Chapter 69

35 0 0
                                    

Nasa isang kapehan ako ngayon, nakadungaw sa bintana at tumitingin sa malayo. Isang linggo na nga ang nagdaan pagkatapos akong iwan ni Liam, pero napakasakit para sa akin at napakabigat pa rin sa kalooban. Hanggang ngayon ay hinahanap ko siya at napapanaginipan. Nakapinta na sa utak ko ang mga ngiti niya. Gusto ko siyang puntahan pero baka lumala lang ang sitwasyon. Ngayon lang ulit ako naging duwag.


Maya't-maya ay dumating si Alex. Napagdesisyunan namin na magkita rito sa probinsiya namin dahil napag-alaman kong andito rin siya. Pagkatapos ng pangyayari na iyon ay tinuloy ko pa rin ang pagpunta sa Batangas at manatili rito kasama sina mama, kahit sila ay nalungkot nang malaman nila ang pangyayari.


"Kamusta ka?" Tanong niya sa akin. Ang kaharap ko ngayon ay isang kaibigan na nag-aalala sa akin. Malayo siya sa pagiging maldita niya dati noong binabalak niyang kunin si Sophia sa akin.


"Ayos naman ako. Ikaw? Kamusta na ang kompanya ng asawa mo matapos ipitin iyon ni Allen na halos ikalugi niyo?" Nagulat siya at nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa akin. "Alam ko na ang totoo. Sinabi sa akin ni Mich."


"Hindi ko sinasadyang saktan ka pero nahihiya rin ako sa asawa ko dahil mawawala lang sa kanya ang kompanyang pinaghirapan niyang itayo kung hindi ako susunod sa mga Angeles." Napapaluha na siya habang nagpapaliwanag. "Maniwala ka sa akin, ayaw ko talagang saktan ka pero nadala na rin ako ng takot."


"Alam ko, nabalitaan ko rin na dahil sa wala pa kayong anak ay nagtayo ka ng mga charities. Marami kana palang natulungan, marami ka na ring naisalbang mga bata mula sa pagmomolestya at pang-aabuso. Naipakita sakin ni Mich ang mga katibayan at doon palang ay lubos na kong humahanga sa iyo."


"Noong malaman kong hindi na ako magkakaanak, unang sumagi sa isip ko na kunin si Sophia. Mas may kakayahan ako na ibigay ang mga pangangailangan niya. Pero nauna sa akin ang hiya dahil alam kong susumbatan mo ko. Pero maniwala ka sakin, pinagsisihan ko ang pagpaplano na ipalaglag si Sophia. Ibinaling ko na lang ang atensiyon ko sa ibang bagay, iyon ay tumulong sa kapwa. Dahil doon, natutunan ko na importante ang buhay, kaya kung may kakayahan akong tumulong, gagamitin ko ito..." Napatingin naman siya sa labas ng bintana at tumanaw sa malayo. "Isang araw, lumapit sa akin si Allen. Kaya niya raw palaguin ang negosyo ng asawa ko basta't sundin ko ang gusto niya. Noong una, hindi ako pumayag dahil alam ko kung ano ang magiging epekto nito sa iyo at sa bata. Pero kinabukasan pagkatapos kong tumanggi ay nagkasunod-sunod ang kamalasan namin mag-asawa. Nakulong ang asawa ko dahil ginagamit raw niya ang kompanya namin para maitransport ang mga droga sa iba pang lugar. Siniraan kami ni Allen sa mga investors kaya maraming nagpull-out hanggang sa unti-unti na kaming nalulugi. Sa loob lang ng tatlong araw matapos kong tumanggi ay nagawa niyang mapunta kami sa mga kamay niya. Kaya nagawa ko ang isang bagay na ayaw ko ring gawin sa iyo..."


Naalala ko nga ang sinabi ni Allen, money makes everything under control.


"Ngayon, unti-unting bumabalik sa normal ang lahat. Nakalaya na siya dahil napatunayan na hindi totoo ang paratang sa kanya at bumalik ang ibang investors, nadagdagan pa nga ito. Pero Makmak, kakapalan ko na ang mukha ko, alam kong magiging labag ito sa iyo pero tatanggalin ko ang hiya ko," Bigla niyang hinawakan ang kamay ko, "Maaari ba kong humiling sa iyo? Kung pwede kong makasama kahit saglit si Sophia? Namimiss ko na siya. Kung pwedeng magpakananay ako sa kanya kahit isang araw lang." Sa mga mata niya, kitang kita ko ang kanyang pagsisisi at sinseridad.


"May dahilan ako kung bakit gusto kong makipagkita sa iyo. May gusto akong sabihin sa iyo.", Panimula ko.


(To be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now