka diyan." Tinulak ko siya sa kama at eto naman siya, hinang-hina at hindi na kayang manlaban.


"But I must finish the project. I need to contact my secretary. I should update my clients..." Sobrang lasing na talaga ang kumag. Tignan mo, nagsasalita habang nakapikit, halos patulog na. Tinatanggal ko na ang sapatos niya at medyas niya. Tinanggal ko rin ang unang tatlong butones sa polo niya "I need to prove that I am worthy. I need to prove that I am still worthy." Paulit-ulit niyang sinabi iyon hanggang sa makatulog na siya.


Dahil doon sa huling sinabi niya ay napahinto ako. Tinignan ko ang maamo niyang mukha. Na sa kanya na lahat, may kailangan pa ba siyang makuha? May kailangan pa ba siyang patunayan para maging mahalaga siya?


"Kung pinadama na lang nila sana sa iyo na mahalaga ka, hindi ka sana ganito kasama. Tignan mo sarili mo, mabait ka lang kapag tulog."


Alam kong hindi niya ko naririnig, pero napangiti na lang ako sa maamo niyang mukha. Ang mabagsik na leon, parang kuting lang kung matulog.


Napatayo na ko sa kama niya at aktong lalayo na sa kama para umuwi at magpahinga, pero narinig ko si Allen na parang gumalaw. Pagkalingon ko ay nakatagilid na pala siya at nakabaluktod ang mga binti niya. Parang nalalamigan. Bumalik ako sa kama niya at kinuha ang blanket para kumutan siya pero nakuha ang atensiyon ko sa parang naging sugat niya sa kanang paa niya. Mukhang matagal na ito ngunit hindi nawawala ang marka sa gilid ng kanang paa niya, ito ay tuklaw ng ahas.


Dahil doon ay naalala ko ang naging sugat ni Liam nang minsan siyang naligaw sa isla noon. Ganito rin eksaktong bahagi ng katawan kung saan siya nasugatan, sa gilid ng kanang paa.


Napaisip tuloy ako, imposible naman na pareho ang sinapit ni Liam at Allen pagdating sa ahas, marami nang mga pagkakataon na parang hindi si Allen ang kaharap ko, pero eto na ang malala. 


Dahil dito ay lubusan na kong nagtataka kung ang totoong kaharap ko ay ang taong kinamumuhian ko na si Allen o yung taong minahal ko nang buo...


na si Liam.


(ABANGAN NGAYONG DISYEMBRE 2020: THE SHADOW OF ALLEN)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now