Chapter 40

4.7K 83 2
                                    

"Wife? Gusto mo maligo sa dagat bukas?" napatalon ako sa pagsulpot ni Zachary.

"Sige ba! Pero wala akong dalang swimsuit." sabi ko.

"Kahit maghubad ka pa dito, wala namang ibang tao." sabi nito at kumindat.

"Manyak! Manahimik ka nga." sabi ko at umirap.

"Nasaan pala anak natin?" tanong ko dito.

"Down stairs, watching television." tumango na lamang ako dito.

"Hon, gusto ko maligo sa dagat pero wala akong swimsuit!" pagmamaktol ko dito, inilabas niya naman ang cellphone niya.

"I'll call my secretary." huling sabi nito at nagtipa sa cellphone.

"Hello.. Bumili ka nga ng swimsuit para sa asawa ko... babae ka naman... ihatid mo nalang dito.. thanks.." sabi nito sa kabilang linya.

"Mamaya pa yun dadating, bumaba nalang tayo." anyaya nito, sumangayon naman ako at bumaba na kami.

"Hon, may gusto ka bang kainin? parang gusto kong magluto ngayon." sabi ko habang nakatayo sa harapan niya. Tumingin naman ito sa malayo na para bang nagiisip.

"Sinigang, namiss ko yung sinigang mo." ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Parang mapapalaban ako dito sa kusina ah.

"Hon! Halika nga dito!" sigaw ko mula sa kusina. Pumasok naman ito sa kusina na naka topless, parang may iba akong gustong kainin..

"You're drooling, baby." He smirked.

"No I'm not, feeling mo lang 'yan!" dipensa ko kaagad, parang nakuha ko na ang pagkahalay ko mula sa kanya.

"Uh-uh kaya ba ang lagkit mong tumingin sa abs ko." mayabang nitong sabi na ikinangiwi ko.

"Asa ka naman! Magsuot ka nga ng t-shirt!" sabi ko dito pero para lang itong walang narinig. Lumapit ito sa akin at tumingin sa niluluto kong sinigang.

"Amoy pa lang nangangasim na ako..." sabi nito at kumuha ng kutsara, tinikman niya ito.

"Masarap kahit maasim." sabi na naman nito nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

"Maasim naman talaga ang sinigang, buang!" baliw.

"Joke lang naman, hindi ka talaga mabiro, palaging mataas yung dugo mo." sabi nito.

"Lumayas ka nga dito bago pa kita masapak!" humalakhak naman ito sa akin at lumabas ng kusina.

Pagkatapos kong magluto ay hinain ko na ito sa hapag at tinawag na sila. Ang aga naming kumain alas sais pa lang, nasanay kasi akong kumain ng alas otso.

"Ang sarap magluto ni mommy baby no.." sabi ni Zachary habang nakatingin kay Jacky, napangiti naman ako sa sinabi niya. Ang cute nila tignan.

"Yesh.. that's why I love mommy..." sabi ng anak namin, tumawa naman si Zachary at hinalikan ang buhok ni Jacky.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam ako sa kanila dahil maliligo pa ako. Nilagyan ko ang bathtub ng pampabula.

Andaming nangyari sa mga nakalipas na taon at hanggang ngayon, nasira relasyon namin ni Zachary dahil sa taong pinagkatiwalaan ko. Akala ko niloko ako ni Zach pero hindi pala... andaming kong natutunan sa buhay. Mas mainam na pakinggan mo muna ang paliwanag bago ka humusga. Dapat hindi ka pangunahan ng galit.

Umahon na ako sa bathtub, lumipat ako sa shower at binasa na ang buhok ko.

Kinuha ko na ang roba na nasa gilid ng pinto at sinuot ito.

Pagkalabas ko ay hindi ko nakita sila, siguro nasa baba. Lumapit ako sa kama at may nakita puting dress, ang ganda. May nakita akong note sa gilid nito.

'Wear this baby, I love you.'

Napakagat naman ako sa ibabang labi ko at ngumiti. Ano na naman ang pakulo nito? Sinuot ko ito at tumingin sa salamin, puting puti ito pero maganda dahil sa disenyo nito.

Pagkababa ko ay wala akong nakitang Zachary at Jacky.. kukunin ko sana ang cellphone ko na nasa sofa ng may nakita na naman akong note sa gilid nito

'You're the most precious thing in my life, follow the petals my wife.'

"Ano 'to?" tanong ko sa hangin.

Tuluyan ko ng kinuha ang cellphone ko at lumabas ng bahay. Kitang kita ko ang petal ng roses na nagkalat sa sahig, para itong carpet na lalakaran ko.

Sinundan ko ito at napatingin ako sa paligid, malayo na ako sa bahay.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at may nahagip ang aking mata na tarpaulin.

'Will you marry me again?'

Napatakip ako sa bibig ko, ano ba 'to? Tinotoo niya talaga.

Tumingin ako sa unahan. Maliwanag ang bahagi na nandoon at kitang kita ko ang mga malalapit sa puso namin. Nandoon sina Belle, Khylie, Kuya, Ryan, Ivo, at ang pamilya namin.
Nagiging emosyonal na ako, kasalanan mo talaga 'to Zach.

Lumapit ako sa kanila at nakitang naka tuxedo si Zachary, naka wax ang buhok nito kaya mas lalo itong gumwapo. Tumulo ang luha ko habang nakatanaw sa kanya. Lumapit ako sa kanya habang umaagos ang luha.

"Shh.. huwag ka ngang umiyak, hindi naman kita iiwan, papakasalan nga ulit kita." sabi nito at pinahid ang luha ko sa pisngi.

"Para ka kasing tanga eh, pinapaiyak mo 'ko." sabi ko at sumimangot. Tumawa naman ito ng mahina at hinawakan ang baba ko.

"I'm the luckiest person in the world for having such a fine and lovely woman, I love you, Sav." sabi nito at unti-unting hinalikan ang noo ko. He's too sweet and my heart is melting.

"I'm yours, Zach, I was made only for you, I love you so much.." I said and kissed him.

I can't believe that I married the cold hearted billionaire named Zachary Savedra.

Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon