Chapter 24

3.5K 79 8
                                    

"H-huh?" alam ko naman na gusto ako ni Cy noon pero hindi ko naman akalain na hanggang ngayon ay may gusto pa din siya sa akin.

"Nevermind, so bukas ka na babalik?" pagiiba ng usapan nito.

"Ah.. Oo kung papayagan ako ulit ng agency makapasok." sagot ko at kumuha pa ng donut.

"Magaling ka, Sav alam kong kukunin ka nila agad." siguradong sabi nito.

"Baka lang naman." sabi ko.

Nakuha naman ang atensyon ko sa dalawang tao na pumasok sa pintuan nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Sav? Okay ka lang ba?" nagaalalang tanong nito sa akin napansin naman niya na may tinitignan ako at nilingon niya naman ito. Si Theya ay nakakapit sa braso ni Zachary na parang tarsier.

"Gusto mo bang umalis?" tanong ulit ni Cy sa akin.

"Huwag na nakakahiya naman sa kanila kung tayo pa ang aalis." sabi ko habang nakatutok ang mga mata sa kanila buti malayo ang lamesa namin sakanila. Nakita kong tumayo si Zachary at dumiretso sa Counter para makapagorder, tinignan ko namang muli si Theya naka sleeveless top ito at naka high waisted jeans makikita mo talaga ang dibdib nito kahit nasa malayo. Malaki naman 'yung akin pero mas malaki ang sa kanya.

"You're staring too much, Sav." bumalik naman ako sa katinuan ng magsalita si Cy.

"Bakit kaya sila magkasama?" tanong ko sa sarili ko.

"Hindi mo ba lalapitan?" tanong nito tumingin naman ako dito at umiling.

"No, wala naman silang ginagawang masama." sabi ko at ngumiti sa kanya.

"That's why I like you, Sav. Ang swerte ni Zach sa'yo." ngumiti muli ako sa kanya ng matamis.

"We're lucky to have each other, Cy." untag ko at tumingin uli sa kinaroroonan ng asawa ko.
Nakaupo na ito sa harapan ni Theya.

"Hindi ka pumunta sa bahay namin kanina hindi mo ba alam? Nandoon pa naman sila lahat." sabi ko at kinuha ang brownies at kinagat.

"May photoshoot ako kanina kaya 'di ako nakapunta bawal kasing ipa cancel." sabi nito tumango naman ako ng mabagal.

"Ah ganoon ba.. buti naman nakita mo ako kanina." sabi ko.

"Noong una akala ko hindi ikaw baka namamalikmata lang ako kaya nilapitan kita." pagpapaliwanag nito tumatango-tangon naman ito. Tumingin ako ulit sa direksyon ng asawa ko at nakita kong parang pinipiit ni Theya ang dibdib niya. Gagang 'to pasalamat siya hindi ako basta-bastang pumapatol sa mga makakati.

Alam ko namang masarap si Zachary pero hindi niya ba talaga kayang kalimutan ang isang gabing kasiyahan nila, haliparot na 'to madami namang lalaki sa mundo dito pa talaga siya nababaliw sa nakatali na.

"She's my ex." gulat akong tumingin kay Cy.

"Ano? Ex girlfriend mo ang haliparot na 'yan?" sabi ko tumawa naman ito sa sinabi ko.

"Yes... but I never regret loving her... She used to be lovely, warm and kind. I don't know what happened to her now." may lungkot na dumaan sa mga mata nito.

"Kailan naging kayo?" tanong ko rito.

"College, we planned everything.. our future, how many babies should we have, may bahay na nga kaming pinatayo... I really thought she's the one but she's not."

"Sorry, ansakit naman ng pinag daan niyo pero ba't ba kayo nagkahiwalay?" nacucurious na tuloy ako naka plano na kasi sila para sa bubuohin nilang pamilya pero hindi naman sila nauwi sa kasalan.

"She fell out of love." he said, I can feel his pain she really loves Theya.

"Ano ba yan... Ako yung nasasaktan." pinahid ko ang kaunting luha sa mata ko. Tumawa naman ito at tumayo.

"Ihahatid na kita sainyo o sasabay ka na kay Zachary?" tanong nito.

"Ihatid mo nalang ako, nakakasuka kaya pagsumama pa ako sa kanila." sabi ko at tumawa ng mahina.

"Alright." tanging sabi nito.

Pumunta naman kami sa parking lot at hinanap ang sasakyan nito, pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok naman ako.

"Malapit na pala birthday ni mom baka hindi ka busy pumunta ka naman." pagbabasag ko ng katahimikan nagmamaneho na kasi ito.

"Kailan ba para makapag handa ako?" tanong nito habang ang mga mata ay nasa daan.

"Sa Friday, Tuesday pa naman ngayon." sabi ko at sumandal sa upuan.

"Formal lang ba?"

"Masquerade." sabi ko.

"Pupunta ako." sabi nito at nagpatuloy sa pagmamaneho. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay pinagbuksan niya naman ako ng pinto at lumabas ako.

"Salamat pala sa paghatid, Cy." seryoso kong sabi ngumiti naman ito at hinaplos ang buhok ko.

"Wala 'yun... Pumasok ka na aalis lang ako 'pag nakapasok ka na." sabi nito.

"A-ahh.. sige mag ingat ka." Tatalikod na sana ako ng bigla niya ako hinila dahilan para masandal ako sadibdib niya, nadidinig ko tuloy ang tibok ng puso nito.

"U-uhmm.. Cy?" sabi ko habang mahigpit itong nakayakap sa akin.

"Sorry nadala lang ako." aniya at binitawan ako tumango lang ako at pumasok na ng bahay.

Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon