Chapter 21

3.5K 80 1
                                    

"Wife" sabi nito.

"Wag mo 'kong kausapin." sabi ko na nanatiling nakatalikod sa kanya nasa kama na kami ngayon pagkatapos ko siyang kinaladkad palabas sa Jollibee ay dumiretso na kami sa hotel.

"Baby, I'm sorry please 'wag ka namang maniwala sa kanya." pagmamakaawa nito at niyakap ako ng mahigpit hindi naman ako nagpatinag at nanatiling nakatalikod sa kanya.

"Shut up natutulog ako." sabi ko at kinalas ang pagkakayakap nito sa akin.

"Kumain ka muna." sabi nito at hinalikan ang pisngi ko.

"Manahimik ka nga jan ang ingay mo naman." reklamo ko dito. Nagulat ako ng binuhat ako nito at pinakandong sa kanya.

"Oh? anong tingin na naman 'yan?" sabi ko at umirap.

"Sorry na wala namang katotohanan yung sinabi niya." paliwanag nito tumingin naman ako sa mga mata nito halata ang sinseridad dito.

"Fine, nakairita na talaga 'yang babaeng na yan kung legal lang ang pagpatay siguro binaril ko na siya." inis na sabi ko.

"My wife is being a tigress again." sabi nito at tumawa binatukan ko naman ito dahil nagawa pang tumawa sa ganitong oras.

"Ouch what's that for?" sabi nito at hinimas ang ulo.

"Manahimik kang gago ka!" sabi ko at lumayas sa pagkakakandong dito mabilis naman ako hinila nito para makakandong muli kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Ba't ba ang hilig mong manghila?!" sigaw ko sa mukha nito.

"Sorry wife." sabi nito at hinalikan ang noo ko tapos sa ilong papuntang bibig ko hindi ko naman tinugon ang halik nito.

"Part your lips, wife." sabi nito, lumayo naman ako sa mukha nito.

"Paano kung ayaw ko?" naghahamon kong sabi.

"You're testing my patience, wife." sabi nito at bahagyang pinisil ang magkabila kong pisngi gamit ang isang kamay nito para mapanganga ako. He kissed me roughly yet passionate, we kissed until we're running out of air.

"Tss, daya nito oh." sabi ko at bahagya siyang sinampal.

"You can't resist my kiss, wife." sabi nito at kumindat pa sa akin.

"Che!" sabi ko at tumayo.

"Let's eat wife, nag order ako ng Jollibee alam kong gusto-gusto mo nang kumain nito." sabi nito at pinaupo ako sa couch. Binigay niya sa akin ang dalawang fried chicken at tatlong kanin sa iisang plato.

"Hoy! anong tingin mo sa akin Zachary Savedra? Baboy?" sabi ko at binalik ang isang kanin sa lamesa.

"Shh.. eat well wife." sabi nito at kumagat sa fried chicken na hawak-hawak nito hanggang sa matapos kaming kumain, ngayong ko palang namalayan na gabing-gabi na pala.

"Hon, nasaan 'yung lotion dito?" sigaw ko mula sa banyo nag half bath kasi ako tapos hindi ko makita ang lotion ko.

"I don't know, wife." sabi nito.

"Tignan mo nga sa backpack baka nandoon." sabi ko habang nakaharap sa salamin nag lagay ako ng moisturizer sa mukha ko at maiging hinimashimas. Bumukas ang pinto ar pumasok si Zachary na dala-dala ang lavender lotion ko inilagay naman niya ito sa sink nagpasalamat pa ako rito at lumabas na ito, nagpatuloy pa ako sa skin care ko para makatulog na kami.

Lumabas ako sa banyo at pumwesto sa kama dali-dali naman yumakap si Zachary sa akin.

"H-hon, hindi ako makahinga." reklamo ko dito lumuwag naman ang pagkakayakap nito sa akin at hinalikan ako sa buhok.

"Wife?" sambit nito habang nakapikit.

"Ano?" sabi ko na nakatingin sa pader.

"I love you so much I'd risk my life for you." sabi nito.

"Anong risk risk? wala naman mangyayari sa akin no."

"I want a baby." pagiibang usapan ni Zachary.

"Gusto ko rin naman, Zach." sabi ko.

"Bakit hindi ka na nakikipag sex sa akin?" lumaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Gago! 'yang bibig mo talaga paano na lang kapag marinig ng magiging anak natin ang ganyan, tigitigilan mo nga iyan." sabi ko narinig ko pa itong tumawa.

"You're not answering my question, wife." sabi nito.

"May regla pa ako!" sabi ko.

"Kailan ba 'yan mawawala? Pambihira naman." reklamo nito sumiksik naman ito sa dibdib ko.

"Hindi ko alam 'wag ka ngang magmadali gagawin rin naman natin 'yan." sabi ko at pumikit. "Gusto ko ng umuwi."

"Bakit naman? dahil ba kay Threya?" tanong nito.

"Oo naiirita ako sa pagmumukha niya kaya mas mabuting umuwi na tayo." pagpamimilit ko sa kanya.

"Okay, bukas tayo ng umaga uuwi." sabi nito.

"Magbobook ba ulit tayo ng flight?"

"Ako na ang bahala inaantok na ako." sabi nito at humikab pa.

"Matulog na tayo."

"I love you, Hon." pagtatapat kong muli sa kanya.

"I know... I love you even more my wife.."

Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon