Chapter 22

3.5K 78 0
                                    

"Wah ang init talaga sa Pilipinas." papasok na kami sa bahay namin pagkabukas ng pinto nakita ko si Kyhlie,Belle, si kuya, Ryan at Ivo may katabi itong isang magandang babae.

"HALAAA!!!" tili ko tumakbo naman si Belle at Khylie sa akin at nakipagyakapan.

"Bruhang 'to kumusta honeymoon niyo? Masarap ba?" loka-lokang wika ni Belle tumawa naman si kuya sa sinabi nito kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Oo masarap ang pagkain." sabi ko lumapit naman si kuya sa akin at hinalikan ang noo ko. Ang asawa ko naman ay naroon sa mga kaibigan niya.

"Gaga! sabihin mo dali... kwentuhan mo kami simula sa kama.." sabi nito at pinaupo ako sa couch.

"Manahimik ka nga ang ingay mo." singhal ko dito.

Lumapit naman si Zachary sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Kukunin ko lang yung mga gamit natin." sabi nito at lumabas na sa bahay. Sumulyap naman ako kay Khylie.

"Teka, ba't kayo nakapasok dito?" tanong ko at iniisa-isa silang lahat tinignan.

"Syempre ako pa baka nakalimutan mong magkapatid kami ng asawa mo." sabi nito at ininom ang tubig na nasa may lamesa. Tumingin naman ako kay Belle.

"At ikaw ba't ang good mood mo ngayon?" sabi ko kay Belle at tumingin sa kinaroroonan ni kuya. "Parang ako nalang ata ang walang alam dito." ngumuso ako.

"Bruhang 'to umalis ka kasi ng bansa." sabi ni Belle at umirap pa ang loka-loka.

Tumayo ako at umupo sa gitna nilang dalawa ni Belle at Khylie.

"Kayo na ba?" sabi ko habang nakatingin sa mga mata ni Belle.

"Hindi asa siya!" sabi nito at sumandal sa kinauupuan.

Matagal-tagal pa kaming nagusap dahil marami na akong walang nalalaman sa buhay nila umalis lang kami ng bansa tapos pagbalik namin marami na ang nangyari. Nasa tabi ko si Zachary nasa harapan naman nami si Ryan tapos ang nasa tabi nito ay si Khylie at Belle, si Ivo naman at 'yung magandang babae ay nasa kanan at si kuya naman ay nasa kaliwang upuan.

"Wife, this is Yesha Nemisis Chua, Ivo's girlfriend." napanganga naman ako at dahan-dahang tumango. Tumayo naman ito at nakipag kamayan sa akin.

"Hi! Nice to meet you." nakangiting sabi nito pero ang mga mata nito ay walang emosyon kaya kumunot ang noo ko pero madali naman akong nakabawi at binalikan siya ng ngiti.

"Pleasant to meet you, I'm Savannah Iris Savedra, Zachary's wife." sabi ko sabay naman kaming umupo pasimple akong bumulong kay Zachary.

"Nacucurious ako ito ba yung sinasabi mong babae na ka batch mate niyo sa college?" bulong ko.

"Yes, wife." bulong nitong sabi napa 'O' naman ang bibig ko at tumingin kay Yesha, blonde ang kulay ng buhok nito, singkit ang mga mata halata na may dugo itong Chinese, mahabang pilik mata, makapal ang kilay at mapupulang labi. Ang ganda bagay siya magmodelo. Napansin naman nito na nakatingin ako kaya tumingin din ito sa akin mabilis naman akong ngumiti at umiwas ng tingin.

"Nakita mo ba kanina? nakangiti siya pero walang emosyong ang kanyang mata?" bulong ko ulit sa asawa ko nakipag chismisan tuloy kami sa harapan nila may kanya kanya kasi sila ng pinaguusapan.

"I didn't see." tanging sabi nito kaya tumigil na ako sa kakadaldal.

"Where's your girl, Ry?" tanong ng asawa ko lumukot naman ang mukha ni Ryan sa tanong nito.

"Province" sabi nito at umiwas ng tingin umiling naman si Zachary sa sagot nito.

"Khylie, Belle at Yesha sumama kayo sa akin sa kwarto para naman mag girls talk tayo." sabi ko habang nakatayo tumingin naman sila sa akin. Tumingin naman si Yesha kay Ivo na parang naghihingi ng permiso.

"You can go love." sabi nito at bahagyang ngumiti. Wow first time niyang ngumiti!

"Sige" sabi ni Yesha hinila ko naman si Belle at Khylie patayo sa kinauupuan nila, lumapit muna ako kay Zachary at mabilis na hinalikan sa labi.

"Sa taas lang kami, hon." sabi ko at nangungunang maglakad papuntang hagdanan sumunod naman sila sa akin hanggan maka pasok kami sa kwarto namin ni Zachary.

"WAHHH!! chikahan mo nga kami kung paano kayo nagkakilala ni Ivo." sabi ni Khylie nakaupo kami sa couch dito sa balcony.

"Well, noong college pa kami nagkakilala, sa tapat ng Gym tapos nakatago siya sa pinto....." mahaba habang kwento ni Yesha pati tuloy lahat ng ganap niya sa buhay ay nakwento niya sa amin.

"Hala! so umalis ka na sa pagiging ano pagkatapos mong ipaghigante ang mga kapatid mo?" tanong ko dito malungkot naman itong ngumiti kitang kita ko sa mga mata nito ang lungkot. Kahit sino naman ang mawalan ng mahal sa buhay ay ganyan din ang mararamdaman.

"Yeah..." sabi nito at tumingin sa mga bahay-bahay.

"Sorry tinanong ko pa." hinging paumanhin ko tumingin naman ito sa akin at umiling.

"Wag ka humingi ng tawad ako naman ang nagkwento sa karanasan ko." sabi nito nanahimik tuloy kaming lahat.

"Ano ba 'yan change topic na nga tayo para naman gumaan ang hangin." sabi ni Belle.

"Oo nga." pagsasangayon ni Khylie.

"Balita ko naghoneymoon raw kayo sa ibang bansa." sabi ni Yesha, buti naman ay nagiging comportable na siya.

"Yup, nandoon nga si Theya sa NYC." I said and rolled my eyes.

"Alam na namin yan... so anong nangyari?" sagot ni Belle.

"Saan mo nalaman?" tinaasan ko ito ng kilay.

"Kaleb" tipid na sabi nito.

"Aba ikaw ha! kung sagutin mo na kaya si kuya pakipot ka naman eh baliw na baliw ka nga noon sa kanya." sabi ko na dahilan ng pagirap nito.

"Bahala siya sa buhay niya." sabi nito at pinagkrus ang palad. "At ikaw sagutin mo naman ang tanong ko ang galing mo talagang lumiko."

"Ayun kakain na sana kani ng biglang sumulpot si Theya kaya nasampal ko."

"Buti nga sakanya." sabi nito at tumawa silang tatlo.

Madami pa kaming pinagusapan pero nagtapos lang naman ito ng biglang pumasok si Ivo at niyayang umuwi si Yesha kaya ayun tuloy pati silang Belle at Khylie ay umuwi na rin.

Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon