Chapter 25

3.4K 72 0
                                    

Kanina pa ako nakatingin sa kisame. Mag aalas 10 ng gabi pero hindi pa rin ito dumadating. Baka natulog na 'yun sa kabit niya, sabi ko sa isipan, hinampas ko naman ang ulo ko. Kinuha ko ang cellphone sa gilid ng kama at binuksan.

"Wala man lang text o tawag, kapag tinatawagan ko naman walang sumasagot." sabi ko. Tinawagan ko si Khylie para magtanong kung nasaan ang asawa ko. Naka ilang ring pa ito bago sumagot.

"H-h-hi.. Sav may problema ba?" nangunot naman ang noo ko problema agad? pwede namang magtatanong lang ako.

"Wala pa kasi dito ang kuya mo nagiisa lang ako sa bahay, baka alam mo." sabi ko.

"A-ah.. h-hindi ko alam subukan mong tanungin si Kaleb baka kasama niya." nauutal pa ito.

"Ah sige salamat Khy." sabi ko at binaba ang tawag. Tinawagn ko naman kaagad so kuya madali naman nitong sinagot ang tawag.

"Yes, baby?" bungad ni kuya sa akin.

"Kasama mo ba si ang asawa ko hindi pa kasi siya umuuwi nagaalala na ako." sabi ko.

"Hindi ko siya kasama, Sav." sahi nito napabuntong hininga ako sacsinabi nito.

"Ah ganoon ba... Salamat kuya bye." sabi ko at pinatay ang tawag, sunod-sunod naman ang buntong hininga ko.

"Nasaan ka ba Zachary?" tanong ko sa hangin.

Napagdesisyunan ko na lumabas para hanapin ito, naka t-shirt lang ako at shorts ang pinares kong pangpaa ay tsinelas lang. Kinuha ko ang susi sa drawer at lumabas ng bahay.

Nag drive ako kung saan-saan pumunta pa ako sa bahay ng mga magulang ni Zachary pero wala siya dito. Pumasok ako sa 7/11 para bumili ng kape pagkapasok ko ay dinial ko ang number ni Zachary nakailang ring pa ito bago sinagot. Hays salamat naman.

"Hello hon? Naasan ka ba? Gabing-gabi na wt tsaka bakit hindi ka man lang tumawag?Umuwi ka na please nagaalala na ako sa'yo." tuloy-tuloy kong sabi.

"Ughh..Ohfuck....Fuck me harder, Zach baby..." rinig kong ungol ni Theya sa kabilang linya, namutla ako sa narinig ko sa kanya.

"H-hindi... h-hindi 'yun magagawa sa akin ng asawa ko.... mahal niya 'ko... m-mahal niya ako..." sabi ko habang umiiling, dali-dali akong pumasok sa sasakyan at nagmaneho patungong bahay ng mga magulang ko aiguro doon muna ako pansamantala.

Binuksan ako ng pinto ng ina ko at dali-dali ko itong niyakap at humagulgol.

"H-hindi ako naniniwala sa narinig ko mom.... p-pero ba't ang sakit?" sabi ko sa gitna ng pagiyak.

"Hush, darling kung ano man ang problema ninyong magasawa dapat pagusapan niyo muna, paginggan mo siya... 'wag mong isarado ang tenga mo." sabi nito at tinapik ang likod ko. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa nagsawa ako. Kumalas ako sa pagkakayakap ni Mom at pinunasan ang luha ko.

"Opo, papakinggan ko muna siya." sabi ko nagpaalam muna ako sa ina ko at pumunta sa kwarto ko noon. Nagbihis muna ako at humiga sa kama kahit anong gawin ko masakit pa rin kahit hindi ko alam na totoo ba ito or hindi. Kahit naman sino ang makakarinig ng ganon ay masasaktan ka talaga.

"Sana mali ang hinala ko, Zach." bulong ko at hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

Naalimpungatan ako ng may humalik sa noo ko minulat ko ang mata ko at tumingin kung sino ito.

"You're awake, wife." sabi nito kinuha ko naman ang cellphone ko sa gilid at tinignan kung anong oras na. 3:46AM. Tumingin uli ako dito halatang nakainom.

"Ginagawa mo dito? Sinabihan ba kitang pumunta rito?" mataray kong sabi nito akala ko ay susumbatan ako nito pero mali ako tumawa lang ito ng mahina.

"Damn, my wife is so beautiful I couldn't even resist your beauty." sabi nito kinilig ako pero dapat hindi ako magpahalata hindi ko pa nakakalimutan 'yung ungol ni Theya.

"Ingay nito." reklamo ko dito.

"Sungit naman nito." sabi niya at tumabi sa akin, niyakap ako nito at siniksik sa dibdib niya.

"Saan ka ba nanggaling ha? Tapos ba't lasing ka? Niloloko mo na ba ako, Zachary? kung oo, hintayin mo nalang ang annulment paper." sabi ko dito at lumayo sa dibdib nito.

"Nanggaling ako sa bahay ng mga magulang ni Theya, she wants to kill her self again, bakit ako lasing? I just feel like drinking at hindi kita niloloko. And lastly huwag mo akong bigyan ng annulment paper, Sav hindi kita lolokohin." sabi nito.

"Ano naman ang idadahilan mo ng tumawag ako sa'yo at tanging ungol lang ni Theya ang naririnig ko ha?" inis kong sabi.

"Huwag lang maniwala doon." sabi nito. " Mahal na mahal kita, Sav tandaan mo 'yan." dabi nito hindi naman ako kumibo, maya-maya ay humilik ito kaya napatingin ako dito. Napabuntong hininga ako ng makitang tulog na tulog ito

Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon