Chapter 34

3.8K 95 10
                                    

"Wife."

Nanlaki ang mga mata ko, isa lang naman ang tumatawag sa akin ng ganyan. Wah!! Sasagot ba ako? Papatayin ko ba? Magpapanggap na mahina yung signal?

"Po?! Wala po akong asawa, baka wrong number ka po." panindigan mo yan Sav! hindi pa ako handa ano ba naman 'to? Bakit tumawag siya? Anong kailangan niya? Bakit alam niya number ko? At bakit tinawag niya akong asawa niya?! Andami kong tanong!!

"I miss you so bad." his voice was husky yet sad, nakakapanindig balahibo. Anong gagawin ko?!! Baka mahimatay ako dito.

"Wrong number ka lang po." huling sabi ko at dali-daling binaba ang tawag.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil kumikirot naman ito. Bakit ngayon lang siya tumawag, anong ginawa niya sa loob ng 4 na taon? Mahirap ba akong hanapin?

Bumalik ako sa hapag at binaba ang cellphone sa lamesa, hinawakan ko ang dibdib ko dahil ang bilis ng tibok nito.

"Sino 'yun?" tanong sa akin ni Claire habang sumusubo, napalunok naman ako sa tanong nito.

"Wrong number lang." sabi ko at kinuha ang kutsara pero nahulog ito dahil sa panginginig ng kamay ko. Nakita ko naman si Kent na para bang binabasa ang mga galaw ko.

"Eh, bakit para kang nakakita ng multo?" tanong ni Claire sa akin habang nakamasid rin, hinawakan ko naman ang kamay kong nanginginig.

"Dahil may nagparamdam." sabi ni Kent na ikalingon naman ni Claire. Manghuhula ba 'to?

"Ano? Multo?" nakakunot na tanong ni Claire sa kanya, hindi naman makapaniwalang tumingin si Kent kay Claire.

"Slow." sabi nito at ibinalik ang tingin sa plato.

Ng gumaan na ang pakiramdam ko ay dinampot ko muli ang kutsara at nagpatuloy kumain.

Pagkatapos naming kumain ay umuwi na si Kent, si Claire naman ay pumunta na sa kanyang sariling kwarto. Nasa loob na kami ng anak ko sa kwarto at nakahiga na kami, pinapatulog ko na siya dahil gabing gabi na. Kinantahan ko pa ito at sinusuklay ang buhok, kaya nakatulog din ito. Tinignan ko naman ang mala anghel na mukha nito. Malungkot akong ngumiti dahil hindi niya man lang nakasama ang ama niya, kung nagpaliwanag si Zachary noon ay baka napatawad ko pa siya, pero lumipas ang ilang taon... hindi siya nagpakita.

Maaga akong nagising dahil magluluto na ako, natutulog pa naman si Jacky kaya napagisipan kong magluto. Bumaba na ako at pumunta sa kusina. Napasimangot naman ako ng makita muli si Kent na nagluluto.

"Morning." matamlay na sabi nito na hindi humaharap. Anong problema ng isang 'to?

"Good morning." sabi ko dito lumapit naman ako sa tabi niya at tinignan ang niluluto niya. What?! Adobong pusit?! Paborito ko 'yan ah!

"Ansarap naman niyan." sabi ko habang tinitignan ang niluluto niya.

"Hell yeah, it's your favourite." sabi nito. Stalker ko ba 'to? Tapos nagpapanggap lang na personal chef namin?

"H-huh? Bakit alam mo?" tanong ko dito at at tumingin sa kanya. Nakita ko naman itong ngumisi.

"Because I have to know." sabi nito at pinatay. Tinulungan ko naman siyang maglagay ng plato sa lamesa, napatingin naman ako dito at nakitang may pasa siya sa kabilang pisngi. Lumapit ako sa harapan niya at hahawakan sana pero pinigilan niya ako.

"Don't. Baka wala na akong mukha bukas." seryosong sabi nito at binitawan ang kamay ko sa ere.

"Nakipag bugbugan ka ba? Teka lagyan natin ng ice." tumalikod ako sa kanya at hinanap ang ice bag.

"No need." sabi nito at iniwan ako sa kusina.

"Sungit, siya na nga tutulungan." bulong kong sabi at pumunta sa kwarto namin, baka gising na ang anak ko. Mamasyal siguro kami mamaya at pupunta sa bahay nila ni kuya at Belle.

"Baby?" sabi ko at hinaplos ang buhok niya, natutulog pa kasi ito. Nagmulat naman ito ng mata at tumingin sa akin.

"Good mowning.. mommy.." sabi nito napangiti naman ako dahil hindi niya mabigkas ang R. Binuhat ko siya at hinalikan sa noo.

"Good morning, baby, let's eat na." sabi ko kay Jacky habang malapad na nakangiti. Ngumiti naman ito ng matamis at hinalikan ako sa pisngi. Ansarap 'pag may anak ka pero mas masarap siguro kapag kompleto ang pamilya.

"Gusto mo bang pumunta tayo ng mall, baby? I can buy you a new toys." sabi ko dito habang nakasakay kami sa elevator. Yumakap ito sa leeg ko.

"Can we?" sabi ni Jacky, ngumiti naman ako dito at tumango.

"Yess!! Tapos can we visit lolo and lola?"

"Yes, baby pupunta tayo." pagkasabi ko ay ngumiti ito ng malapad sa akin. Ganito talaga ang mga magulang ibibigay nila ang lahat para sa ikasasaya ng anak nila.

Pinaupo ko si Jacky sa tabi ko at kinuha ang hotdog at bacon na niluto ni Kent kanina. Nasa harapan ko pa rin silang dalawa ni Claire na nakaupo.

"Aalis kami mamaya, Claire." sabi ko dito tumingin naman ito sa akin at tumango.

"Sige para naman mapasyal mo si Jacky." aniya habang nakangiti kay Jacky.

"Saan kayo pupunta?" sabat na naman ni Kent. Daming tanong nito, iisipin ko na talaga na stalker to.

"Mall lang." sabi ko at kumuha ng adobong pusit at kanin. Shet! Gusto kong kumain ng marami pero nag didiet ako!! Nandito pa naman si Claire.

"Okay." tipid na ganti ni Kent at nagsimula na itong kumain.

Pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami ng anak ko para makapag bihis, nagsuot ako ng sleeveless crop top at pinarisan ko ito ng denim jeans. Binihisan ko naman si Jacky ng floral white dress.

Pumasok muna ako sa banyo at nag make-up ng kaunti, at ginawa ko namang messy bun ang buhok ko. Kinuha ko ang bag ko at shades. Lumapit ako kay Jacky at hinawakan ang kanyang kamay para makababa na kami.

Pinagbuksan ko ng pinto si Jacky sa backseat ako naman ay magddrive. Hanggang sa makaabot kami.

Madami akong pinamili, damit ni Jacky, damit ko, laruan niya, mga pangpaganda. Tinulungan pa ako ng anak ko na hawakan ang pinamili namin, binigyan ko naman ito ng maliit na bag para hindi siya mabigatan. Ang sweet ni Jacky mana sa ama.... Wait lang ha? Bakit parang palagi ko ng sinasali si Zachary dito?

"Baby? Do you want to eat?" tanong ko dito, Tumingin naman ito sa akin at tumango.

"Okay, let's eat my baby is hungry." sabi ko at ngumiti. Pumasok kami sa isang restaurant at nag order, 15 mins pa naman bago dumating ang inorder namin.

"Mommy, I want to pee.." sabi nito at tumayo sa kinaaupuan dali dali naman akong tumayo at hinawakan kamay niya at naglakad papuntang restroom. Paglabas namin ng restroom ay biglang nag ring ang cellphone ko kaya nabitawan ko ang kamay ni Jacky.

"Hello? Sino na naman 'to?" sagot ko sa kabilang linya na hindi tinitignan ang tumawag.

"Si Belle 'to gaga!" sabi nito.

Hindi ko nagawang sumagot kay Belle ng biglang tumakbo si Jacky.

"Jackyy!!!" tawag ko dito pero tumakbo lang ito, hinabol ko ito, nakita ko pang natumba siya dahil may nakabangga sa kanya.

"Jackyy!!" dali dali akog tumakbo sa kanya at binuhat.

"Jacky.. bakit ka tumakbo?! Ayan tuloy natumba ka!" napasigaw tuloy ako, salamat naman sa Panginoon dahil hindi siya nasugatan.

"I-I'm shorry, mommy.. I just want to eat that cotton candy.." iyak nitong sabi at tinuro.

Tumingin naman ako sa may ari ng cotton candy.

"Sav?" gulat na sambit ni Zachary habang nakatingin kay Jacky.

Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon