Chapter 32

28 2 0
                                    

Nakapaghanda na kami at aktong lalabas na ng bahay. Pero nakita namin si Cydric, na may kasamang dalawang bodyguard. Nung nakita kami ay lumapit siya kay Liam.


"Ihatid ko na kayo papuntang terminal."


At hindi na ko nanlaban o sumabat pa. Sumakay na kami sa fortuner.


"Saan ka nakatira, bro?" Napatingin ako kay Cydric na nasa harapan. Nasa pinakalikod kami nina Sophia. Si Liam naman ay katabi ni Cydric at ang dalawang bodyguards naman na nasa pinaka-unahan. "Tinatanong ko kasi si Liam kaso ayaw niyang sabihin, wala raw siyang karaptan magbigay ng kung anong impormasiyon tungkol sa iyo. Sa iyo raw siya nakatira. Alam ko na rin pala kung paano kayo nagkakilala. Bro, kung medyo hassle sa iyo na andyan si Liam sa bahay niyo, pwede kong ipahiram kay Liam ang condo ko sa may Taguig."


Magsasalita na sana ako, kaso naunahan ako ni Liam.


"Hindi naman ako pinababayaan doon. Tsaka mukhang masaya naman sila na meron silang bagong kasama sa bahay."


"Basta kung mayroon kang kailangan, tawagan mo ako agad."


"Salamat, Cydric."


At nagkatinginan silang dalawa. Umubo ako ng bahagya at saka nawala ang kanilang pagtitinginan.


Ilang minuto pa lang ay nasa terminal na kami at bumaba na kami sa kotse ni Cydric. Naka-stand-by agad ang mga bodyguards niya.


Kinausap agad ni Cydric si Liam. "Mag-iingat ka palagi." At nilapit niya ang labi niya sa tainga ni Liam. "Textmate tayo ah."


Kailangan ko na atang maging alerto.


"Liam, patulong kay Sophia. Hanapin mo na rin yung bus at mauupuan natin."


Umalis muna siya na kasama si Sophia. Nilapitan ko muna si Cydric.


"Pre, salamat sa ginawa mo para sakin."


"Hindi yun para sa iyo, ginawa ko iyon para kay Liam. Sinong hindi makakatanggi sa maamo niyang mukha. Tsaka may kasalanan rin ako, at alam mo na iyon. Sorry."


"Sorry rin. Pramis, hindi na iyon mauulit."


"Eto nga rin ang dahilan," sabay turo sa pasa niya sa panga. "Kung bakit hindi na ako pinapayagan ng daddy kong maglakwatsa mag-isa. "Sabay turo sa mga bodyguards niya. "Maswerte ka at nakilala mo si Liam, natagpuan mo ang isang taong hinahangad ng mga taong katulad ko. Kaya sa sunod na magkita kami ni Liam, gagawin ko ang lahat para di ko na siya mapakawalan." Hinawakan niya ang braso ko. "Magkikita ulit tayo."  


(to be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now