Chapter 23

3.4K 77 3
                                    

"Hon, pwede ba akong mag modelo ulit?" pagbabasag ko sa katahimikan.

"It's your passion, wife I'll support you always." sabi nito napangiti naman ako ng husto at niyakap siya ng mahigpit.

"Sabi mo yan ah." sabi ko dali-dali ko namang kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Khylie. Sinagot naman nito kaagad.

"Hoy! Anong ginagawa mo ba't hingal na hingal ka?" tanong ko.

"Duh.. nagwowork out ako no!"sabi nito.

"1PM na Khy tapos nagwowork out ka?"

"Oras lang naman 'yan lumalaki na kaya tiyan ko."

"Baka buntis ka." nakita ko namang si Zachary na may sinabing 'anong buntis?'

"Hoy! sabi ngang wala akong boyfriend!" inis na sabi nito kaya natawa ako.

"Magmomodelo na ako ulit."

"ANO?!!! as-in?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Oo kaya tulungan mo naman akong makabalik sa agency ikaw kaya manager ko." sabi ko.

"Oo na mamaya na ako pupunta doon maliligo muna ako." sabi nito sa kabilang linya.

"Thankyou Khy ingat!" maligaya kong sabi.

"Ikaw pa ba! O siya sige na gumawa muna kayo ng anak. Bye!" sabi nito at pinatayan ako ng tawag napa ilingiljng tuloy ako.

"Anong buntis?" sagot naman ni Zachary kaya napalingon ako sa kanya.

"Wala, joke lang 'yun binibiro ko lang ang kapatid mo." sabi ko.

Humiga ako sa kama at tumingin sa kissame. Gusto ko ng magkaanak.

"Hon, gusto ko na ng anak pero bumalik naman ako sa trabaho paano na 'yan?" sabi ko at tumingin sa asawa ko naka upo ito sa kama at nakatingin sa akin.

"You'll quit if you get pregnant." ang hirap naman niyan pero kung buhay ng anak ko naman ang nakasalalay bibitawan ko talaga ang career ko.

"Hmm.." sabi ko, humiga naman sa tabi ko si Zachary at yumakap.

"Let's make love." he commanded.

"Ano ba 'yan.." reklamo ko dito.

"What? May regla ka pa din?" inis na sabi nito.

"HAHAHAHAOO.." tawang tawa kong sabi.

"Kailan ba 'yan mawawala?"

"Sa makalawa siguro." walang kasiguraduhan kong sabi. Bigla namang tumunog ang cellphone ni Zachary kaya tumayo ito at kinuha.

"Mom?... Anong kalokohan namang ang ginawa niya?... TF is wrong with her?!... Fuck! My wife is here.... Fine I'll be there." sabi nito at binaba ang tawag dalidali naman itong sinuot ang damit at hinalikan ako sa noo.

"I'll be back there's an emergency." sabi nito at tumango ako, lumabas naman ito ng kwarto kaya naiwan akong magisa dito.

Nagbihis naman ako para makapasyal ako tinext ko naman si Zachary na mamamasyal muna ako. Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at pumunta sa labas ng bahay kung saan nakaparada ang sasakyan. Binuksan ko naman ang pintuan at pumasok para makapag maneho.

Dala-dala ko ang mga pinamili ko dito sa mall ng biglang may umakbay sa akin tinignan ko naman ito at nagulat ng makita si Cy.

"Hi, Sav!" sabi nito niyakap niya naman ako at tinugon ko ito.

"Namiss kita Cy!" maligaya kong wika at kumalas sa pagkakayakap.

"Ako rin naman, so how's the honeymoon?" tanong nito.

"Okay lang naman, babalik na din ako sa pag momodelo." tumaas naman ang dalawang kilay nito.

"Good, baka may projects na naman tayo." sabi nito. "By the way gusto mong kumain?" aya nito sa akin.

"Tapos na akong kumain sa bahay."

"Ah ganoon ba kahit snacks na lang o kape." pagpupumilit nito.

"Sige basta libre mo ah." biro kong sabi na ikinatawa namin.

"Ikaw pa malakas ka kaya sa'kin." sabi nito at kumindat pa tumawa lang ako dito.

Dinala ako ni Cy sa Popsnack, nagoorder ito at ako naman ay nakaupo lang.

"Here's your oder ma'am." biglaang sani nito napatingin naman ako dito at tumawa ng bahagya.

"Loko."

"Nasaan nga pala ang asawa mo? Bakit nagiisa ka lang?" tanong nito at sumipsip sa kape.

"May pinuntahan lang." sabi ko at kinagat ang donut. "Ikaw wala ka bang balak na magka girlfriend? magkasing edad naman kayo ni Zachary ah." sabi ko habang nginunguya ang kinain ko.

"Hindi pa ako naka move-on." sabi nito kinabahan tuloy ako.

"A-ahh sino ba yan? ang gwapo mo kaya tiyak na maraming nahuhumaling sa'yo."

"Marami nga... hindi naman sila ikaw." nabilaukan tuloy ako.

Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon