Chapter 65

27 1 0
                                    

Kinaumagahan ay nakahanda na ang lahat. Hindi na ako namroblema sa boss ko dahil tinawagan ko siya kagabi na matagal akong hindi makakapasok dahil may family emergency na kailangan ayusin at ayokong madamay sila sa problema ko. Agad naman akong pinayagan ng boss ko.


Una nang dinala ni Liam ang ibang mga gamit sa kotse. Sumunod naman ako sa kotse nang makita ko si Liam na nakatitig siya sa maletang itim na ibinigay ni Allen kahapon.


"Ano itong nasa loob?" Tanong niya sa akin.


"Ahh. Iba ko pang gamit sa opisina. Mga damit lang iyan. Dinala ko na kahapon." Buti na lang at nailusot ko pa.


Nang mailagay namin lahat ay sumakay na kami sa kotse. Nasa babysitter sa likod si Sophia na natutulog pa rin at kami naman ni Liam sa harap. Umalis na kami gamit ang kotse ko. Matiwasay naman ang byahe namin hanggang sa makalagpas kami sa Laguna. May napansin akong sasakyan na sumusunod samin. Pagkakilatis ko ay parang kahintulad ito sa mga sasakyan ni Allen. Ibig bang sabihin ay nalaman ng lolo nina Liam at sinusundan na kami ngayon? Binilisan ko ng kaunti ang sasakyan at makailang overtake sa mga sasakyan. Nakapansin na rin si Liam at tinitignan kung ano yung tinitignan ko.


"Ihinto mo ang sasakyan." Sabi ni Liam pero hindi ko sinunod.


"Pero tumatakas ka sa kanila."


"Paano mo alam na sila ang tinatakasan ko?" Hindi na ako nakasagot. "Ibaba mo, kakausapin ko lang sila."


Wala na kong nagawa kundi iparada muna saglit sa gilid ng kalsada ang kotse. Pumarada rin ang isang kotse na sumusunod samin. Bumaba si Liam. Tinitignan ko sa side mirror ang balak gawin ni Liam, binabantayan ko rin si Sophia. Bumaba ang apat na body guard sa kabilang kotse, at pamilyar para sakin ang mga hitsura nila. Saka ako bumaba. Hindi ko maintindihan bakit kami sinusundan kung alagad naman ito ni Allen. Bumaba rin ako at sinundan si Liam.


"Sino ang nag-utos na sundan kami?" Iyon ang rinig ko kay Liam kausap ang bodyguard. Kaso, hindi sila sumagot.


Biglang may sumunod na isa pang kotse at pamilyar rin  ito. 


Pagkababa ng mga nakasakay sa kotse, nagtataka pa rin ako kung bakit sinusundan kami nito at paano niya nalaman na aalis kami ngayon at saan kami tutungo?


(Chapters 66 - 69 will be published next Sunday, Oct. 25, 2020)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now