Chapter 26 - B

25 1 0
                                    

"Eto ang gagawin, kailangan niyo lang naman hulihin ang biik sa putikan, kung sinong team member na makahuli ang siyang makakakuha ng premyo. Ang makakalaban nina Liam at Mr. Cydric ay sina Vince at Marcus, tara at simulan natin."


Nagsimula na ang laro, gusto kong ipanalo ito, para malaman niyang maabilidad ako.


Ha? Sandali, Bakit? Bakit kailangan kong gawin yun? Sa nakikita ko naman sa kanila habang naglalaro eh nag-eenjoy lang naman sila. Ni wala silang pake sa biik, nadulas lang sila sa putikan, parang mga walang tao sa palibot nila. Yung tipong parang nagpapahiran pa sila sa mukha nila, ang atraksiyon ay sa kanila nabaling.


Nainis ako, mga hindi sila competitive. Lumabas na ko ng field.


"Mak mak?"


Tinatawag na pala ako ni Vince, saka lang bumalik ang katinuan ko na may kakampi pala ako. At tinitignan na ako ng mga tao, pati na rin sina Cydric at Liam. Pero tinuloy ko na lang ang pag-alis. Ngayon ko lang naramdaman ito. Ang mainis kasi hindi ako yung kakampi niya sa laro, yung hindi ako ang kasama niya habang nagbabaliw-baliwan siya, yung hindi ako ang kasama niya sa mga panahong masaya siya. Dapat ako yun. May tinik sa puso ko habang iniisip ko yun. Sana ako na lang ang kasama niya.

(To be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now