Chapter 30

4K 70 5
                                    

Kakagising ko lang at nasa kusina na ako nagluluto ako at nagtitimpla ng gatas ni Jacky, may shoot din ako ngayon kaya napaaga ako ng gising. Hindi ko na ginising si Cy dahil alam kong naaabala ko na siya ng husto kahit may nanny pa kami dito. Masasabi ko na nga na mas malapit pa ang loob ni Jacky kay Cy kaysa sa akin. Pinagluto ko si Jacky ng paborito niyang hotdog at froot loops cereal.

May sekreto akong tinatago sa lahat.

Pagkatapos kong magluto ay kumuha ako ng kubyertos at inilagay sa lamesa ang aming agahan. Pumunta ako sa kwarto ni Cy. Yes, kwarto niya hindi kami natutulog sa iisang kwarto kahit pa man pinilit niya ako. Ang sweet ni Cy sa akin, at ang protective niya 'yung tipong nasasakal ka na. Hindi ko lang magawang mag reklamo dahil siya lang ang tumulong sa akin noon. Palagi niyang bilin sa akin na hindi ako tatanggap ng proyekto tungkol sa mga underwear at hindi dapat ako lumalapit sa ibang lalaki. Pero dahil ang laki ng offer tinanggap ko kaya nang nalaman ni Cy galit na galit siya. Trabaho lang naman 'yon.

"Cy.." sabi ko at tinapik siya sa balikat. Mahimbing itong natutulog dito.

"Mmm.." ungol nito at bahagyang iminulat ang mga mata.

"Kumain na tayo, may shoot pa ako." sabi ko habang niyugyog siya. Tumigil lamang ako ng humikab ito at nagbinat. Ngumiti ito sa akin at hinalikan ako ng mabilis sa labi.

Pumunta na kami sa kwarto ni Jacky at nakitang naglalaro na ito sa sahig kaya sumilay ang ngiti sa labi ko. Tumingin ito sa akin at ngumiti ng nakalabas ang ngipin. Tumakbo ito sa akin.

"Mommy I'm hungry." malambing na sabi ni Jacky hinalikan ko ito sa ulo at binuhat.

"I know, baby we're going go eat breakfast na." sabi ko tinaas pa nito ang dalawang kamay na para bang nanalo ng lotto. Lumapit naman si Cy at hinalikan ito sa noo.

"Dada.." sambit ni Jacky. Bumaba na kami para makakain na ng umagahan. Pinaupo ko si Jacky sa gilid ko at nilagyan ang plato nito. Ang proud ko kay Jacky dahil kahit ang bata niya pa ay natututo na siyang kumain magisa.

"Eat your food, baby." sabi ko at hinaplos ang buhok nito maligaya itong kumain. Nilagyan ko naman ang plato ni Cy.

"Our daughter's birthday is coming, babe what's your plan?" tanong nito sa kalagitnaan ng umagahan namin. Iniangat ko naman ang tingin dito.

"Lalabas na lang siguro tayo." sabi ko at ininom ang pineapple juice.

"I want to held a party, Sav." sabi nito sa seryosong tono.

"At sino naman ang pupunta, Cy? Baka nakalimutan mong nasa Paris tayo at wala tayo sa Pilipinas. Gusto ko ngang bigyan si Jacky ng magarbong birthday party pero sino naman ang pupunta dito? Wala tayong kamaganak dito, Cy." inis na sabi ko dito.

"Fine, kung 'yan ang gusto mo." pagsuko nito. Nagpaalam ako sa kanila na maliligo muna ako dahil papasok na ako sa trabaho.

Pumasok ako sa CR at naligo, madami akong nilagay sa katawan ko dahil kailangang maalaga ako sa katawan ko. Nagbihis ako ng floral dress na backless, hindi na din ako naglagay ng maraming make-up sa mukha ko dahil hindi pa rin ako sanay. Nilugay ko ang kulot kong buhok at inayos ito.

Bumaba na ako at hinanap si Cy at Jacky nakita ko silang dalawa na nanunuod ng TV, si Jacky ay nakaupo sa paanan nito, napangiti tuloy ako sa nasaksihan. Lumapit ako dito.

"Mommy is going to work na, stay here and behave, Jacky you're dada will be out later. Listen to your nanny, baby." tuloy tuloy kong sabi.

"Yeshh... mommy I promise." sabi nito napangiti ako dito at hinalikan siya sa noo. Humarap naman ako kay Cy para magpaalam.

"Babe, aalis na ako." sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Tandaan mo, Sav 'wag kang tatanggap ulit ng offer tungkol sa underwears, take care babe." nahihimigan ko ang pagbabanta sa boses nito kaya wala ako sa sariling napatango. Lumabas na ako ng bahay at pumasok sa kotse, habang papalabas ako sa subdivision ay may nakita akong iilang mga reporters kaya napailing ako.

Pagkaparada ko sa sa sasakyan ay may nakita na naman akong mga reporters. Wah!! At talagang nagaabang sila. Sinuot ko ang black shades ko, kinuha ang gucci bag at lumabas ng kotse nakita naman ako ng isang reporter at sumigaw ito para mapatingin ang lahat sa akin.

"Ms. Amescua is here!!!" sigaw nito at tumakbo papalapit sa akin. Jusko malayo-layo pa naman ang lalakarin ko. Dinumog ako ng tao at nagsabay sabay nagtanong. Hinubad ko ang shades ko at tumingin sa kanila. Ang iba naman ay busy sa pagkuha ng litrato sa akin.

"Please don't block the way." I gritted my teeth. Binigyan naman ako nito ng daan kaya nagsimula akong lumakad ng biglang may sumigaw.

"Ms. Amescua what can you say about the CEO of S Company?!" napahinto ako sa tanong nito. Nagbulong bulongan naman ang ibang reporters. Tumingin ako dito at sarkastikong ngumiti tinaas ko naman ang kamay ko simbolo na lumapit siya dito. Binigyan naman siya ng daan at tuloy na nakalapit sa aking harapan.

"Hmm.. should I answer your question?" tanong ko sa sarili ko habang hinahawakan ang baba ko. Nakita ko naman silang naghihintay sa sagot ko.

"Well... he's hot." tanging sabi ko at kinindatan ang reporter, tuloy-tuloy akong naglakad patungong entrance. Nakahinga ako ng maluwag dahil nakapasok na ako. Pumunta ako sa office ng manager ko at pumasok. Natigilan naman ito sa ginagawa niya at tumayo ng makita ako. Lumapit ako dito at nakipag beso-beso.

"Bonjour." Hello. Sabi nito nginitian ko lang ito at umupo sa upuan na nasa gilid ng lamesa niya.

"Nandito ako para sabihin na, pinagiisipan ko pa ang offer na sinabi mo kahapon." sabi ko at pinag krus ang paa. Nakita ko naman itong nagulat kaya napatawa ako.

"Are you sure? Paano kung makita mo naman siya?" nagaalanganing tanong nito, tipid akong ngumiti bago sinagot.

"Edi magkita kami." tanging sabi ko.

"Ipapakilala mo naba kay Jacky ang totoong ama niya?" curious na tanong nito. Natigilan naman ako. Handa naba akong ipakilala kay Jacky ang totoong ama niya? Paano kung hindi siya magustuhan ng ama niya? Paano kung kukunin nila si Jacky sa akin? Ang bata pa ni Jacky para maintindihan niya lahat.

"We'll see." tanging sabi ko habang nakatingin sa kawalan.

Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon