Chapter 38

27 2 0
                                    

"Maayos naman ba ang lagay rito ni Sophia?" Tanong sakin ni Alex nang makapasok siya sa bahay ko at inikot-ikot ang mata sa paligid ng bahay.


Nasa taas si Sophia dahil pinaakyat ko na kay Liam bago pa man din makalapit sa akin si Alex. Mabilis naman ang tugon ni Liam. Bumaba si Liam pagkatapos iakyat ang bata pero nanatili lang siya sa baba ng hagdan.


"Hindi mo na kailangan itanong." Pagmamatigas ko.


"Baka lang naman kasi may mga bagay na kailangan ni Sophia na hindi mo kayang mabili o maibigay."


"Kaya ko."


Lumingon siya sakin at tinitigan ang mga mata ko. "Sigurado ka?" Tumingin naman siya kay Liam, "Lalo na't dalawa na ang binubuhay mo."


"Kung ano man ang buhay ko kasama ni Sophia, labas ka na doon. At wag mong idadamay si Liam dito. At least alam niya kung ano ang pinagdadaanan ko."


"Hanggang ngayon ba naman, iniisip mo pa rin na lahat ng bagay ay tungkol sayo? Hindi ka pa rin nagbabago."


"Tungkol sakin? Ako ba ang naka-isip na ipalaglag si Sophia noon dahil masisira ang mga pangarap mo?"


"Pero iba na ngayon, nagmatured na ko at kaya ko na ring suportahan si Sophia."


"Ano ang ibig mong sabihin?" Kahit pakiramdam ko ay alam ko ang ibig niyang sabihin.


"Kukunin ko ang bata. Ako na ang mag-aalaga at magpapaaral sa kanya. Nasaan na si Sophia?" Aktong tutungo sa hagdanan pero pinigilan ko siya.


"Sino naman ang nagsabi sa iyo na puwede mong kunin si Sophia?"


"Bakit? May karapatan rin naman ako sa kanya ah. Ako ang ina. And let me remind you, mas higit ang karapatan ko kesa sa iyo."


"Karapatan mo ba ang iwanan ang bata? At hindi magparamdam ng maraming taon? Ang iwanan sakin ang bata na walang natatanggap na suporta mula sa iyo?"


"Kinailangan ko rin magsakripisyo para maisakatuparan ang mga pangarap ko, grabe rin ang dinanas kong hirap sa ibang bansa. At nahirapan rin akong kumita ng pera."


"Pero inabandona mo pa rin siya, ako ang nagpakahirap na alagaan siya, ako ang nagpakapagod at matinding sakripisiyo rin ang dinanas ko mapalaki ko lang nang tama ang anak ko, kaya sa akin lang siya. NAINTINDIHAN MO?! AKIN LANG SIYA!" grabeng kaba at galit ang naramdaman ko nung nagtaasan na kami ng boses.


"Tignan natin kung sino ang papanigan ng batas." Nakaramdam na rin siguro ng hiya si Alessandra kaya umalis na rin siya.


Napaupo na lang ako sa sofa. Marami nakong naiisip, kinakabahan, nababahala. Si Liam naman ay kumuha ng malamig na tubig at saka ko naman ito ininom.


"Maraming Salamat." Sabay tingin ko sa kanya.


"Huwag mong dibdibin, kung ilaban niya man iyon sa korte, magkasama natin ilalaban ito. Hindi natin susukuan." Dahil sa mga sinabi niya ay bahagya akong kumalma. Hindi ko alam kung bakit pero napayakap ako sa kanya nang mahigpit.


"Ano man ang mangyari, huwag mo akong iiwan." Niyakap niya rin ako pabalik, sa yakap niyang iyon, nakaramdam ako ng karamay.


"Hindi kita iiwanan."

(To be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now