Chapter 11

4.3K 106 0
                                    

5 months later*


Last day, tomorrow I'll be Savannah Iris Amescua Savedra halos isang linggo kami ni Zachary hindi nagkita dahil daw baka hindi matuloy ang kasal tanging tawag lang ang aming ginagawa.

I'm here at my parents house sitting in my room's balcony, sipping my morning coffee. Masaya ang pagsasama namin ni Zachary sa iisang bobong kahit may iilang problema kami kahit nga minsan inaaway ko siya tapos magagalit si Zachary pero sa huli ako parin ang nananaig dahil lalambingin niya ako.

"Baby, tinatawag ka ni Mom." malumnay na sabi ni kuya at pumasok sa balcony tumingin naman ako dito at ngumiti. "My baby is no longer a baby you're now a grown up, Sav you're getting married I'm happy for you." may ngiti na sabi ni kuya niyakap ko siya ng mahigpit.

"Thank you, kuya kailang ka ba mag aasawa?" biro kong sabi.

"Tsk I'm not ready for that." sabi nito at umirap.

"Weh? Oh baka naman binasted ka o tinanggihan ng kasal?" tawang-tawa kong sabi.

"I'm done chasing that woman." sabi nito at umiwas ng tingin, tinignan ko naman ang mga mata nito. May bahid itong lungkot pero kaagad naman itong nawala nang humarap ito sa akin. "Go down, Sav may paguusapan kayo ni Mom I'll stay here." sabi ni Kuya. Tumango naman ako.


Tinahak ko ang daan papuntang sala nasa second floor kasi ang kwarto ko, pagkababa ko palang bumungad sa akin ang mga magulang ni Zachary kasama din nila ang magulang ko.

"Goodmorning, Mom and Dad." bati ko sa mag asawang Savedra at nakipag beso-beso.

"Excited ka na ba hija? nagbalak pang tumakas si Zachary kagabi buti nakita ng isang maid namin kaya ayon badtrip miss ka na daw niya." tawang-tawang sabi ng ama ni Zachary.


"HAHAHAHAHAHA! hindi talaga makapag hintay, nagtatawagan naman kami." iling-iling kong sabi at umupo sa harapan nila.

Hinawakan naman ni Mom ang kamay ko.

"I'm happy for you, Sav." naluluhang sambit ni Mom.


"Wag kang umiyak Momy mag-aasawa lang naman ako hindi naman ako aalis ng bansa." I chuckled.


"Dalawin niyo kami ni Zachary dito ha? At sana pag balik niyo dito may apo na kami." nanlaki tuloy mata ko, pero gusto ko naman magka anak kasama si Zachary.


"Si Mom talaga." nagpaalam na ako sa kanila at bumalik sa kwarto.

Nakita ko si Kuya na mahimbing na natutulog sa kama ko.


"Ba't ba siya natutulog sa kama ko?" nagtataka kong tanong inayos ko nalang ang pagkaka higa nito at kinumotan siya. Lumabas muli ako ng balcony at umupo.

Sa mga nakalipas ma buwan nalaman kong si Theya at Zachary pala ay nagkakilala sa isang Bar at doon nga may nangyari sa kanila tanggap ko naman dahil hindi na bago sa akin ang ganyan, at simula daw noong may nangyari sa kanila palagi daw itong nambwebwesit may sinend pa nga ito sa akin na video nilang dalawa na naghahalikan kaya labis akong nasaktan at nagalit noon napagtanto kong noon pa pala ito nangyari. I really think that she's a psycho. Sa kalagitnaan ng pagbabalik tanaw ko ay biglang nag ring ang cellphone ko na naroon sa lamesa kinuha ko ito at sinagot.


"Hon?" bungad ko kay Zachary.

"Baby, I miss you ngayon nalang kaya tayo magpakasal?" pagkukumbinsi sa akin. Tumawa nalang ako dito.


"Gago maghintay ka makikita mo rin naman ako bukas." sabi ko at tumingin sa malayo.


"Fine, I can't wait to marry you and then make a child." tumawa ito kung nasa harapan ko ito siguro sinapak ko na.

"Tse, pareho lang kayo ni Mom nanghihingi na kasi ito nang apo."


"Sabihin mo sa kanila na huwag mag alala madali lang naman gumawa ng bata." narinig ko pa itong tumawa.


"Ilan ba gusto mo?" tanong ko. Sino ba kasing babae na hindi gusto magka anak siguro lahat naman ay gustong bumuo ng sariling pamilya.


"Kahit ilan pero gusto ko lalaki ang mauuna."


"No, gusto ko babae."


"Hindi lalaki dapat para siya ang unang mamamahala sa negosyo natin."

"Ayan ka na naman." sabi ko at umirap.

"Baby, I'm sorry pero kahit naman hindi ko sasabihin ay mapupunta rin naman ito sa mga anak natin."

"Huwag natin silang pilitin, Zach kung ayaw naman nila, gusto ko maging normal ang pamumuhay natin."

"Fine, I love you baby." malambing na sabi nito

"I love you more, Zach." sabi ko at ngumiti. "Oh siya sige na kukuha lang ako ng pagkain sa baba mamayang gabi ka na tumawag." sabi ko at tumayo.

"Baby, antagal pa mag gabi 11 pa lamang ng umaga."

"Joke lang naman alam kong hindi ka makatiis."


"Sige ibababa ko na 'to kumain ka ng marami, I love you." sabi nito at pumasok na ako sa kwarto ko nakita ko si kuya na gising na.

"Ikaw rin, I love you too Hon." pinatay ko na ang tawag. Lumapit naman ako kay kuya.

"Bakit dito ka natulog kuya?"

"Ang lambot ng kama mo." sabi nito.

"May sarili ka kayang kama chupee lumabas ka na." I pushed him to the door napakamot naman ito ng ulo at lumabas na nang tuluyan.


Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame.

"Thank you Lord, ang dami kong blessing na natanggap ngayong taon simula kay Zachary kay Khylie at Belle na naging bestfriend ko at sa lahat ng sumuporta sa akin noong modelo pa ako siguro babalik lang ako sa pag momodelo kapag natapos na ang kasal." sabi ko at huminga ng malalim. Tumayo ako sa pagkakahiga at bumaba para kumuha ng makakain pag labas ko nang kusina ay may dalawang babae at isang lalaki na kadadating lang dali-dali kong nilapag ang pagkain sa lamesa at tumakbo sa kanila.


"OMYGOD! Anong ginagawa niyo dito? Dito ba kayo matutulog?" tanong ko sakanilang tatlo si Belle naman ay unang umupo sa sofa halatang wala sa mood.


"Duhh syempre binisita namin ang aming kaibigan kahit may jetlag pa ako nagsumikap akong pumunta rito." mataray na sabi ni Belle tumawa naman ako dito at pinaupo si Khylie at Cy.

"Yan ba ang napala mong bruha ka? Pumunta ka lang sa Greece nagka ganyan ka na." tumawa naman si Cy sa sinabi ko.

"Maynaghahabol kasing lalaki sa kanya kaya nag tataray, at take note kilala mo ito, Sav." sabi ni Khylie ako lang siguro dito ang walang alam.


"Ba't di ko yan alam." sabi ko at tumingin kay Belle na naka simangot.

"Gaga syempre ang busy mo kaya para sa kasal ninyo ni Kuya Zachary." sabi ni Khylie. Si Khylie ang nakababatang kapatid ni Zachary. Small world huh?


"Sino ba yang lalaking naghahabol sa kanya?" curious kong tanong.

"It's your brother, Sav." sabat ni Cy na ikinagulat ko like holyshitt!! Si kuyaaa?!!!

"Ano?!!! Si kuya?!!! As in si Kaleb Ace Amescua?!!" tili ko sa harap ni Khylie.

"Ang ingay nitong babaeng 'to sa pagkakaalam ko isa lang ang kuya mo." Pagkasabi ni Kyhlie ay lumingon kaming tatlo dahil may lalaking bumaba sa hagdan. Napatakip tuloy ako ng bibig. Tinignan ko naman si Belle na inis na nakatingin at pinaikot ang mata kay kuya at si kuya naman ay halatang gulat. Wow si Belle ang naghahabol noon ngayon naman ay si kuya na. HHAHAHAHAHA!

Madali namang umiwas ng tingin si kuya at pumunta sa labas ng bahay.

"Maka asta para namang hindi ako pinuntahan sa Greece." bulong-bulong ni Belle pero narinig naman namin.

Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon