Chapter 41

27 2 0
                                    

Pumunta kami sa isang store para bumili ng t-shirt, natipuhan ko ang isang white t-shirt na may malaking heart na pula at may mata pa siya na kulay itim. Natipuhan rin ni Sophia, kaya kumuha rin kami ng isa pa na kahintulad sakin.


"Kuya Lam, you, too. You wear it."


Nagkatinginan lang kami ni Liam, pero kumuha na ko ng kapareho kong t-shirt na sakto sa size niya. "Baka umiyak si Sophia kapag di mo sinunod ang gusto niya."


Binili na namin at pumunta sa fitting room sa loob ng store. Nauna na kong magbihis at kasabayan ko na si Sophia sa isang fitting room. Nasa kabilang fitting room naman si Liam.


Pagkalabas namin ni Sophia na kalong-kalong ko ay nagtingin-tingin pa kami ng iba pang damit, baka may matipuhan pa ko at kumuha pa, sayang, libre naman raw sabi ni Michelle, sosyal si Michelle ah, may ganon palang sistema dito, suotin lang tong ID na ito, importante ka na rito sa Star City. Hahaha. Pero, lumabas na si Liam, naalala ko, nakakahiya pala sa kaibigan niya, siya nga na bestfriend, konti lang ang binili. Ako na ngayon lang nakilala, bumili ng marami. Pero tinignan kami ng isang saleslady.


"Mag-asawa po kayo?" Tanong ng sales lady.


"Ahh...hin..."


"Oo," Sabat ko sabay akbay kay Liam. Okay lang naman kung sakyan ang pantasya ng sales lady.


"Ba....gay naman po kayo. Baka gusto niyo pong kunan ko kayo ng picture."


"ah...sure." Sabay abot ko ng cellphone at binalik ko pagkakaakbay ko kay Liam.


Pagkabalik ng cellphone ko sa akin ay tinanong ko siya, "Gusto mo rin ba magpakuha ng sa cellphone mo?"


"Hindi na."


"Bakit? Remembrance lang." Pagkagulat ko.


"Kung sa picture lang naman magiging tayo, edi nagkasouvenir pa ko na minsan umasa ako na sana totoo, kaya huwag na lang." Lumayo naman siya sa pagkakaakbay ko at kinuha niya ang bag ni Sophia. Naglakad na ko palabas. Nagtataka sa kung ano ang ibig niyang sabihin. May gusto rin ba siya sakin? Ayaw niya bang nagpapanggap kami? Gusto niya bang totohanin? O ayaw niya lang sa mapagpanggap? Aamin na ba ko?


Pero habang naglalakad na ko palabas, narinig ko pa ang sales lady na nagsabi kay Liam na "Ang suwerte niyo po, artistahin asawa niyo."


Napangiti naman ako doon.


"Ah....eh.......hin....."


"HON!" Sabat ko mula sa malayo. Baka ituloy niya pa ang pag-amin na hindi talaga kami. "Tara na! excited na anak natin."


At wala na siyang nagawa kundi umalis na sa saleslady.


(To be continued.)

)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now