Chapter 44

25 2 0
                                    

Inihiga ko si Sophia sa kama. Double queen bed naman kaya expected na si Liam ang nasa kabilang kama. Pero pinalibutan ko muna ng unan si Sophia para hindi siya mahulog. Mukhang hindi naman mapuputol ang tulog ni Sophia sa sobrang pagod nito kanina.


Naligo muna ako at nagpalit ng damit pagkatapos. Pumunta na ko sa room nina Raffy at dumiretso sa balkonahe, halos kapareha lang ang style samin. Maliban sa kama, isang king bed kasi.


Nakita ko naman na si Raffy na nakaupo at umiinom na, nakatanaw sa malayo. Dagat pala ang katabi ng bundok na to, at ocean view pala itong mga room namin. Makikita rin ang balkonahe namin na katabi lang din. Umupo na ko sa bakanteng upuan at nagsimula na ring uminom ng Black Label.


"Astig pala itong mga room rito, noh?"


"Presidential suite kasi ang room 1-2." Sagot ni Raffy. Hindi naman nakapagtataka na eto na nga ang mga sosyal na mga kwarto. Pero may kailangan akong malaman na mukhang si Raffy ang makakasagot. Wala naman si Liam sa paligid kaya wala namang pipigil.


"Sobrang yaman ni Mich, noh?" Yung tunog na parang alam ko na at humihingi lang ng sang-ayon.


"Ah oo. Hindi lang Star City at etong resort ang pagmamay-ari nila, marami rin. Main business talaga nila ang mga theme parks and resort." Ayos, magaling ka talagang humuli, Makmak.


"Tsaka sobrang tagal na silang magkaibigan."


"Hindi lang sila ang family friend kundi kaming apat, yung isa eh nasa states pa, tinatapos ang masteral. Hindi mahirap kaibiganin si Liam, unlike his twin brother. Loner, selfish and... by the way, nakwento na ba ni Liam?"


"Hindi pa." At nagkatinginan kaming dalawa at nagtawanan.


"You got me there, dude." Narealize niya na nauuto ko na siya. "But don't tell Liam you knew it."


"Kung kaya ni Liam na maglihim, hindi ako. Pero wag kang mag-alala, hindi ko sasabihin na nalaman ko dahil sayo."


"Really?" At napatingin naman sakin si Raffy. "Then what do you feel with Liam?"


"Ha?" Napahinto naman ako at napatingin rin sa kanya.


"You told me that you can't keep secrets just like Liam. So tell me if you like Liam."


"Ahhh." Parang nahiya tuloy ako. Pero alam ko naman ang sagot na siyang naman napatawa si Raffy.


"Relax dude, wala tayo sa recitation. Pero wala ka rin pala eh. So I guess you have to understand if there is something that Liam can't tell or explain." Napangiti naman si Raffy. "Trust me, you will love Liam more once you know his side. But piece of advice." Napatingin naman siya sa malayo. "He went through alot of pain, don't do anything that can add to it." At uminom naman siya ng alak.


Ngayon na parang unti ko nang naliliwanagan na may mga bagay nga naman talaga na mahirap aminin kung ano ang pinagtataguan niya. Ngayon ko lang naalala kung paano nga ba maglihim sa ibang tao. Dapat ngang maintindihan ko siya, at wala ring makakaintindi sa kanya kundi ako lang.


(To be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now