Prologue

332 2 0
                                    

"How will I start? (Fake laugh) hahaha...I don't even know what to say as of this moment. (More fake laugh) hahaha. Punyeta! Napapa-english na naman ako. " Bigla ko na naman naalala ang kaartehan niya, kung paano siya magsalita ng ingles sa harap ko. Isa sa mga ikinaiirita ko pero isa rin sa mga nagustuhan ko sa kanya.

Habang tulala ako sa harap ng phone ko, pinapanood ang mga side comments habang nagla-live ako sa Blued. Kita ko ang sarili ko sa phone ko na maga pa ang mga mata ko galing sa dami ng luhang ibinuhos ko matapos niya kong iwan. Eto pa nga at parang luluha pa ulit ang aking mga mata.


Ang iba, nag sasabi na.."Ano ba ang nangyari?""Let's talk sa private.""Show ka na lang.""I am hot. Ako na lang.""He's a bitch. Bakit ka niya iniwan?""He's not a bitch dude. Know the story first."


Etong mga side comments na talagang mostly ang gusto ay mga show na pampalibog. Ang iba, gusto akong maging boyfriend, pamalit sa nang-iwan sakin. Di nga nila maintindihan ang tunay na kwento. Nasaktan ako nang parang binibigyan na nila ng iba't-ibang pangalan ang taong minahal ko.


"Pasensya na mga idol kung emotional ako ngayon, mahirap lang ang maiwanan."Then there is a side comment na nagtanong..


"Paano ba nagsimula?" Isa sa mga comments na nabasa ko.Indeed, paano nga ba?


And I reminisced, How did it start to love this person?


(To be continued)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now