Chapter 68

26 1 0
                                    

"You see, Liam. Walang forever." Mula sa likod ko ay naglalakad na siya patungo kay Liam. "Our grandpa is waiting in the house. You go ahead. I'll take care of your things."


Tumingin si Liam sa akin na may galit at lungkot at saka na siya tumalikod sa akin. Ginabayan na siya ng mga bodyguards papasok sa sasakyan ni Allen.


Grabe rin ang bigat ng pakiramdam ko na halos sinisigaw ko ang pangalan niya. Pero parang bingi na hindi niya ko marinig.


"Liam was so gullible, wasn't he? Madali pala talaga siyang maniwala sa mga bagay na hindi naman talaga totoo. However, madaling mapaikot ang mga ganong klaseng tao." At tumawa siya nang malakas. Kaharap ko ngayon ang kaparehong mukha ng minamahal ko pero ubod ng sama.


"Nag-usap tayo, ang sabi mo ilalayo ko si Liam. Bakit mo ito ginawa sa amin? Paano mo nalaman kung saan kami tutungo?"


"This was the easiest tactic that I've done so far. Yung gipit na gipit ka at inuulanan ng mga problema, and I am here pretending to offer a hand. I know you are not interested to know our family motto but I'll share it with you anyway, All for one, one for all. Kung may kalaban ang isa, kalaban na ng lahat. Kung ano ang ninanais ng isa, dapat ay naisin rin ng lahat." Hinawakan niya ang maleta na itim, "Don't worry, this is still yours." Pero may kinuha siya na isang maliit na bagay na umiilaw sa likod ng maleta kung saan tagong-tago ito, Nagulat ako nang makita na isang GPS tracker. "But this, I don't need this anymore. I got what I need." Pagkakindat niya sa akin ay binulsa niya ang tracker at naglakad na siya patungo sa kotse na kahintulad sa sinakyan ni Liam kanina. "By the way, take his things. Serve it as a souvenir." At sumakay na siya sa kotse, ganoon rin ang mga bodyguards, umalis na silang lahat. Naiwan pa rin ako na nakaluhod sa ilalim ng tirik ng araw. Iniisip kung bakit nangyari ito sa akin.


Nabigo ako.


(To be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now