Chapter 32

3.7K 88 11
                                    

"My everything."

"My everything."

"My everything."

Palagi kong naiisip yung nakita ko kanina napagalitan pa ako ng photographer dahil hindi ako nag concentrate.

"Sav, anong nangyari sa iyo?" nagaalalang tanong ng manager ko sa akin.

"Ah wala masakit lang likuran ko." pagsisinungaling ko dito. Mapanuri naman akong tinignan nito.

"Dahil ba 'to sa nakita mo kanina?" aniya at umupo sa tabi ko. Kakatapos lang kasi naming magshoot.

"H-huh? H-hindi no!" mabilis kong dipensa habang umiiling uling.

"Ba't ka nauutal?" sabi nito.

"Hindi no." sabi ko at nagiwas ng tingin sa kanya. Matagal na kaming magkaibigan ni Claire siya ang manager ko. Naging magkaibigan kami simula noong pumasok ako sa pagmomodelo dito, kaya hindi na ako magtataka na malaman niyang nagsisinungaling ako.

"Lokohin mo lelang mo." sabi nito at tumayo sinundan ko ito ng tingin, pumunta ito sa photographer namin. Lumapit naman ako kay Claire.

"Claire, anong araw tayo aalis?" sabi ko para naman makapaghanda ako.

"Ngayon."

"ANOOOO?!!!" napasigaw ako sa sagot nito, kanina ko pa lang yun pinirmahan pero ngayon na kami aalis? pambihirang CEO naman 'yan.

"Huwag ka ngang sumigaw." sabi nito at tinignan ang mga taong nakatingin sa akin, tumingin naman ako sa paligid at nag peace sign.

"Bakit ngayon? Seryoso ba yan? Anong oras? Ano bang problema ng CEO nila? Hindi niya ba alam busy ako?" tuloy tuloy kong tanong kaya hingal na hingal ako.

"Hindi ko alam sabi niya lang ngayon daw tayo aalis, papunta na private plane nila dito." mas lalong lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Tekaa?!! Ba't parang nagmamadali 'yang putanginang CEO na yan?!!! Sinabunutan ko ang buhok ko at inis na tumingin sa kanya.

"Bakit di mo sinabi? Di pa ako nakapaghanda tapos si Jacky kukunin ko pa!" sabi ko dito, para na akong baliw dahil gulong gulo na ang buhok ko.

"Gaga ka talaga ayusin mo nga 'yang buhok mo! Baka meron pang makakitang ibang tao sayo." sabi nito at umirap sa akin, inayos ko naman ang buhok ko.

"Pwede naman kasing bukas nalang o sa makalawa bakit ngayon pa?! Magiimpake pa kami." sabi ko. Hindi ko alam kung papayag ba si Cy pero wala naman siyang magagawa sa desisyon ko dahil career ko naman ito.

"Iyan gusto nila eh, anong magagawa ko?" sabi nito at tinataas taas ang dalawang kilay.

"Anong oras ba dadating yung eroplano nila?" tanong ko dito.

"I don't know, umuwi ka nalang at magimpake."

"Sige uuwi na ako." sabi ko binigay naman niya ang susi ng kotse ko, nagbeso beso muna kami at lumabas na ako para puntahan ang kotse ko.

Pinarada ko ang kotse sa labas ng bahay at pumasok, pumunta ako sa tapat ng kwarto ni Cy at kumatok.

"Babe?" sabi ko habang kumakatok. Bumukas naman ito.

"Aalis ka na?" tanong ko dito dahil bihis na bihis ito.

"Yes, babe. May sasabihin ka ba?" sabi nito at sa akin at hinalikan ako sa noo.

"A-a-ahh.. kasi anoo.." kinakabahan kong sabi.

"What is it?" tanong niya muli.

"I'm going back to the Philippines." sabi ko at yumuko.

Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon