Chapter 26

3.7K 79 6
                                    

Friday

"Hello?" Sagot ko sa tawag unknown caller kasi. Nasa bahay ako ng magulang ko dahil kaarawan na ngayon ng ina ko. Nagkaintindihan na din kami ni Zachary tungkol kay Theya. Hindi sila nagtalik baka prank lang daw 'yon pinaniwalaan ko naman siya kaagad dahil mahal ko, 'pag mahal mo patawarin mo ika nga nila. Hindi ko alam kung anong nakain ni Theya nagmumukha na tuloy siya baliw na baliw kay Zachary. Ang sa akin lang naman sa dinamidami ng lalaki sa mundo ba't kay Zachary pa?

"Hoy buang!" Hoy baliw. Kumunot naman ang noo ko dahil nagsasalita ito ng bisaya, sino naman kaya ito?

"Hello sino to?" sabi ko habang tinitignan ang mga pagkain sa lamesa tapos na rin magdecorate lahat. Malaki kasi bahay namin kaya dito napili ng ama ko iheld.

"Halerrr... si Faye ni imong gwapa na igagaw." Halerrr.. si Faye to ang maganda mong pinsan.

"Hala! Sis napatawag ka?!" excited kong sabi. Nagbago kasi phone number niya kaya hindi ko nalaman na siya ang tumawag.

"Pag bisaya daw bi maglabad man akong ulo saimo." Magbisaya ka naman sumasakit ulo ko sayo. Tumawa naman ako sa sinabi nito. Si Faye kasi ang isa sa mga matatalik kong pinsan. Matagal na din kaming hindi nagkikita dahil nasa Iligan siya. Sa pagkakatanda ang mga magulang nito ay nakatira sa Cebu pero si Faye ay umalis sa puder nila. Gusto niyang mabuhay ng normal palagi kasi siyang pinipilit ng mga magulang niya na magtrabaho sa kompanya nito. Kaya napilitan siyang magpaka layolayo.

"Hindi na ako kabalo mo bisaya." Hindi na kasi ako marunong mag bisaya. Para akong tangang nagsalita ng bisaya tsaka tagalog.

"Feeler pud kaayo ka!!" Ang feeler mo naman! ! sabi nito sa kabilang linya humalagpak naman ako ng tawa.

"Joke ra oy.. nitawag lagi ka?" Biro lang... napatawag ka?. Pumunta ako sa sofa at umupo ng matiwasay.

"Laaga pud ko diari." Dalawin mo naman ako dito. May bahid na lungkot ang boses nito kaya napasimangot ako. Hindi kasi ito makakapunta dito dahil pupunta mga magulang niya hindi niya kasi gusto makita pang muli ang mga magulang niya dahil simula daw noong lumayas siya ay sinabihan siya ni tita na 'Subukan mong lumabas sa pintuan sisiguraduhin kong wala ka ng babalikan.' oh diba ang harsh talaga ni tita. Pumunta nga ako ng Iligan noon dahil iyak ng iyak si Faye.

"Moadto diay ka diri bahalag isa ra ka oras." Pumunta ka nalang kaya dito kahit isang oras lang. Pagkukumbinsi ko sa kanya. Ilang taon na ang nakalipas mula noong umalis siya.

"Di pako ready makita sila." Naawa tuloy ako sa kanya alam ko kasing mahal niya ang mga magulang niya pero may bagay naman na hindi dapat ipilit.

"Ah ikaw bahala.. Bibisita na lang siguro ako jan kapag may free time ako." sabi ko, medjo busy kasi ako ngayon dahil bumalik ako sa pagmomodelo.

"Lahi ra jud basta model." Iba talaga kapag model. Narinig ko pa itong tumawa sa kabilang linya kaya tumawa naman ako. "Ayaw jud ko kalimti dzai kay madukol jud tika." Huwag mo talaga akong kalimutan dzai baka mabatukan kita. pagbabanta nito sa akin kaya mas lalo ako tumawa.

"Manahimik ka nga jan... O siya sige na pupuntahan ko pa asawa ko." pagtatapos ko sa usapan.

