"Sav?" gulat na sambit ni Zachary habang nakatingin kay Jacky. Mas lalo siyang gumwapo.
"Z-Zach?" hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para masambit ang pangalan niya, tumingin ito sandali sa akin, ibinalik niya naman kaagad ang tingin niya kay Jacky.
"Mommy, sino po siya?" naiiyak na sabi ni Jacky pinatahan ko naman ito at pinunasan ang mga luha niya.
"H-huh? uhmm.. a f-friend." nauutal kong sabi. Wahh lamunin sana ako ng lupa. Ito na ba? Sasabihin ko na ba ang totoo? Pero nasa publikong lugar kami, ayaw ko namang magskandalo dito.
"Really? a friend? hmm?" sarkastikong sabi ni Zachary tumingin naman ako dito, nawala na ang pagkagulat nito. Eh ano ba ang sasabihin ko? na asawa ko siya noon? asa naman siyang gagawin ko 'yun.
"Huwag ka ngang magskandalo dito." umirap ako sa kanya at tumingin sa ibang tao na nakatingin din sa gawi namin. Tumalikod na kami sa kanya at bumalik sa lamesa namin. Nagulat pa ako ng umupo si Zachary sa harap namin. Teka nga, baka may kasama siya? at teka nga naman ano bang pakialam ko kung meron?
Nakatingin pa rin si Zachary kay Jack na para bang inaalala niya ang mukha nito, at ngumiti ito kay Jacky. Lumapit naman ang waiter sa amin dala-dala ang mga pagkain namin, ngumiti ako dito dahilan para mamula ito, napaubo naman si Zachary kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Hi baby, do you want to eat this?" tanong ni Zachary kay Jacky, umaliwalas naman ang mukha ng anak ko at tumango ng mabilis. Binigay naman ito ni Zachary.
"Thankyou po." magalang nitong sabi at kinain ang cotton candy, hinaplos naman ni Zachary ang buhok ni Jacky kaya napaiwas ako ng tingin sa kanila. Nasasaktan ako para sa anak ko.
"Marami tayong paguusapan, Sav." seryoso nitong sabi habang nakatingin sa akin, hindi ko maiwasang mailang sa tingin niya. Kinakabahan ako.
"Wala tayong dapat pagusapan, Zach." sabi ko at kinuha ang fries at ibinigay kay Jacky kinuha naman ng anak ko ang fries at kinain, tumingin namang muli si Zachary kay Jacky na puno ng admirasyon sa mga mata niya. Mabuti namang good mood si Zachary ngayon at hindi kami nagsisigawan.
"No, let's talk, Sav." pagpupumilit nito kaya napaikot naman ang mata ko. Wala na akong dapat itago dahil nangyari na nagkita na kami... hindi na ako makakatakas.
"Urghh.. fine.. pero 'wag naman dito oh ayaw kong magskandalo." kalma kong sabi sa kanya na ikinangisi niya. Ano na namang iniisip nitong gago na 'to?
"Good, let's go to our house." sabi nito habang hindi nawawala ang ngisi. Diyos ko po 'wag niyo po akong pabayaan, parang alam ko na ang takbo ng isipan niya.
"A-anong house?" sabi ko at pinalakihan siya ng mata.
"Our house." ulit nito sa sinabi.
"Bakit sa bahay? at hindi natin 'yun bahay no! sayo lang yun." sabi ko at ngumiwi sa kanya.
"You're still my wife, Sav so it's your house too." ano daw? still my wife?! matagal ko ng ibinigay sa kanya ang annulment paper ha?! pinaghirapan ko 'yun nagbayad pa ako ng ilang libo para makuha 'yun sa korte!
"Anong wife?! ibinigay ko na sayo ang annulment, Zach?!" sigaw ko dito, ngumisi naman ito ng nakakaloko, para akong mababaliw kapag ngumingisi siya.
"Tinapon ko." he calmly said and smirked at me. Wah!! ang hirap iwasan ng kamandag niya!! mahuhulog na siguro yung panty ko.
"Pinaghirapan ko 'yun, Zach ba't mo tinapon?!" sigaw ko naman habang masamang nakatingin sa kanya.
"I don't want to be annuled, Sav." sagot nito sa tanong ko. Pinakalma ko muna ang sarili ko baka hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko. Tumingin naman ako kay Jacky nakamasid lang ito sa amin.
"Let's go baby..." sabi ko kay Jacky tumango naman ito sa akin, dali-dali kong dinampot ang mga pinamili namin at iniwan si Zachary doon.
Pinasok ko si Jacky sa backseat, pagkatalikod ko sa pinto ay nakita ko naman si Zachary na galit na nakatingin sa akin, lumapit naman ito sa akin at inagaw ang susi na nasa kamay ko.
"Ano ba?! akin na nga 'yan!" sabi ko pero tinalikuran ako nito at dire-diretsong pumasok sa driver seat. Aba't ang kapal naman ng mukha niya pumasok sa kotse ko!
"Ano pang hinihintay mo jan? pasok, baka mapilitan pa akong buhatin ka." loko-loko nitong sabi. Bwesit na lalaking 'to oh, ba't ko ba pinakasalan tong mokong na ito? eh bakit ko ba tinatanong sarili ko, mahal ko siya kaya nga pinakasalan diba.
"May pupuntahan pa kami, Zach!" sigaw ko naman, wala eh naiinis ako. Nagsimula naman itong magmaneho.
"Mamaya na, magusap tayo, Sav." sabi nito habang nakatingin sa daan.
"Naguusap na tayo, Zach pwede namang dito nalang." sabi ko pero nanahimik lamang ito. Nabwebwesit talaga ako dito, bakit pa kasi siya nandoon sa restaurant?!
Huminto ang sasakyan namin sa pamilyar na bahay. Putcha! bahay namin 'to noon! Dito pa rin ba siya nakatira? Pinagbuksan niya ako ng pinto at kay Jacky. Lumapit ako kay Jacky at hinawakan ang kamay. Nagprisinta naman si Zachary na bitbitin ang pinamili namin. Pagkapasok namin sa bahay ay wala pa rin itong pinagbago, nakita ko pa nga ang malaking wedding picture namin sa sala. Pinaupo ko si Jacky sa sofa at umupo naman si Zachary sa harapan namin.
"Baby? gusto mo bang maglaro muna sa playroom?" nakangiting tanong ni Zachary sa anak niya. Oo, anak niya. Sasabihin ko na talaga wala nang atrasan 'to.
"YESSS!!" maligayang sabi ni Jacky, sumangayon na lamang ako dahil hindi ko gusto makita ni Jacky na nagsisigawan kami, lumapit naman ang isang katulong sa amin at kinuha si Jacky papunta sa taas.
"Ako ba ang ama?" diretsong tanong nito habang nakatitig sa mga mata ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Oo." tangi kong sabi, narinig ko naman itong nagmura kaya napapikit ako.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" nahihimigan ko ang galit sa boses niya.
"At bakit ko naman sasabihin sayo? Oo nga, ama ka niya, pero nagampanan mo ba ng mabuti ang pagiging asawa?! Hindi!" nakita ko naman itong nagulat sa sinabi ko.
"Alam mo, araw-araw, Zach nasasaktan ako... nasasaktan ako para sa anak natin... dahil hindi man lang niya nakasama ang totoong ama niya.. nanalangin ako sa Panginoon na magpakita ka o magparamdam man lang pero WALA!!! wala kang ginawa, Zach!!! sa tingin mo kaya kong manatili dito pagkatapos ng nakita ko?!! baliw ka ba?! tapos susumbatan mo ako? ang kapal naman ng pagmumukha mo!!" hindi ko na napigilan, sumabay naman ang pagtulo ng luha ko. Lumapit naman ito sa akin kaya napaatras ako.
"Hindi rin naman madali sa akin, Sav. Hindi ko sinadya 'yun. Akala ko ay ikaw yun, hindi ko alam... kaya noong binuksan mo ang pinto para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng nakita kitang umiiyak... I was fuming mad ng nalaman kong si Theya ang naglagay.. I was drugged.. hindi lang si Theya ang nagplano kasali din ang gago mong kaibigan na si CY!!! He lied to you, Sav." sabi ni Zachary, hindi naman ako makapaniwalang umiling sa kanya.
"H-H-Hindi niya 'yan... m-magagawa sa akin..." binuhos ko ang lahat ng luha ko at niyakap niya naman ako.
He lied.
He fucking lied inorder to break us apart.
I hate him.
BINABASA MO ANG
Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)
Romance[R-18] This is a story about breaking the billionaire's heart by hiding his daughter from him. What is the untold reason for their breakup? Will they work again on their arranged marriage? Date Written: October 23, 2020