Umuwi na kami sa bahay dahil baka masabugan pa kami sa galit ni kuya at hindi matiis na mapatay si Zachary. Si Claire ay wala dito dahil nasa bahay siya ni Kent. Ang bilis, naiuwi na ni Kent si Claire.
"Wife, tabi tayo matulog." pagpupumilit nito.
"Letsugas! Sa kabilang kwarto ka matulog! Tabi mo mukha mo." sabi ko dito at umirap, bumagsak naman ang balikat nito sa sinabi ko.
"Tabi na nga tayo, gusto ko katabi kita." sabi nito habang nakanguso, bwesit pinipigilan kong mapangiti. Bakit ba ang rupok ko pagdating sa kanya?
"Ayaw ko nga, doon ka sa kabila, wala naman nagsabi sayong dito ka matulog no! May bahay ka kaya." sabi ko na nakataas ang kilay. Palagi kasi siyang katok ng katok sa kwarto namin. Dito daw siya matutulog eh andaming kwarto dito.
"Wala ka naman doon, sino namang tatabi sa akin yung aso mo? tss." napaka OA talaga nitong lalaking 'to.
"Buti 'di mo sinalvage aso ko." sabi ko.
"Paano ko isasalvage, baka mapatay mo pa ako." sabi nito. Habang nakaupo sa gilid ng kama ang kamay niya ay nakahawak sa kamay ng anak namin na mahimbing na natutulog.
"Buti alam mo."
"Wife, dito nalang kasi ako matulog." litseng lalaking 'to tigas ng ano niya.. yung ulo niya.
"Ang ingay mo talaga, sarap takpan ng bibig mo." napakamot naman ito sa batok at biglang napangisi, may kalokohan na naman to.
"Pwede din naman, basta yung bibig mo ang gamit." sabi nito sabay kindat sa akin, kinuha ko ang unan at inihampas sa kanya, si Zachary naman ay tawa ng tawa. Kainis!
"SORRY NAHAHAHAH BIRO LANGHAHAHAHAH.." sabi nito kaya mas hinampas ko pa siya. Nagkaroon naman siya ng pagkakataon na mahawakan ang kamay ko para matigil ang paghahampas ko. Nakatingin ito ng diretso sa mga mata ko, napalunok tuloy ako.
"Bakit nanginginig ka?" humalakhak ito.
"W-wala no! Asa ka naman!" gumalaw naman ang anak namin sa higaan kaya napatakip ako ng bibig, ang ingay ko pala. Tumayo si Zachary at umupo sa sofa
"Lumapit ka nga dito." utos nito habang tinatapik ang sofa sa tabi niya. Umismid ako sa kanya.
"Sige ka, bubuhatin kita." pagbabanta nito, dalidali naman akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi. Anong trip nito?
"Ano na ngayon?" pagbabasag ko sa katahimikan, nakaupo lang kasi kami tapos ang isang kamay niya ay nasa likuran ko.
"Thank you." sabi nito.
"For?"
"For loving me, giving me a child, for being my light in the darkness." sabi nito habang nakatingin sa akin. Para talaga akong mababaliw kapag naggaganito si Zachary. "I love you so damn much, Sav." sabi nito at hinalikan ang noo ko, napangiti naman ako.
"I love you too, Hon." sabi ko na ikinatigil niya ngumiti naman ako sa kanya.
Pinayagan ko ng matulog si Zachary dito sa kwarto para naman maranasan niyang makatabing matulog ang anak namin.
"Mommy! Mommy!"
"Wife.."
Napadaing ako ng makita silang dalawa sa harapan ko kung ganito ba naman ang bungad sa akin, ay parang gusto ko nalang manatili ng ganito habang buhay.
BINABASA MO ANG
Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)
Romance[R-18] This is a story about breaking the billionaire's heart by hiding his daughter from him. What is the untold reason for their breakup? Will they work again on their arranged marriage? Date Written: October 23, 2020