"Sanall may asawa." sabi nito kaya napailing iling ako. Magkaedad naman kami pero mas nauna akong nakapagasawa.

"Edi humanap ka na." sabi ko. Baka lang naman, gusto ko na kaya siya magpakasal para naman may kasama siya sa Iligan at mamahalin siya ng buo.

"Tse... dapat sila ang humanap sa akin tinatamad ako.... ireto mo nga ako sabihin mo napakaganda ko tapos ansarap ko pa kaya ko naman painitin ang malamig na gabi nila kaya huwag silang mahiyang kumatok sa pinto ng bahay ko." biro nito kaya napatawa ako ng malakas nagmumukha na tuloy akong nasapian dito.

"Irereto kita sa kaibigan kong model." pagtutukoy ko kay Cy.

"Yummy ba?" lokalokang sabi nito habang tumatawa.

"Oo yummy siya kaya tumahimik ka na jan." sabi ko.

"Oo na... basta huwag mong kalimutan na bisitahin ako dito ha... aasahan ko iyan." paniniguradong anya nito.

"Promise kapag may free time ako."

"Sabi mo yan ah... papatayin ko na 'to may gagawin pa ako.. bye!" sabi nito st pinatayan ako ng tawag umiling nalang ako dito.

Lumabas ako ng bahay at pumasok sa kotse para puntahan si Zachary sa bahay namin. Umuwi kasi ito dahil may kukunin daw siya.

Pagkapasok ko naman sa bahay ay wala akong nakitang Zachary. Sabi niya pupunta siya dito pero wala naman akong nakitang bakas niya. Pumunta ako ng kwarto para tignan kung nandoon ba siya. Pero wala naman, walang ibang tao sa bahay.

"Nasaan na naman yun napadpad?" tanong ko sa sarili ko at bumalik muli sa bahay ng mga magulang ko. Pumunta ako sa kwarto nila at kumatok, binuksan naman ito ni papa at pinapasok ako.

"Dumating ba si Zachary dito kanina nang makaalis ako?" tanong ko sa kanilang dalawa nagtinginan naman ito at umiling.

"Hindi namin siya nakita, anak." sabi ni dad. Tumango ako dito at nagpaalam na lumabas.

Dinial ko ang cellphone nito pero hindi naman sumasagot. Patuloy ko pa rin itong tinatawagan at sa wakas sinagot na niya.

"Baby." sambit nito.

"Nasaan ka? Diba ang sabi mo pupunta ka lang sa bahay?" tanong ko dito pumunta naman ako sa kusina at nagsalin ng tubig na maiinom.

"Nasa condo ni Theya.. Binantaan na naman daw ang buhay niya kapag hindi ako pupunta." sabi nito na dahilan ng ikinatirik ng mata ko. Theya na naman. Pasalamat siya ayaw kong mamatay siya hindi naman ako masahol. Palaging ganito ang ganap namin noong nakaraang araw.

"Theya na naman... napapagod na talaga ako kakaintindi sa bruha na 'yan." reklamo ko dito.

"I'm sorry, wife. Hindi ko lang gusto na may mamamatay dahil sa akin sinabihan din naman ako ng mga magulang ni Theya na puntahan paminsan-minsan si Theya dahil palagi raw nitong pinagbabantaan ang buhay niya." paliwanag nito bumuntong hininga nalang ako sa sinabi nito. Eh ano pa ba ang magagawa ko? Edi intindihin na naman.

"Oo na, basta huwag mong kalimutan pumunta dito at huwag mong tangkaing lokohin ako Zach baka mapatay pa kita." sabi ko.

"I'll remember that, wife don't worry I won't cheat." siguradong sabi nito.

"Siguraduhin mo talaga, Zach." sabi ko at ininom na ang tubig na kanina ko pa hinahawakan.

"Yes, wife I love you." malambing na sabi nito.

"I love you too, Zach. Ibababa ko na baka magwala pa 'yang alaga mong haliparot." sabi ko tumawa naman si Zachary sa kabilang linya.

"Okay, baby. Take care." huling sabi nito at pinatay ko ang tawag.

I really thought our marriage life was almost perfect.. until something happened.

You're my biggest downfall, Zachary Savedra.

Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon