Pagkauwi namin sa bahay ni Zachary ay pinaliguan ako nito at tinulungang magbihis palagi rin itong may katawag sa telepono pa minsan-minsan ay sumisigaw ito nabalitaan ko rin na sinampahan ng kaso ni Zachary 'yung lalaki na kaaway ng pamilya nito dahil sa negosyo. Pinakuha na rin ni Zachary ang mga gamit ko na naiwan sa resort, pinaalam din nito sa mga magulang ko ang nangyari sa akin kaya ayon galit na galit sila.
May inaasekasong papeles si Zachary ako naman ay nakahiga lang sa kama, para na kasi akong natrauma sa nangyari kanina. Habang tinitignan ko si Zachary ay tumunog ang cellphone ko at sinagot ko naman.
"Are you okay? Bakit ba kasi nag-iisa ka sa dalampasigan akala ko kasama mo si Zachary sa resort Fuck! baka mabugbog ko talaga yong gago na iyon." nahihimigan ko ang galit sa boses ni kuya.
"Okay na ako kuya nasa bahay ako ni Zachary pababantayan pa nga niya ako ng bodyguard."
"Good, ibigay mo nga kay Zachary kakausapin ko lang." tumingin naman ako kay Zachary. Nakatingin na ito sa akin na tila bang naghihintay matapos ang tawag.
"Kakausapin ka raw ni kuya." sabi ko at akmang lalapit sa kanya.
"Don't stand up." at lumapit sa akin at kinuha ang cellphone ko.
"Ano?... 4 bodyguards... I shoudn't have left her... Yeah yeah I'm sorry... Shut up asshole." at binalik sa akin ang cellphone ko at umupo sa kilid ng kama at hinaplos ang buhok ko sakto namang may nag doorbell kaya tumayo ito at lumabas ng kwarto. Pagbalik ni Zachary ay may dala itong pagkain.
"Let's eat dito na tayo kumain alam kong gutom ka na." tinulungan ako nitong umupo sa kama binigyan ako nito ng pagkain at nagsimula na akong sumubo. How could I not fall to this man? He treats me like a queen and I couldn't ask for more, sabihin mo lang ang tatlong kataga Zach mamahalin kita hanggang sa maubos ako.
Ilang oras na ang lumipas nang matapos kaming kumain hinalikan muna niya ako sa ulo at humiga na sa kama para matulog, he hugged me tightly na para bang hindi niya kaya na mawala ako sa tabi niya.
Pagmulat ng aking mata ay tinignan ko muna ang katabi ko, mahimbing pa rin ang tulog ni Zachary dahan-dahan akong tumayo para makapag luto ng agahan. Pumunta ako sa kusina at binuksan ang ref nito, magaling maraming stocks ang lalaking 'to sabi ko sa sa aking isipan. Kumuha ako ng itlog,bacon, at sausage magluluto na rin ako ng pancakes at kanin. Habang nagluluto ako ng pancake ay may biglang yumakap sa akin bahagya naman akong tumingin kay Zachary at ngumiti. Pinaharap ako nito at masuyong hinalikan sa labi. Ako ang unang kumalas baka kung saan pa ito humantong.
"I can't wait to marry you, Sav." bulong nito at pinatakan ng halik ang leeg ko. Abala naman ako sa pagluto.
"Hmm.. I can't wait to marry you too." sabi ko na di nawawala ang matamis na ngiti sa labi. Naramdaman ko naman ito na ngumiti. Nilagay ko na ang aming agahan sa lamesa at umupo na kami.
"Papasok ka ba sa trabaho ngayon?" tanong niya sa akin tumingin naman ako rito.
"Oo, last shoot kasi namin ni Cy." sabi ko at muling sinubo ang pancake.
"Who's that bastard?" tanong nito na may bahid na inis tumayo naman ako at nagtimpla ng kape.
"Gusto mo ng kape? Magtitimpla ako?" pagbabalewala ko sa tanong nito.
"Don't put too much sugar. Hindi mo pa sinagot ang tanong ko, Sav. Sino si Cy?" tanong niya ulit. Tumalikod na ako sa kanya at ginawan na siya ng kape.
"Model na kaibigan ko. Napakaseloso mo talaga." pabulong kong sabi sa huli. Nilapag ko naman sa harap niya ang kape.
"Siguraduhin mo lang, Sav ayoko nang may kahati lalo na 'pag sayo." anito at sumimsim sa kape, umirap nalang ako sa sinabi niya. " I almost forgot, may pinabili pala akong damit para sayo suotin mo, nasa kama."
"Thanks." tipid kong sabi at niligpit ang pinagkainan. Nagpaalam muna ako kay Zachary at pumasok sa kwarto. Nakita ko naman sa kama ang isang dress na kulay blue napairap tuloy ako dahil mahaba tapos wala manlang disenyo wala akong nagawa kundi isuot ito. Pumasok na ako sa banyo at humarap sa salamin. Naglagay ako ng kaunting lipstick at kinilayan ang sarili. Pagktapos ay lumabas na ako sa banyo. Nadatnan ko naman si Zachary na nakaupo sa sofa na ayos na ayos. Tumingin ito sa gawi ko at tumayo.
"Ihahatid kita, 'wag kang mag alala may bodyguard ka pero nakamasid lang sila sayo sa malayo, initusan kong 'wag lumapit sayo 'pag hindi naman kailangan." tumango ako. Inakbayan na niya ako at lumabas na kami ng bahay.
Nagsimula na itong magmaneho. Nagtaka pa ako dahil alam niya kung saan ako nagtatrabaho. Pinarada na ni Zachary ang kotse niya sa labas ng building.
"Alis na ako." mabilis na sabi ko at hinalikan siya sa labi hindi ko na hinintay ang sasabihin nito dahil dali-dali akong lumabas ng kotse na hindi nawawala ang matagumpay kong ngiti.
BINABASA MO ANG
Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)
Romance[R-18] This is a story about breaking the billionaire's heart by hiding his daughter from him. What is the untold reason for their breakup? Will they work again on their arranged marriage? Date Written: October 23, 2020