"Ang galing niyo Cy at Sav ang ganda! parang may spark." masiglang wika ng photographer namin. Tumawa naman ako sa sinabi niya.
"Ikaw talaga Mark!"
"Sus, maging kayo na kaya tutal wala rin naman kayong mga jowa."
"I don't think so.. may special someone na ako." sabi ko at tumingin sa malayo. Nagpaalam na si Mark yung photographer namin dahil pupunta ito sa Davao. Maya maya ay nagsalita si Cy.
"Sino naman yung special someone mo baka kilala ko?" napatingin ako sa kanya dahil diniinan niya talaga ang 'special someone'
"Nope hindi mo kilala." malungkot naman itong ngumiti sa akin.
"Sav, may sasabihin ako." nag-iwas ito ng tingin sa akin halatang kinakabahan.
"Ano?" taas kilay kong tanong.
"Pwede bang manligaw? Alam kong ilang araw palang tayong magkakilala kahit naman may iba kang gusto okay lang naman sa akin pwede ka pa namang agawin." pabiro na sabi nito kaya tumawa kaming dalawa.
"Ano ka ba Cy baka masasaktan lang kita marami pa namang iba jan."
"Liligawan kita Sav, gagawin ko ang lahat mahulog ka lang sa akin." seryosong sabi nito napakamot tuloy ako sa batok. Sasabihin ko nalang ang totoo ayokong umasa si Cy sa wala.
"Ikakasal na ako." halatang gulat ito sa pasabog ko, totoo naman na ikakasal na ako kay Zachary Savedra ang lalaking minahal ko ng sobra.
"A-anong ikakasal, siya ba ang tinutukoy mong special someone?" naguguluhang sabi ni Cy.
I nodded and I lifted my left hand where I wore my engagment ring.
"K-kailan pa?"
"Few days ago." tipid kong sabi bumagsak naman ang balikat nito at ngumiti. I know you're faking your smile Cy, I'm sorry.
"Congrats, Sav." sabi nito hinawakan naman niya ang aking balikat.
"Ang swerte naman niya nakuha niya ang isang Savannah Iris Amescua, sana maging masaya ka sa kanya Sav lumapit kalang sa akin kapag sinaktan ka niya handa kitang tanggapin." malungkot na sabi nito, naiiyak tuloy ako.
"Sorry, Cy I'm sorry." sabi ko at niyakap ako nito.
"Shh.. okay lang wala ka namang kasalanan ako lang naman ang umasa." kinalas niya ang pagkakayap namin at hinawi ang hibla ng buhok ko mula sa mukha. "I need to go pupuntahan ko pa si Dad." hinalikan ako nito sa buhok at umalis.
Sinundo ako ni Zachary dahil pupunta raw kami sa bahay ng mga magulang nito, habang nagdadrive si Zachary ako naman ay nakatingin lang sa labas ng sasakyan napansin yata nito na ang tahimik ko ngayon hinawakan niya ang kamay ko at bahagyang pinisil.
"Baby, are you okay? may problema ba? ang tahimik mo kasi ngayon." sabi nito habang ang mga mata ay nasa kalsada. Napaisip tuloy ako kung sasabihin ko ba ang nangyari baka magalit na naman 'to.
"Uhmm kasi ano.."
"It's okay you can tell me." siguradong sabi ni Zachary.
"Si Cy kasi nanliga---" hindi ko natuloy dahil sumingit ito.
"What?!" inis na sabi ni Zachary.
"Punyeta hindi pa ako tapos! Huwag mo kasing putulin ang sasabihin ko tss at mag concentrate ka nga sa pag dadrive." inis kong singhal.
"Fuck! okay fine, now continue."
"Nanligaw siya sa akin pero binasted ko dahil ikakasal na ako." tumingin muli sa labas.
"Tayo, Sav tayo ang ikakasal." he said and that made me rolled my eyes.
Nakarating na kami sa bahay ng mga magulang ni Zachary at pinagbuksan kami ng gate, jusko po hindi na ito matatawag na simpleng bahay dahil ang laki mansion na dapat ang itawag dito, pinarada ni Zachary ang kotse niya at pinagbuksan ako nito ng pinto hinawakan naman ako nito sa kamay at hinila papasok ng mansion nila. Sinalubong agad kami ng mag-asawang Savedra nakipag beso-beso ako sa mga ito at si Zachary naman ay nakipag yakapan sa ama nito at hinalikan sa noo ang ina niya.
"Magandang hapon po." magalang kong sabi.
"Magandang hapon din iha halika't may kaunting salo-salo kami para sa inyo." sabi ni tita at nagpahila naman ako papuntang dining area.
Matagal kaming nanatili sa bahay ng magulang ni Zachary dahil napasarap ang usapan kaya'y nagabihan kami ng uwi.
Pinakuha din ni Zachary sa sekretarya niya ang mga natitirang gamit ko sa condo dahil simula ngayon dito na ako titira napag kasunduan kasi namin at ang mga magulang ni Zachary na dapat manatili ako sa bahay nito.
Alas 9 na ng gabi, nasa kami na kaming dalawa. Si Zachary naman ay yakap-yakap ako, ako naman ay nakatingin lang sa kisame.
"Baby, our wedding is coming are you excited?" biglaang tanong ni Zachary na hinahaplos ang buhok ko.
"Yes super, ikaw ba?" balik kong tanong at sumulyap sa kanya.
"I'm more than excited." hinalikan niya ang noo ko na ikinangiti ko. Hindi na ako nagsalita pang muli.
"Baby?" pagbabasag ng katahimikan nito.
"Hmm?" nakapikit kong sagot.
"Let's make our relationship work." natigilan ako at napamulat.
"Huh?" nakakabigla naman kasi.
"Tsk ang sabi ko let's make our relationship work tutal fiancée naman kita." nahihiyang sabi niya kaya napatawa ako ng mahina.
"I like you, Sav." seryosong sabi ni Zachary na ikina putol ng tawa ko.
"I like you too." sinabi ko na ang totoo, ay hindi pala totoo dahil hindi ko naman siya gusto mahal ko na siya.
"That'a good to hear baby you make my heartbeat fast."
"Heartbeat fast ka jan matulog na tayo." tumalikod ako sakanya kaya tumawa ito at niyakap ako.
"Goodnight my future wife." huling sabi nito.
Mag iisang oras na akong mulat dahil hindi ako makatulog litse talaga. Humarap ako kay Zachary na mahimbing natutulog. Hinawakan ko ang pisngi nito. At sa wakas sinabi ko na ang katagang..
"Mahal kita." tumalikod akong muli at pinilit matulog.
BINABASA MO ANG
Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)
Romance[R-18] This is a story about breaking the billionaire's heart by hiding his daughter from him. What is the untold reason for their breakup? Will they work again on their arranged marriage? Date Written: October 23, 2020