Chapter 39

28 1 0
                                    

Hindi na muna ako pumasok ngayon at humingi ako ng isa pang araw na leave para makasama ko ang anak ko. Kaya hindi muna ako papasok bukas. Buti na lang talaga at barkada ko ang boss ko kaya pinayagan niya ako.


Halos dalawang oras na kong nakatitig kay Sophia. Naglalaro lang si Sophia sa salas habang ako naman ay nanonood lang sa ginagawa niya. Ako na rin ang nagpaligo sa kanya kanina. Nag-iisip ng mga posibleng mangyari na nakakatakot.


Maya-maya ay bumaba si Liam na nakabihis na pang-alis pagkatapos niyang maligo.


Nagulat naman ako at nagtaka nung pagkakita sa kanya.


"Saan ka pupunta?"


"Hindi lang ako. Tayo."


"Tayo?" Lumala lang ang gulat at taka ko. "Saan tayo pupunta?


"Ako nang bahala. Kaya maligo kana doon. Ako na muna ang magbabantay kay Sophia."


Naligo naman ako katulad nang sinabi niya at nagbihis na. Kita ko rin si Sophia sa kwarto na biihis na at nasa tabi niya ang bag kung saan andoon ang mga kailangan ni Sophia, at may maliit rin bag para kay Liam. Nagtaka naman ako at napatingin kay Liam.


"Well, naisip ko kasing pumunta ng resort. Hindi kasi tayo naligo sa dagat na magkakasama nung nasa Batangas tayo."


Napangiti naman ako doon.


"Kaya pumili ka ng damit mo diyan, ilagay mo na rin sa bag ko yung extra mong damit at aalis na tayo maya-maya."


Natapos ko nang gawin ang pinapagawa niya at lumabas na kami ng bahay ni-lock ang gate. Dinala ko na ang bag at kalong kalong naman ni Liam si Sophia.


"Sandali, may hihintayin muna tayo."


"Sino?" Nagtaka na naman ako.


Maya't -maya ay may pumaradang fortuner sa harap ng bahay namin. At may bumabang babae sa harap namin. Maganda, maputi at medyo mababa lang ang height.


"AAAAAAAHHHHHHHH." Bigla naman niyakap si Liam. "Kamusta ka na? Long time no see. Buti na lang binigay mo sakin ang exact address, madali lang hanapin." Halatang excited na makita si Liam ng babae.


"Ayos naman ako. Ikaw?" Sobrang excited rin si Liam nang Makita niya ang babae. Sino kaya ito? Tumingin naman sakin si Liam. Tumingin ang babae samin at lumingon kay Liam. "Asawa't anak mo?" Sabay turo ng babae samin ni Sophia. Sinuway naman ni Liam ang babae para manahimik.


"Anyway, si Michelle, childhood friend ko." Tinignan naman ako ni Liam.


"Marcus." Inabot ko naman ang kamay ko kay Michelle para makipag-shake hands.


"Michelle." Nagkangitian lang kami.


"Are you sure that no one is following you?"


"Indeed, I made a way to escape from them."


"How?"


"Well obviously, this is not my car, this is my boyfriend's car, sinamahan ako ni Raffy. Pinark na ni Raffy ang car na ito sa likod ng house nila before I came there and we climbed there sa wall sa likod para makatakas so ang akala nila andoon lang kami sa kwarto ni Raffy. Nakausap rin ni Raffy yung mga katulong niya na kapag may maghanap nasa kwarto lang kami at bawal mang-istorbo."


"Bakit kailangan mo yun gawin?" Nagtaka naman ako kung bakit niya ginawa iyon.


"Because his family's bodyguard..." Sabay turo kay Liam.


"NO! HER bodyguard. Bodyguard mo yun, diba?" Biglang pinigilan naman ni Liam si Michelle sa pagsasalita. "Ang daldal mo, tara na, sakay na tayo."


Pagkasakay namin na nasa front seat ay sina Raffy at Michelle, at kami naman ni Liam at Sophia sa backseat ay biglang nagback hug si Liam kay Raffy at nagkamustaha, tinitigan ko lang siya na parang hindi mo naman kailangan gawin look pero buti na lang at upuan ni Raffy ang pumapagitan sa kanila.


Nilingon kami ni Michelle at tinitigan kaming dalawa.


"Ano iyo?" Tanong ni Liam.


"Perfect! Para kayong one happy family."


Nagkatinginan lang kami ni Liam at nagkangitian. Nice one Michelle, kakaibiganin na talaga kita.


(To be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now