Chapter 14-B

31 0 0
                                    

5 years ago.

Gabi na nung nangyari sakin ang lahat nang ito, sobrang nakakatakot, sobrang nakakahiya, sobrang ikinasusuklam ang sarili ko, sobrang pinagsisisihan ko. Kakarating lang ng nanay ko noon galing sa isang customer para iabot ang mga nalabhan niyang damit. Isa siyang labandera.


Hindi niya alam ng aking ina kung anong nangyayari. Pero kung anuman, ito ang pinakamatindi.


"ANO ITO!?" ipinakita niya sakin ng ate ko ang cellphone na may scandal namin ni Vincent. Hindi ko sinasadya, pareho naming hindi alam ni Vincent na mayroon saming nagrerecord. Lasing ako at libog, ganoon rin siya. Pinagkatiwalaan namin ang isa't isa kaya pinagkatiwala ko ang paligid ko na akala ko walang tao sa madilim na lugar at kung mayroon man, inaasahan ko na walang magtatangkang gamitin ito para sirain ako. Sana hindi namin nagawa ni Vincent, lalo na sa bukirin. Di na siya nakapagtimpi, binato na niya sakin ang cellphone, "PAANO MO ITO MAAAYOS?! NAKAKADIRI KA."


"Ano ba itong nangyayari? Bakit kayo nag-aaway?"


"PAGSABIHAN MO NGANG ANAK MONG SI MAKMAK SA KATANGAHAN NIYA! DAHIL YAN, MAY KUMAKALAT NA SEX SCANDAL!"


"Ha?!" Tumingin sakin si ma na hindi makapaniwala pero naluluha. "Totoo ba?" lumapit siya sakin at hinawakan ang mukha ko. "Bakit mo nagawa yun?" Awang-awa ang itsura ng nanay ko. Pero nagulat kaming lahat sa biglang pagpasok ng tatay ko. Sobrang nakakatakot. Tumingin sakin si tatay na halos parang gusto niya akong patayin.


"WALA KA NA NGANG NAGAGAWANG TAMA! DINAGDAGAN MO PA!" Hinablot niya ko at hinagis kung saan saan at pinagsasasapak. Wala akong kalaban laban, dahil lahat ng sinasabi niya ay totoo.


Di ko inaasahan na mangyayari ito. Katangahan ko nga ito na talagang umabot sa sukdulan.


Itinakwil ako, pinalayas, nalulunod sa kahihiyan sa mga taong nanonood habang nangyayari ang mga ito. Dapang-dapa, namudmod ang katawan at mukha kasabay ang pagtatapon ng mga gamit ko. Itong pagkakataon na ito, hindi ako lalaban, dahil lahat ng ito ako ang may kasalanan.


Mag-isa kong tinahak ang daan patungo sa di ko pa alam kung saan. Kay Vince ba na hindi ko alam kung siya ba ang may pakana o si Alessandra na kababata kong kaibigan na bestfriend ko na rin.


Hindi ko inasahang uulan kaya di ko alam kung saan ako sisilong, maliban sa daan papunta sa ilalim ng tulay. Alam ko yung lugar na yun, ginagawa itong lugar ng mga gustong makaraos sa libog ng mga bakla at mga lalaking nangunguha ng prosti, may mga babae na hirap sa buhay ang nkatira rito, pero wala na talaga kong mapupuntahan sa ganitong kalakas na ulan, ito lang ang malapit na masisilungan. Wala na kong ibang mapuntahan.


Bahala na.

(to be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now