Chapter 37

4.1K 98 4
                                    

Nasa labas na kami ng buhay ni Belle at kuya. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon nila. Ang pagkakaalam lang nila ay hindi kami naghiwalay, nagpunta lang ako ng France para matupad ang pangarap ko. Ang kinakataka ko naman ay bakit hindi sinabi ni Dad sa iba. Siguro iniisip niya na hindi dapat siya mangialam sa buhay namin.

Para akong iniwan ng kaluluwa ko sa sobrang kaba, alam kong para na akong patay dahil sa pamumutla ko. Alam na alam ko kung paano magalit si kuya.

"Wife? you look pale, okay ka lang?" tanong nito sa akin, si Jacky naman ay nasa bisig niya.

"A-ah... ehh.. kinakabahan ako, anong sasabihin ko sa kanila? Ilang taon ng lumipas, Zach pero ngayon pa nila malalaman na may anak tayo." sabi ko habang pinaglalaruan ang kamay ko.

"Nandito naman ako." sabi nito, napabuntong hininga nalang ako at pumasok sa malaking gate ng bahay nila. Naiihi ako, punyeta naman oh!

Pagkapasok palang namin sa pinto ay tanaw na tanaw ko na si kuya na hindi maipinta ang mukha. Si Belle naman ay tumayo sa tabi ni kuya at lumapit sa akin at nagyakapan, ng kumalas ito ay tumingin ito kay Zachary at sa anak namin, namilog pa ang mga mata nito.

"Umupo na kayo, Sav." pagiibinta ni Belle sa amin, nagkapalitan muna kami ng tingin ni Belle at tinaasan ako ng kilay. Umupo si Zachary at ako naman ay dumiretso sa kuya kong tigre, hinalikan ko ito sa noo at umupo na sa tabi ni Zachary.

"Sino 'yan?" matalim ang tingin ni kuya kay Zachary.

"Our daughter." kalmang saad ni Zachary kay kuya, siniko ko naman ito pero hindi ito nagpatinag.

"Kaya ba nanatili ka sa France, Savannah?" nangilabot ako sa pagtawag sa akin ni kuya, hindi kasi ako sanay na tinatawag niya ako ng Savannah.

"Uhm.. Oo." tanging sabi ko tumingin naman ako kay Belle para humingi ng tulong tinaasan lang ako nito ng kilay na para bang nagsasabi na 'kasalanan mo 'yang bruha ka!"

"Baby, magmano ka kay tito Kaleb mo at kay tita Belle." sabi ko dito tumingin naman ang anak namin sa kanila at bumaba sa pagkakaupo. Lumapit ito kay kuya at kinuha ang kamay.

"Tss.. parang ang tanda ko naman." bulong ni kuya pero rinig na rinig namin, binatukan naman siya kaagad ni Belle.

"Ouch, baby!" wika nito at hinihimas himas ang ulo.

"Manahimik ka." natatawa ako sa kanila, nakakapanibago pa rin. Tumingin si Belle kay Jacky at inilahad ang dalawang kamay.

"Hi baby girl! What's your name?" lumapit naman dito sa Belle nagman pagkatapos ay binuhat ni Belle si Jacky

"Jacky Irish, po." magalang nitong sabi, sumulyap naman ako kay kuya, nakasimangot na ito. Problema ng isang 'to? Hindi ba napagbigyan kagabi?

"Kamukhang kamukha mo ang papa mo! Girl version!" sabi ni Belle at tumingin sa akin. "Parang yung mata lang nakuha mo sa ina mo." sabi nito na ikinasimangot ko, nasa sinapupunan ko siya sa loob ng siyam na buwan tapos lalabas siya ng magkamukha sila ng ama niya. Nababadtrip ako.

"May hindi pa ba kami alam?" biglaang sabi ni kuya na ikinalingon namin sa gawi niya, tumingin muna ako kay Zachary.

"Sasabihin ba natin?" bulong ni Zachary sa akin, nagkibit balikat lang ako sa kanya, kung sasabihin niya baka mapatay siya ni kuya.

"I'll tell them." seryosong sabi nito.

"Baka mapatay ka ni kuya." umismid lang siya sa akin. Hindi naman ako nagbibiro ah!

"Edi magpatayan kami." bulong na naman nito, hindi ko sinasadyang mapatingin kay kuya, nakamasid ito sa amin at matalim na nakatingin. Napaupo ako ng tuwid.

Sinabi lahat ni Zachary sa kanya simula doon sa nangyari sa Masquerade Party kaya ayun nabugbog siya ni kuya, nagawa pang magpanggap ni Belle na sumasakit ang tiyan niya para tumigil si kuya, si kuya naman ay namutla nang sumigaw si Belle dali-dali niya itong dinaluhan. Kinuha naman ni Belle ang kutsara sa lamesa at pinukpok sa ulo ni kuya.

Ginagamot ko ang putok na labi ni Zachary, ito naman ay nakamasid lang sa akin.

"Nasaan pala si Theya?" tanong ko dito, hindi naman sa gusto kong makita ang haliparot na 'yun pero nagtataka lang ako dahil wala akong nakitang bakas niya, siguro kinuha na ng mundo.

"Abroad, she's crazy." iniangat ko naman ang tingin ko at nakita kong nag tagis ang bagang nito.

"Alam ko namang baliw siya." sabi ko dito at pinagpatuloy ang paggamot.

"Meron siyang pyschotic disorder." nalaglag naman ang panga ko sa sinabi nito. Akalain mo nga naman literal pala siya na baliw.

"Totoo ba 'yan? Kanino mo nalaman?" lumayo ako dito at niligpit ang gamot.

"Yep, sa ina niya, bago pa lang daw nila nalaman dahil sa mga galaw nito." sabi nito napatango naman ako. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat. Napatingin naman ako sa mga mata nito.

"Ano na naman?"

"Live with me." sabi nito, umismid naman agad ako sa kanya. Galawan nito oh.

"May tinitirhan kami, Zach." sabi ko dito.

"Lilipat ako sa inyo, kung ayaw mo." sabi nito.

"Huh? Anong lilipat hindi sa akin 'yun no! sa kompanyang pinagtratrabahuan ko 'yun."

"I know."

"Alam mo naman pala eh!" sigaw ko sa mukha nito. "Ay, teka nga lang, ba't alam mo?"

"Because it's my damn company, wife." nagsalubong ang kilay ko at bumagsak ang panga ko. Kaya pala walang pangalan ng CEO at kompanya sa kontrata! Naisahan ako dun ah!

"What?! kaya ba ang laki ng offer mo tapos may pa mansion mansion ka pang nalalaman?!" inis kong sabi, ngumisi naman ito sa akin.

"I'll do everything just to make you come back." sabi nito.

"So kilala mo 'yung chef?" pagiiba ko sa usapan, bumagsak ang ngiti nito at napalitan ng inis sa mukha. Huli ka! Akala mo ha!

"Tss" umirap ito sa akin.

"Kaya pala alam niya 'yung paborito kong ulam, ikaw ba ang sumuntok sa kanya? Kaya may pasa siya?" naghihinala kong sabi.

"Yes, wife. Sinabihan ko siyang huwag kang hawakan tapos ang gago tinawag ka pang baby!" umigting ang panga nito kaya napahalakhak ako.

"May CCTV ba doon?" wala naman akong nakitang kamera doon ah, paano niya nalamang tinawag ako ng ganoon ni Kent.

"Tss" tanging sabi nito.

"Seloso mo! Biro lang naman 'yun." sabi ko at sinapak ang braso niya. Oha!! Ang tigas!

"Akin ka lang, Sav, ayoko ng may kahati." seryosong sabi nito, napakagat naman ako sa ibaba kong labi. Wala akong masabi.

"Marry me again, Sav."

Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon