"Sino ba tinutukoy mo?" tanong ko kay Kent habang siya ay nagluluto. Swerte ng mapapangasawa nito masarap na ngang magluto tapos masarap pa ang nagluluto.
"I won't tell." sabi nito na hindi lumilingon.
"Okay, sabi mo eh." sabi ko habang kumakain ng mansanas. "Akyat muna ako." paalam ko dito at tumayo.
"Sure" tanging sabi nito, tinahak ko naman ang daan patungong elevator dahil pupunta ako sa kwarto ni Claire.
Nasa 3rd floor na ako at papalapit na sana ako sa kwarto ni Claire ng may nahagip akong kwarto, sinubukan kong buksan ito pero nakasarado kaya hindi ko nalang pinilit baka importante ang nasa loob. Kakatok sana ako sa pintuan ni Claire.
"Bukas nalang ako magtatanong sa schedule." sabi ko, tumalikod ako at pumasok sa kwarto namin ng anak ko.
Nanonood pa rin ito sa laptop na nakadapa, lumapit ako dito at umupo sa kama. Buong akala ng anak ko na si Cy ang ama niya pero hindi.."Baby, are you hungry?" malambing kong sabi sa anak ko habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang darili ko.
"Not yet, mommy." tumingin ito sandali sa akin at binalik naman nito kaagad ang tingin sa laptop, napanguso tuloy ako.
"Are you sure, baby?" paninigurado ko dito. Nagluluto pa naman si Kent sa baba.
"Yesh... mommy." sabi nito habang nakatutok pa rin sa laptop.
"Okay, baby, sabihin mo lang kay mommy pag gutom ka na ha?" tumango ito sa akin, hinalikan ko naman ang noo nito at kinuha ang isa pang laptop ko, sariling laptop kasi ang ginagamit ng anak ko. Binilhan ko siya para hindi niya magalaw ang laptop kong ito, dahil madaming importante dito na naka save. Binuksan ko ang laptop at nakipag skype ulit kay Belle. Bukas ko na sila pupuntahan at ipakilala ang anak ko... ang anak namin ni Zachary.
Sumagot naman ito at bumungad sa akin si kuya na walang pangitaas kaya napangiwi ako. "Ano ba yan? Magbihis ka nga kuya para kang tambay sa kanto." sabi ko dito habang ngumingiwi.
"Tss, my baby isn't here." patungkol niya kay Belle. Sana lahat baby. Ang sweet ni kuya ano.
"Nasaan ba siya? Wrong timing ba ako?" sabi ko nakita ko naman itong nagsuot ng damit.
"Savedra's house." sabi nito napalunok naman ako ng marinig ang sinabi niya. Siguro pinuntahan niya si Khylie. Matagal na din kaming hindi nakakapagusap ni Khylie.
"A-ah.. okay?" sabi ko.
"Umuwi ka na." utos nito. Ang bossy talaga ng kapatid ko siguro nagmana ako sa kanya.
"Oo na, uuwi naman talaga ako, baka ako pa sisihin ninyo 'pag hindi natuloy ang kasal niyo." sabi ko at umirap sa kanya. Nanatili naman itong seryoso.
"Make sure to go back here, Sav or I'll drag you here." nahihimigan ko ang pagbabanta sa boses nito, alam kong hindi siya nagbibiro. Hindi naman talaga mahilig magbiro si kuya.
"Promise, uuwi talaga ako." sabi ko habang nakataas ang kamay. Tumango naman ito sa akin.
"We miss you, baby." sabi ni kuya na seryoso pa rin ang mukha, ang sweet ng boses niya pero 'yung ekspresyon niya parang may kaaway.
"I miss you all, kaya nga uuwi ako. Paghandaan niyo na kasal niyo." sabi ko dito. Hindi ko sasabihin na nakauwi na pala ako para masurpresa silang lahat. Kinakabahan rin ako para sa reaksyon ng mga magulang ko, akala nila walang nabuo, pero meron naman pala.
BINABASA MO ANG
Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)
Romance[R-18] This is a story about breaking the billionaire's heart by hiding his daughter from him. What is the untold reason for their breakup? Will they work again on their arranged marriage? Date Written: October 23, 2020