Chapter 1

12.8K 213 5
                                    

Umuwi na ako sa bahay para malabhan ko na yung panyo ni Zachary bukas ko nalang isasauli, dahil sa kanya gumaan yung pakiramdam ko kahit simpleng pag tapik lang 'yung ginawa niya malaki pa din ang pasasalamat ko sa kanya, kung wala akong kausap 'dun magmumukha lang akong kawawa. Habang papunta ako sa banyo 'di ko namalayan na may damit pala sa sahig kaya nadapa ako.

"Aray! Bwesit na damit to sino bang naglagay nito dito?" habang hinihimashimas ko ang aking pwet, maya't maya'y natauhan ako sa sinabi ko syempre ako lang ang nakatira dito so ako yung nakahulog nito.

Matapos kong maglaba nagluto na ako ng makakain, gusto ko na talagang matulog ng matiwasay. Habang nagluluto ako ng adobong pusit biglang nagring yung phone ko. Dali dali ko naman 'tong kinuha at tinignan ang caller, si kuya lang pala.

"Hi kuya. Anong kailangan mo?" baka may favor na naman ito.

"Baby, punta ka rito sa bahay bukas may ipapakilala si Dad sa'yo." sabi ni kuya na seryoso ang boses. Nasabi ko na kasi kahapon na nagbreak na kami kahapon ni Kevin. Syempre galit na galit siya. Lalo na si Dad botong boto kasi siya kay Kevin noon kaya hindi siya makapaniwalang nagawa niya iyon.

"Kuya naman eh wala kasi akong gusto sa mga 'yan halata naman sa pagmumukha nila na kaya nilang iwanan ng basta-basta ang mga babae at tsaka kaka break ko lang kay Kevin no may trust issues na ako." sabi ko habang nakanguso, in-off ko ang stove at nag concentrate makinig sa kanya.

"No, Sav pumunta ka rito bukas. Baka mabugbog ko pa 'yung ex fiancée mo." nahihimigan ko naman ang pagkastrikto sa kanyang boses. Hindi niya ako tinatawag na 'baby' 'pag galit siya o kumokontra ako sa kanya. Sabi ni Mom ay simula pa lang daw noong niluwal ako ay baby na talaga ang tawag ni kuya sa akin, kaya nasanay akong 'yan parin ang tawag niya sakin.

"Fine, anong oras ba? baka may shoot na naman ako niyan." sabi ko habang naghahain ng pagkain sa hapag.

Ayoko mang pumunta pumayag nalang ako dahil baka bugbugin talaga ni kuya si Kevin. Oo, mahal ko pa siya. Hindi naman ganun kadali na kalimutan lahat lalo na't matagal-tagal kaming nagsama.

"2 PM sharp don't be late." sabi nito.

"Oh sige kuya sakto wala akong shoot sa hapon." at nagsimula na akong kumain 'di ko na kaya kanina pa ako gutom na.

"Okay see you tomorrow take care, my baby." hindi na niya ako pinasagot at binaba na.

Ang sweet ni kuya talaga kahit pa minsan minsan hindi niya ako maintindihan dahil sa ugali ko, swerte naman ng mapapangasawa ni kuya.

Naghugas na ako ng pinagkainan at pumunta na sa kwarto at dali daling humiga. Hindi ko na namalayan na nadala na ako ng antok.


Pagkapasok ko palang ay nilapitan agad ako ni Cy ngumiti naman ako, 'di ko alam pero sa tuwing kasama ko siya ay magaan ang aking pakiramdam siguro nga kung noon ko palang nakilala ito siguro siya 'yung nakatuluyan ko. Pogi kasi nito, matangos ilong, at may bilugang mata, mapupulang labi na parang babae, at matikas ang katawan na halatang nag g-gym araw-araw pero mas matikas ang pangangatawan ni Zachary. Namilog ang aking mata sa naisip at tumikhim.

"Goodmorning Sav, couple theme ang project natin ngayon perfume kasi eh." napakamot ito sa batok niya na parang nahihiya tumawa lang ako ng mahina.

"Ah ganon ba okay lang naman baka magkaspark pa tayo." biro ko sakanya si Cy naman ay namula kaya natawa ako.

"O-oh sige akala ko naman hihindi ka." aniya. Tumawa lang ako sa sinabi niya.

Hindi ko naman tatanggihan kasi parte iyon ng trabaho namin.

Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon