"Let's get to the point. Sav, I want you to meet your soon to be husband, Zachary Savedra."sabi ni Dad na ikinaluwa ng aking mata.
"ANOOO?!!! Dad naman anong soon to be husband, ilang araw pa lang kaming break ni Kevin!" napasigaw tuloy ako tumingin naman ako kay Mom. "Mom, please 'wag ganito nag kakasimula ko palang sa pag momodelo." buntong hininga ko.
"No, Sav you should marry Zachary di lang naman ito makakabuti sa kompanya kundi sa'yo rin." sabat ni kuya nanlumo nalang ako tutal wala naman akong magagawa kahit pa lumayas ako dito makikita parin ako ni Dad.
"Zachary magsalita ka naman jan! Alam kong hindi mo rin gustong matali sa akin!" sigaw ko pero ngumiti lang ito.
"Pakasalan mo si Zachary, Sav nalulugi na ang ating kompanya ito nalang ang tanging paraan para makaahon tayo." tanging buntong hininga nalang ang aking ginawa 'di ko rin naman hahayaan na bumagsak ang kompanya namin dahil pinaghirapang palaguin ng aking mga magulang ang kompanya namin.
"Fine, ano pa bang magagawa ko alam mo namang mahina ako pagdating sa kompanya natin." sabi ko habang pinaglalaruan ang aking inumin.
"So it's settled, kailan ang kasal?" tanong ni dad sa ama ni Zachary lumapad naman ang ngiti nito.
"6months from now medyo matagal, paghahandaan pa natin ang kasal nila." sabi ng ama ni Zachary tumingin naman ito sa kanya.
"Son, mamasyal muna kayo ni Savannah." tumango si Zachary at tumingin sa akin tinignan ko naman si kuya para humingi ng tulong pero umiwas lang ito ng tingin, wala akong nagawa kundi tumayo at sinundan si Zachary palabas ng bahay.
"Wag mo 'kong titigan baka matadyakan kita jan." singhal ko sa kanya ngumiti ito ng napaka tamis kaya mas nainis ako.
"Wag ka ngang magalit alam ko naman na 'di mo hahayaan na malugi ang kompanya ninyo." sabay akbay sa akin at marahas ko itong tinanggal.
"Maka asta ka naman parang close tayo!" hinila niya naman ako palapit sa kotse niya , binuksan ni Zachary ang kanyang kotse at inalayan akong pumasok, para naman akong baldado kung ituring.
Nang maka pasok na ito sa driver seat ay may kinuha ito sa likuran tinignan ko naman ito, dahan-dahang binuksan niya ito at nanlaki ang aking mata dahil napakaganda ng singsing.
"Wag mong tanggalin tandaan mo Sav." sabi nito at hinawakan ang aking kamay at pinasok ang singsing. "You're my fiancée now." habang nakatitig sa akin, ang hirap tuloy lumunok ng laway.
"Asa ka namang papakinggan kita." sabi ko at iniwas ang tingin pinipigilan ko talagang mapangiti.
"Don't you ever try." may halong pagbabanta ang kanyang boses. "Let's go shopping it's my treat dahil fiancée mo na ako." at nag simulang magmaneho. Tahimik lang kaming dalawa sa sasakyan 'di na 'ko nakipag usap dahil naiinis pa rin ako nung una malaki ang pasasalamat ko sakanya ngayon may galit na ko di pa kasi ako ready magpakasal may trust issues pa rin ako. Sino ba kasing magaakala na yung lalaking tumulong sa akin sa bar 'yun pa yong lalaking papakasalan ko.
Bakit ang hot ni Zachary kahit marami itong bitbit? napapalingon tuloy ang mga babae sa kanya, di hamak naman na mas maganda ako sakanila. OMG I sounded like a jealous girlfriend di pwede 'to. Napaigtad ako nang hinawakan niya ang aking kaliwang kamay iaalis ko sana pero naunahan niya ako.
"Subukan mong tanggalin bubuhatin kita dito." bulong niya nilibot ko naman ang aking paningin andaming tao ayaw ko namang gumawa ng eksena dito kaya hinayaan ko nalang.
"Bumili tayo ng libro." sabi ko at hinila siya papunta sa NBS. Habang naglalakad kami papasok sa NBS may biglang tumawag sa akin.
"Sav!" tumakbo ito papunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit naistatwa naman ako.
"J-j-james? A-anong ginagawa mo dito?" nauutal kong sabi dahil hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin tumikhim naman ng napakalas si Zachary dahilan para matulak ko si James.
"Get your fucking hands off she's mine." madiin na saad ni Zachary siniko ko naman siya sa inaasta niya pero inirapan niya lang ako. Hindi ito pinansin ni James at umakbay pa sa akin. Nagulat ako ng lumipad ang kamao ni Zachary kay James kaya napasigaw ako.
"OMYGOD Zach! Stop it!" sigaw ko habang binugbog niya ito hinila ko naman palayo si Zachary kay James, pumutok tuloy ang labi ni James tinignan ko naman si Zachary galit pa rin ang expression nito kaya hinawakan ko ang kanyang kamay tumingin naman ito sa akin at lumambot ang kanyang pagmumukha.
"I'm so sorry James gosh anong gagawin ko." lumapit ako sa kanya at akmang hahawakan ko sana ang kanyang mukha ng kinaladkad ako ni Zachary papuntang parking lot ayan tuloy nakalimutan kong bumili ng libro ba't ba kasi nakipagbugbugan?
"Ano ba Zach? Ba't mo binugbog? Nakokonsensya tuloy ako!" singhal ko sakanya binitawan niya naman ako at humarap halatang galit pa rin.
"Ano ba sa tingin mo gagawin ko? Hinahawak hawakan ka niya!" balik singhal niya sa akin na ikinaigtad ko.
"Tatanggalin ko naman pero naunahan mo'ko pwede namang tanggalin mo pero ba't mo binugbog?!" naiinis na talaga ako sakanya madali panaman akong magalit.
"Kasi nagseselos ako! Ako lang ang may karapatang humawak sa'yo Sav! Ako lang!" Sigaw niya sa akin, iniwan ang aking mga pinamili sa sahig at umalis na ito. Hindi ko napansin na tumulo ang aking mga luha.
BINABASA MO ANG
Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)
Romance[R-18] This is a story about breaking the billionaire's heart by hiding his daughter from him. What is the untold reason for their breakup? Will they work again on their arranged marriage? Date Written: October 23, 2020