Chapter 66

27 1 0
                                    

"Finally, we met." Sabi ni Allen. Nakatingin pa rin si Liam sa naka-shades na si Allen. Buo pa rin ang pagtataka ko kung bakit nagpakita pa rin si Allen kay Liam kung gayon ayaw niya itong makita.


"Hindi mo talaga ako tatantanan hangga't hindi niyo ako nakukuha." Sabi ni Liam. Napapatanong pa rin ako sa sarili ko.


"In addition, hindi ka namin tatantanan hangga't hindi ka pumapayag."


"Pwede ba? Hayaan mo na akong gawin ang gusto ko. Halos lahat ng bagay sa mundo, mayroon na kayo."


"Well, definitely, nagagawa mo na ang gusto mo since the day you were born. How about me? I feel I was in prison. I was chained by our grandfather. Hindi ba pwedeng ako naman ang malaya at ikaw ang hindi? Hindi ba pwedeng ako naman ang masusunod sa gusto ko at ikaw ang susunod sa gusto ng lolo natin?" Nakikita kong nag-aaway na ang dalawa at pareho nang tumutulo ang mga luha nila.


"You can run away while you still have a chance."


"Are you kidding me? Bakit naman kailangan ko pang iwan ang lahat kung pwede ka naman magsakripisyo para ako naman ang maging malaya."


"Pinili mo iyan. I hope you understand na eto rin ang pinili ko."


"What? To be with that guy?" Sabay turo sakin. "Iyang mukhang pera na yan." Nagulat naman ako sa sinabi niya.


"Hindi ako mukhang pera." Aatakihin ko sana si Allen pero pinigilan ako ng mga bodyguards niya.


"Hindi mukhang pera si Marcus." Sabi ni Liam kay Allen na parang nanlilisik ang kanyang mga mata.


Tumingin naman si Allen sa isa sa mga bodyguards na parang may pinauutos siya. Ang bodyguard naman ay pumunta sa compartment ko at kinuha ang maleta na itim.


"Andito pa po ang maleta, sir." Sabi ng isang bodyguard kay Allen.


Naglalakad naman patungo sakin si Allen habang nagsasalita, "Buti naman at iningatan mo ang limang milyon kapalit ng kakambal ko."


Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, halos hindi ako makapaniwala at naguguluhan sa ginagawa ni Allen.


"HINDI IYAN TOTOO!!!!" Sigaw ko kay Allen. Napakasinungaling niya.


"Come on, Marcus. Don't act as if I am the liar. Hindi ba't tutulungan mo kong makuha si Liam kapalit ng kakarampot na halaga?" Sabi ni Allen habang nakangiti.


Si Liam naman ay naluluha-luha habang tinititigan niya ako. "Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo." Sabi niya kay Allen.


"So what's this?" Sabay kuha sa bulsa niya ng mga larawan at itinapon sa sahig sa harap ni Liam. Dahan-dahan naman itong pinulot ni Liam. Pagkakita sa mga larawan ay nanlaki ang mata niya at tinignan niya ko.

Nakita ko rin ang ibang larawan na lumilipad papunta sakin. Hanggang sa napunta sa harap ko, hawak-hawak ako ng dalawang malalaking bodyguards kaya hindi ako makagalaw pero nakita ko ang larawan, ang larawan ay ako at si Allen na aktong tinatanggap ko ang maleta. Ginamit niya ito para siraan ako. Grabe na rin ang galit ko.


(To be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now