Chapter 67

24 1 0
                                    

"Not only that, I took care of handling his case, that's why the life of Sophia is now officially under his custody."


"Totoo ba?" Nakatingin sakin si Liam na parang may galit sa mga mata niya.


"Hindi iyan totoo, maniwala ka sakin." Hawak-hawak pa rin ako ng mga body guards kaya hindi ako makalapit kay Liam.


"Uulitin ko, magsabi ka ng totoo, tinanggap mo ba ang alok ni Allen kapalit ko?" Halos nanggigigil sa galit sa akin ni Liam. Ang mga mata niya ay parang nag-aapoy na rin ngunit may luha.


Sasagot sana ako na nagsisinungaling si Allen pero hindi ko namalayan ay nasa likod ko pala si Allen pero nakatalikod siya sa aming lahat.


"Do what is best for your child? You know what I am capable of." Bulong niya sakin pero nakatalikod pa rin siya sa lahat. Siguro ay paraan niya para hindi siya mapansin ni Liam na may sinasabi siya.


Dahil doon, napatigil ako at naalala ko ang mga kakayahan ni Allen. Kung kaya niyang maresolba ang problema ko, maaari rin niya kong bigyan ng matinding problema.


"Sumagot ka, Marcus. Totoo ba?" Sa tinig ng boses niya ay parang galit na galit na siya. Sa kung paano niya matawag ang pangalan ko.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makasagot, lumalakas ang tibok ng dibdib ko. Kailangan ko bang magsabi ng totoo para hindi ko masaktan si Liam, o kailangan kong magsinungaling para manatili sa akin si Sophia? Sa pagkakataong ito ay naiipit na ako. Eto nga ba ang sinasabi ni Manang Lisa sa akin na darating ang panahon na kailangan kong pumili?


Ngayon na nga ang panahon para pumili. Napapaluha na ako pero kailangan ko itong gawin.


"Oo, totoo ang sinabi ni Allen." Umiiyak na ako. "Patawarin mo ako."


Sana mapatawad niya ko dahil nasaktan ko siya. Dahil kailangan kong piliin si Sophia kaysa kay sa kanya.


(To be continued.)


ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now