Chapter 15

4K 85 1
                                    

Kinusot ko ang mga mata ko nang naramdamang may tumatapik sa akin.

"Wife, let's go."

"Anong oras na ba?" sabi ko at humikab.

"3:56PM tapos na ako magbihis kanina lang di muna kita ginising kasi pagod na pagod ka sa biyahe."

"Oo na 'di na ako maliligo dahil naligo na ako kanina, tinatamad ako." sabi ko at nag stretching.

"Mag bihis ka na."

"Opo, kamahalan." sabi ko at tumayo nag bow muna ako rito at pumuntang walk-in-closet.

Matagal akong nakapili ng susuotin dahil malamig ang hangin ngayon, 'di ko alam pero napilian kong magsuot ng croptop ako at high waisted jeans nagdala rin ako ng blazer kung sakaling lamigin ako ng todo, naglagay lang ako ng tint sa labi ko at sinuot ang white gucci shoes.

"Hon!" sigaw ko dali-dali namang pumasok si Zachary.

"What? may nagyari ba?"

"Ano kasi..."

"What? Tell me wife."

"Hindi ko maabot yung zipper sa likod ng croptop." sabi ko bumuntong hininga naman ito at lumapit sa likuran ko.

"You're scaring me, wife." sabi nito at sinara ang likuran ko.

"Sorry hehe." sabi ko at hinawakan ang kanyang kamay.

"No, it's okay your husband is too paranoid." sabi nito.

"It's normal because I'm your wife." sabi ko. "Saan ba tayo pupunta?" palabas na kami ng Antares.

"La Sagrada Familia, Gothic Quarter, B- One Palau De Mar and lastly The Magic Fountain." tuloy-tuloy na sabi ng asawa ko.

"Okay..." wala talaga akong alam kung anong meron sa lugar ng mga iyon.

Pinagbuksan ako ni Zach ng pinto at sinara iyon dadali naman itong pumunta sa driver seat gumamit pa ito ng Waze para hindi kami maligaw, nagrent kasi ng car si Zachary kaya siya ang magmamaneho may sasakyan din naman siya dito sa Spain pero nasa Madrid may bahay kasi sila doon.

"Uunahin ba natin 'yung sinabi mong La Sagdra Familia?" kunot kong sabi nito nasa kalsada naman ang tingin nito at bahagyang natawa.

"It's La Sagrada Familia, wife." sabi nito at sumulyap sa akin madali naman itong binalik ang tingin sa kalsada.

"Iyan naman ang sinabi ko ah, malayo pa ba tayo?" sabi ko at tumingin sa mga bahay na nalalampasan namin.

"Yes, wife matulog ka nalang jan." sumangayon naman ako sa sinabi nito dahil antok na antok pa ako.

"Wife, wake up nandito na tayo." naalimpungatan kong dinig kinuskos ko naman ang mga mata ko at minulat ang mata.

"H-huh?"

"Sabi ko nandito na tayo, halika na marami pa tayong pupuntahan." sabi nito at bumaba ng sasakyan pumunta naman ito sa akin at binuksan ang pinto napangiti naman ako sa ginawa niya, pinalibot niya ang kamay sa bewang ko at nagsimulang maglakad sa La Sagrada Familia.

Marami din ang mga turista na pumunta dito may mga magjowa at pamilya.

"Ang ganda." mangha kong sabi sa Sagrada.

"Yes it is." pagsang ayon ng asawa ko sa akin.

La Sagrada Familia a Roman Catholic Church is a combination of gothic and Modernism but it still under construction. It was consecrated 9 years ago by Pope Benedict XVI.

"Picture tayo, Hon ipopost ko sa Instagram." sabi ko at nilabas ang cellphone

"1,2,3, smile!" sabi ko at ngumiti sa kamera ganoon rin ang asawa ko.

Naglibotlibot pa kami dito hanggang sa magsawa kami. Ang next destination naman namin ay sa B- One Palau de Mar isa itong restaurant sinearch kasi ni Zachary ito sa google nag sasaad naman doon na sikat daw ito dahil sa masasarap na pagkain.

We entered the restaurant and seated beside the entrance. Ang restaurant na ito ay bukas na bukas malalanghap mo talaga ang hanging dagat, malapit lang kasi ito sa dagat. Kinuha ko ang menu at pumili may kamahalan din ang mga pagkain dito nagsisimula sa 35 euro at pataas.

"Hon, ito sa akin oh." tinuro ko ang mga gusto kong kainin tumango naman ito at tinaas ang kamay.

"¿Qué le gustaría ordenar, señor?" What would you like to order, sir?.

"Nos gustaría pedir estos estilo tailandés con mejillones al vapor, Paelle de Mariscos, langosta fresca con ensalada, Paella de verduras y vino de barcelona." We would like to order these Thai style with steamed mussels, Seafood Paelle, fresh lobster with salad, Vegetable Paella and Barcelona wine. Pabalikbalik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa tanging señor lang ang naintindihan ko.

"En seguida, señor." Right away, sir. Bumalik naman ito kaagad at may dadalang food cart habang inihain ang mga pagkain di ko tuloy mapigilang matakam.

"Mukha palang masarap na." sabi ko at iniisa-isa ng tingin ang aming pagkain.

"Yeah, like me." sabi ng asawa ko nagangat naman ako ng tingin dito at tinaasan ng kilay umiling lang ito sa akin. Nagsimula na kaming kumain ang pinakanagustuhan ko ay ang Paella de Mariscos may lobster kasi ito at maraming mga sahog kulay pula din ang sabaw nito para nadin kaming nasa Korea.

Matapos naming kumain ay pumunta na kami sa Magic Fountain alas syete pa kasi lalabas ang fountain, 6:57PM palang pero sandamakmak na ang mga tao na narito tila naghihintay na lumabas ang fountain.

"Hon, saan na naman tayo bukas?" tanong ko habang naka yakap sa bewang nito ang kamay naman nito ay nasa balikat ko.

"Hmm.. gusto mo bang magbeach?" tanong nito.

"Wehh? May beach dito? Akala ko wala." sabi ko.

"Meron kaya pupunta tayo bukas doon." sabi nito at hinaplos ang buhok ko.

Maya-maya ay nagsigawan ang mga tao dahilan para mapatingin kami sa mga tao dito bumungad sa amin ang makulay at napaka gandang fountain.

"Woahh!!! Ang gandaaaa!!!" mangha kong sabi habang nakatingin sa magandang magic fountain.

"Yes it is." sabi ng asawa ko iniangat ko naman ang tingin sa kanya akala ko nakatingin siya sa fountain pero mali ako, nakatingin pala ito sa akin.

Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon