Chapter 28

3.9K 77 12
                                    

After I said those words to him, I ran away. Palayo sa kanya, sa lahat ng tao. Iniwan ko lahat pati pamilya ko. I was so devastated.

"Ms. Amescua!" napatalon ako sa boses ng manager ko isa itong Fil-Am. I'm living in France and I become a supermodel. Bata palang ako ay pangarap ko na talagang maging isang tanyag na modelo rito. Sa awa ng Diyos at pagsusumikap ko ay nakamit ko ito.

Madami ang nagbago sa nagdaang taon. I heard he's dating Theya but I don't give a fuck about it anymore. He's happy... I should be happy. I become brave and confident as years goes by. Matunog ang pangalan ko dito at sa ibang bansa dahil naging supermodel ako, I do runways, photoshoot, and etc. Marami akong kinaaabalahan dito sa France. Ang pinagtaka ko lang ay hindi na ako ginambala ni Zachary, kahit magpaliwanag lang siya sa akin. Pero wala, walang nangyari.

I already sent the annulment paper to him few years ago and now he's dating again... I think he signed it. And for your information, I'm dating Cy David Pascual. He lifted me up when no one was by my side, I owe him a lot. He's also a model here in France, we moved here a couple of years ago. May communication pa naman kami ng magulang ko at mga kaibigan ko. Napapatanong ako minsan sa sarili ko kung gusto ko ba ito? Kaya ko ba 'to? kung totohanan man ay hindi... hindi, parang may kulang.

"Ugh.. You knew that I'm not ready to go back." I rolled my eyes. Pinipilit niya kasi akong bumalik sa Pilipinas dahil may malaki daw itong offer.. alam kong nawindang siya sa laki ng halaga.. wala na talaga akong balak bumalik pero parang masisira ang balak ko dahil hindi magpapakasal si Belle kung hindi ako uuwi.

"Whatever, Sav.. The offer is too good to be true.. please grab the chance it's for your own good." sabi nito at hinawakan ang kamay ko umirap naman ako dito dahil ang kulit niya.

"No, and that's final." sabi ko at umalis padabog kong sinara ang pinto. Nagmamartsa akong pumasok sa kotse ko at pinaharurot papuntang Cafe. Nag order muna ako habang nakasuot ng shades, mask at cap para hindi ako dumugin dito. Naalala ko pa nga noong nag grocery akong magisa at sakto madaming tao halos tumakbo na ako dahil ang daming taong nakapalibot sa akin at nanghihingi ng autograph at picture mula sa akin.

Tinanggal ko ang shades ko at mask para makita ng cashier kung sino ang kaharap niya, alam na alam na kasi nila kung anong ioorder ko kaya hindi na ako nag abala pang magsalita. Tinatamad ako.

"Bonjour, Mme Amescua. le même ordre?" Hello, Ms. Amescua. The same order?" tanong nito sa akin habang malapad na nakangiti, ibinalik ko naman kaagad ang shades ko baka may makakita pa sa akin.

"Oui merci." Yes thankyou. Pasasalamat ko dito sa lengguahe nila. Gumawa naman ito ng macchiato at inilapag sa tray, kinuha ko ang kape at dinala sa uupuan ko. Meron ding ibang tao ma tumatagal ang titig sa akin. Nako sana lang talaga walang makahalata na ako ito, para naman maenjoy ko ang iniinom ko.
May narinig pa ako sa kabilang table.

"Diba model 'yan." tanong nito sa katabi niya. Shuta may pinoy na naman. Mabubuking talaga ako dito. Tumayo ang babae at lumapit sa akin yumuko naman ako sa table.

"Ms. Amescua? Can I take a picture with you." hinging pahintulot nito. Wahh!! Tulongg!!

"Je ne te comprends pas, parle français s'il te plait." I can't understand you, please speak french. Sabi ko habang nakayuko ulit.

"Oh, I'm sorry." tanging sabi nito at naramdaman ko itong umalis kaya nakahinga ako ng maluwag. Muntik na ako doon ha. Dinukot ko ang cellphone ko sa chanel bag ko at nakipag skype kay Belle. Bruhang 'to antagal sumagot busy ba siya sa pagaalaga at pagmamahal kay kuya? Ew kinikilabutan ako sa sinasabi ko.

"Sav?! Napatawag ka?" nakangiti nitong sabi, tintigan ko ito at napagtantong nagpakulay ito ng buhok naging kulay tsokolate na ito katulad ng mga mata niya. Dalawang taon na silang magkasintahan ni kuya inaya na nga ito ni kuya na magpakasal. Sinabihan naman ni Belle si kuya na hindi muna sila magpapaksal hanggat hindi ako bumabalik.

"Wala namiss lang kita. Kumusta na pala kayo ni kuya?" tanong ko sa kanya.

"Okay lang naman kami, masaya nandoon siya sa restaurant may inaasekaso. Umuwi ka na kasi miss na miss ka na namin." sabi nito habang sinusuklayan ang buhok.

"Hindi pa ako ready, Belle.. pero baka... makadalaw ako para makapunta sa kasal niyo." sabi ko at ininom ang macchiato.

"Sayang magiging ninang ka pa naman sa anak namin." sabi nito at bumuntong hininga. Wait buntis siya?!

"Putchaa!! Buntis ka?!!!!" hysterical kong tili, napatigil naman ako ng napagtanto ang ginawa ko tumingin ako sa paligid at nakitang may mga taong nakatingin sa akin, awkward naman akong ngumiti pabalik sa kanila at yumuko muli.

"Hindi pa sure gaga! late kasi ang regla ko tapos nagsusuka ako hindi pa kasi ako nakapag take ng pregnancy test." paliwanag nito habang nakatingin sa kamera.

"Ba't pinapatagal mo pa? Kumpirmahin mo, Belle." sabi ko rito at inubos ang macchiato.

"Bibili ako mamaya, kung makakakita man ako ng dalawang linya ay isusurpresa ko si Kaleb." sabi nito at matamis na ngumiti. Malungkot naman ang naitugon ko dito dahil kung sana hindi iyon nangyari ay magiging ganito rin kami ni...

"Masaya ako para sainyo, Belle. Magingat kayo palagi jan." sabi ko. Sa wakas ikakasal na ang bestfriend ko at magkakaanak na, sana lang talaga na walang sumira sa kanila.

"Salamat, Sav. Magingat ka rin jan." sabi nito. Nagpaalam naman ito dahil bibili daw siya sa Pharmacy ng pregnancy test para makumpirma kung buntis ba talaga siya.

Sinuot ko muli ang mask ko at dinampot ang bag, nagmaneho ako papuntang bahay namin dahil may naghihintay sa akin. Napangiti tuloy ako.

Binuksan ko ang pinto ng bahay namin at sumigaw.

"Babe?! Jacky?! Mommy is here!" sabi ko at inilapag ang bag sa sofa. Nakita ko naman si Cy na buhat-buhat ang anak namin na si Jacky, she's 3 years old at malapit na siyang mag four. Hindi pa ako ready na lumaki siya.

"My baby!" sabi ko habang malapad ang ngiti.

"Look, baby mommy is here!!" maligayang sabi ni Cy habang pababa sila ng hagdanan. Lumapit naman ako dito at niyakap silang dalawa ng mahigpit.

"Mommy.." malambing na sambit ng anak ko sa akin kaya napangiti ako ng husto, kinuha ko ito kay Cy at binuhat at hinalikan sa pisngi. Lumapit din si Cy sa akin at hinalikan ako sa labi at pagkatapos niyakap kami ng mahigpit.

"Babe! baka hindi makahinga si Jacky." saway ko dito tumawa lang ito sa akin at hinalikan muli ang noo ko. Umupo kami sa sofa at binuksan ang TV. Binaba ko naman si Jacky para makapag laro siya.

"Babe?" malambing na sambit ni Cy habang nakayakap sa bewang ko at ang mukha naman nito ay nasa taas ng balikat ko, kaya maling galaw ko ay mahahalikan na niya ang leeg ko.

"Ano?" sagot ko sa tanong nito.

"Mahal kita, Sav at ang anak natin." malambing na sabi nito imbis na kiligin ako ay may parte ng puso ko ang kumirot. Naaalala ko naman siya...

"Mahal din kita, Cy." seryoso kong sabi.

A/N: Ang hilig naman magpasabog ni Savannah.. Nalilito na ako #TeamZach or #TeamCy

Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon