Chapter 29

3.9K 82 9
                                    

Biglang tumunog yung phone ko, umupo ako kahit walang saplot. Sus! Mag asawa naman kaming dalawa wala ng hiyaan to. Kinuha ko ang cellphone sa lamesa at sinagot.

"U-uhm.. Kuya?" bungad ko sa kanya. Balita ko nagkakamabutihan na si Belle at si kuya pero hindi pa naman sinasagot. Ayaw kasing magpadalos-dalos ni Belle kailangan niyang malaman na totoo nga ang nararamdaman ni kuya para sa kanya. Some of the guys only like the chase.

"Nasaan na kayo? Pumunta na kayo dito dumadami na ang media sa labas, baka dumugin kayo matunog pa naman ang pangalan mo at kay Zachary." sabi nito. Tumingin naman ako kay Zachary na nakahiga sa kama at naka pikit ang mga mata.

"Nasa bahay pa kami.. Aalis na din kami." sabi ko at sinuklay ang buhok ko.

"Okay.. Take care, baby." malambing ma sabi ni kuya. Kahit kailan talaga napaka sweet niya. Natatandaan ko pa nga noon lahat ng naging syota niya ay tinturing niyang prinsesa pero ni isa ay wala siya pinakilala sa amin, nakilala ko lang dahil nakikita ko sila paminsan minsan. Nakikita ko nga pero wrong timing naman, nakita ko na siyang may kahalikan sa CR ng mga babae, kung saan-saan pa nga sa Campus. Para din siyang nagbibihis ng damit dahil paiba iba ang babae nito.

"Thank you kuya, bye." sabi ko at pinatay ang tawag ibinalik ko naman ang cellphone ko sa lamesa at tumabing muli sa asawa ko.

"Hon..." sabi ko habang nakaunan ako sa braso nito. Pagkatapos naming magtalik ay nagpahinga muna kami dito sa kama, hindi ko na nga namalayan yung oras.

"Hmmm?" tumingin ako dito, nakapikit ito halatang pagod na pagod. Tinanday ko ang isang paa ko sa katawan niya.

"Magbihis na tayo.. pinapapunta na tayo ni kuya." sabi ko. minulat naman nito ang mata niya at hinalikan ako sa noo.

"I love you so much, wife." sabi nito at niyakap ako ng napakahigpit, napangiti ako.

"What? Where's my I love you too?" sabi nito habang nanatiling nakayakap.

"You are the best thing that has ever happened to me, I love you too, Zach." sabi ko na hindi nawawala ang ngiti.

"Fuck kinikilig ako." sabi nito at tumayo at hinilamos ang mukha, napatawa naman ako dito.

Nagbihis na kami para makapunta na sa party.

Tanaw na tanaw ko ang mga media na nasa labas ng bahay. Pumara ang aming sasakyan at lumabas si Zachary, pinagbuksan niya ako ng pinto at tinumog na kami ng mga reporters. Nakahawak si Zachary sa bewang ko. Naglakad na kami papunta sa loob.

"Mr. Savedra, totoo po bang may relasyon kayo ni Ms. Theya Tan? At ano po ang masasabi niyo Mrs. Savedra dito?"

Napatingin naman ako sa reporter na sumigaw nito nagbulong-bulongan naman ang mga ibang reporter. Bumaha na naman muli ang mga tanong nila. Hanggan sa makapasok kami sa loob ng bahay. Sinuot na namin ang aming maskara.

Marami ang inimbita ng mga magulang ko halos mapuno ang buong bahay namin dahil sa mga tao isa na dito ang mga kakilala ng pamilya namin mga kasosyo sa negosyo, mga kaibigan, at ang mga ibang Amescua ay nakadalo rin, nandito na nga ang mommy ni Faye at ang kasama nito ay ang daddy niya. Nagiisa kasi itong anak kaya siya dapat ang nagmamahala sa lahat ng negosyo nila. Hindi ko alam na nandito pala ang pamilyang Tan, ngayon ko palang nalaman na magkasosyo pala sa negosyo ang mga magulang namin ni Theya. And yes, the bitch is also here. She's wearing a dark red spaghetti strap dress and I'm also wearing backless red lace side slit with deep V neckline dress. Ang maskara ko naman ay kulay pula pero may itim naman ang ibang bahagi nito kaya nababagay ito sa suot ko. My cleavage are exposed because of the deep v line. Pumunta ako sa kinaroroonan ng mga magula ko at binati ang ina ko.

Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon