Nanlumo akong umuwi sa condo ko napagdesisyonan kong matulog dito kailangan kong mapagisa hindi ko alam kung bakit pero labis akong nasaktan sa ginawa kanina ni Zach parang bumalik yung sakit nung niloko ako ni Kevin. Nagbihis na lamang ako at humiga sa queen size bed ko, pinilit kong matulog pero 'di pa rin ako dinadalaw ng antok kaya nagpaggulong-gulong ako sa kama. Humiga muli ako ng maayos at tumingin sa pader matagal-tagal ko rin itong tinitigan. Maraming tanong ang nasa isip ko pero di ko kayang magtanong sa kanya. Binuksan ko nalang ang Instagram ko at chineck ang aking mga pinost 'di ba nagmumuha na akong baliw.
Savvy
Followers: 101,636
Following: 879
Posts: 496Chineck ko naman ang messages ang laman naman nito ay mula sa fans, kakilala, friends at iba pa. Ibinalik ko nalang sa gilid ang aking cellphone. Hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako.
Nagising ako sa ingay ng alarm dali-dali ko itong pinatay, humikab pa 'ko dahil kulang ako sa tulog litseng Zachary. I picked a bodycon dress para naman makita ng iba yung hubog ng katawan ko ano pang silbi ng magandang katawan kung di naman irarampa, natawa ako sa sarili ko, nag lagay ako ng simpleng make-up sa mukha ko dahil si Chelsie rin naman mag aayos sa akin. Nagsuot ako ng stiletto at gumayak na papuntang agency.
Dumiretso ako sa make-up room para makapag simula na naman ang shoot nabigyan kasi ako ng panibagong proyekto. Ang pangarap ko talaga ay maging isang ganap na modelo sa Paris pero bago ko pa man makamit iyon ay dapat munang tumunog ang aking pangalan dito sa Pilipinas para madali akong matanggap. Mas mabuti din kasing madami akong experience para maganda ang resume ko.
Pagkapasok ko sa make-up room ay umupo kaagad ako sa harap ng LED Mirror at nag simula naman si Chelsie.
"Thank you Chels, lalabas na ako." paalam ko sakanya. Nakifa ko naman si Khylie doon na naguusap kasama si Cy nilapitan ko silang dalawa, nakipag beso-beso ako kay Khylie at nakipag yakapan kay Cy.
"Magsimula na tayo, Khylie." saad ko at pumwesto sa harap ng camera.
"Sit in the chair, Sav and lean wag kang ngumiti you have to look fierce, don't be stiff. Tumingin ka lang sa camera." sabi ng photographer namin sinunod ko naman ito narinig ko pang pumalakpak si Cy.
"Good job, then tumayo ka at umupo sa table while crossing your legs at wag mong kalimutan tumingin sa camera." sinunod ko naman kaagad. Halos kakalahating oras kaming natapos sumakit tuloy balakang ko. Pupunta pako sa Svdr Company para sa interview.
Lumapit si Cy sa akin na may dala dalang kape. Binigay niya ito sa akin tinanggap ko ang kape at uminom.
"Salamat Cy, may pa kape ka pa." sabi ko at tumawa, tumawa rin si Cy sa sinabi ko.
"Ikaw pa malakas ka kaya sa akin." humina ang boses nito kaya hindi ko naintindihan ang huli niyang sinabi nangunot ang nuo kong sinulyapan siya.
"Ano 'di ko narinig?" I curiously asked, he just shrugged.
"Wala." sabi niya habang nagmamasid sa mga taong naglalakad.
"Wala ka bang balak mag apply sa Svdr Company? baka makapasok ka." pagiiba ko ng usapan ngumiti naman ito.
"Hindi, 'di ko kasi gusto yung may ari ng kompanya."
"Bakit naman? sayang yung opportunity." sabi ko at pinag cross ang aking paa.
"I just hate him." sabi niya at mabagal akong tumango at tumayo tumingin naman ito sa akin.
"Mauna na 'ko, Cy pupunta pa ako sa Svdr Company." habang inayos ko ang aking buhok.
"Ihatid na kita." tumayo ito ayaw ko namang maabala si Cy kaya umiling ako.
"Huwag na may dala kasi akong sasakyan." ngumiti ako sa kanya, bumagsak naman ang balikat nito sa sinabi ko.
"Ah sige mag ingat ka." lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi napakurapkurap pa 'ko dahil hindi ako makapaniwala na hinalikan niya talaga ako.
"A-a-ahh sige ikaw rin." nauutal kong sabi at dali-daling tumbako palabas. Hindi parin nag sisink in sa utak ko yung ginawa niya.
"Huwag mo nang isipin yun,Sav baka ganyan talaga yun 'pag kaibigan niya." pagkukumbinsi ko sa aking sarili at nagsimulang magmaneho papuntang Svdr Company.
Pagkalabas ko ng sasakyan ay tinignan ko ang nasa harapan kong building, ang taas halatang successful ang negosyo may 24 na palapag ito 'di ko tuloy mapigilang mamangha, maswerte ako 'pag nakapasok ako dito bilang modelo. Pumasok ako at pumunta malapit sa pag iinterviewhan, may nakasalubong akong babae na parang naka office work outfit may naka sulat kasi itong Svdr Company sa gilid kaya ngumiti ako rito.
"Miss, pwede bang magtanong? May pipirmahan pa ba ako bago mag interview?" magalang kong tanong ngumiti ito sa akin.
"Yes, ma'am pumunta ka lang po doon sa table may makikita ka pong papel doon sagutan niyo lang po." nagpasalamat ako rito at pumunta sa sinasabi niyang lamesa sinagutan ko naman ito at umupo sa naka linyang mga babae puro rin magaganda. Ilang minuto ang lumipas ay tinawag na ako.
"Ms.Savannah Iris Amescua you're next." saad ng lalaki at pinapasok ako. I walked confidently as I entered the room and face the interviewers tinignan ko sila isa isa then my eyes stopped at the guy who's staring at me I gulped and maintained my exposure.
"Good Afternoon Mr. Ms. I'm Savannah Iris Amescua I'm applying to be your brand ambassador." I smiled confidently ang iba naman ay ngumiti pabalik sa akin.
"Okay so let's start the interview shall we?" sabi ng may edad na babae at sinimulan na akong tanungin mabuti naman at 'di ako kinabahan ng todo kahit nasa harapan si Zachary pero shet na malagket ba't ba nandito siya? Dito ba siya nagtatrabaho? Akala ko sa kompanya nila.
Pagkatapos ng palakpakan ay lumabas na ako ng room at bumaba na sa ground floor para puntahan ang kotse ko nabigla ako ng may humila sa akin, napaharap ako rito at nagulat kapal talaga ng lalaking 'to pagkatapos niya akong iwan kahapon ay hihilain niya ako. I rolled my eyes.
"What?" I said as I glared at him.
"Let's take a vacation." nagsalubong naman ang aking kilay sa sinabi ni Zachary.
"At sino ka naman para sumama ako sayo? Sa pagkakatanda ko ay iniwan mo ako kahapon na walang pasabi-sabi, ang kapal naman ng mukha mong pasamahin ako sa'yo!" inis kong sabi sa kanya sino ba kasing matutuwa pagkatapos niya akong iwan doon ay mag vavacation raw kami.
"I'm your freaking fiancée, Savannah it's either you like or not sasama ka sa akin alam kong gusto mong umahon ang inyong kompanya." at pinamukha pa talaga sa akin.
"Ang ingay, Oo na oo na! kailan ba yan?" pagpayag ko, kapag kompanya namin ang usapan ay mapapa oo talaga ako.
"9AM Tomorrow I'll fetch you." sabi nito tumango ako at hinawakan niya ang aking balikat. Niyakap ako nito 'di ko alam ba't ganito pero gumaan ang aking loob.
"I'm sorry, baby I left you yesterday I promise it won't happen again." kinalas niya ang pagkakayakap namin at hinalikan ako sa pisngi namula naman ako ng husto sa ginawa niya kaya nag iwas ako ng tingin.
"You should go now, I'm sorry I can't drive you home because I have tons of works to do. I need to go." sabi niya. Ngumiti na lamang ako sa kanya.
"Sige bumalik kana roon." di parin nawawala ang ngiti ko sa labi. Hinawakan ako nito sa magkabilang pisngi ko at mabilis na hinalikan sa labi kinindatan pa ako bago tumakbo palayo sa akin.
BINABASA MO ANG
Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)
Romance[R-18] This is a story about breaking the billionaire's heart by hiding his daughter from him. What is the untold reason for their breakup? Will they work again on their arranged marriage? Date Written: October 23, 2020