Chapter 39

4.4K 87 4
                                    

Nakatulala ako habang nanonood ng TV. Kahit titigan ko pa wala akong maintindihan sa pinapanood namin. Pagkauwi ko kasi dito galing sa starbucks panay ang text at tawag ni Cy kaya pinatay ko ang cellphone ko.

"Wife, are you alright?" he said in concern voice.

"A-ah oo." lumingon ako sa kanya.

"Kanina ka pa tulala, huwag mo na ngang isipin ang gago na 'yun." nahihimigan ko ang tampo sa kanyang boses kaya napatawa ako.

"Hindi ah.." dipensa ko. Kinuha naman niya ang cellphone niya na nasa gilid ng sofa.

"Punta daw tayo sa bahay nila Mom." sabi nito at ibinalik ang cellphone.

"Anong meron?" tanong ko dito.

"Maybe they found out that you're back.. it's time to tell them the truth, wife." sabi nito at humilig sa balikat ko.

"May punto ka, baka mag alburoto si mom at dad." well, hindi naman siguro ganyan ang mga magulang ni Zachary, para silang anghel na hinulog sa mundo para paglingkuran ang mga tao dahil sa kabaitan.

"They're too good to do that, wife." sumangayon naman ako sa sinabi niya.

"Kailan ba ako magsisimulang magtrabaho? Nababagot na ako, Zach." pagiiba ko ng usapan habang humalukipkip.

"Mamayang hapon, ni reschedule, kahapon sana 'yun." pahayag nito. Nabasa ko pa sa kontrata na 4 years akong magiging ambassadress sa kompanya niya. Nagtatampo siguro si Khylie dahil lumipat ako.

Nagbihis na kaming apat dahil pupunta pa kami sa bahay ng mga magulang niya. Si Zachary naman ang nagbihis sa anak namin, nagprisinta kasi siya kaya pinayagan ko. Pagkalabas ko ng banyo ay may katawag si Zachary mag ngiti ito sa labi.

"Sino naman ang kausap niya?" tanong ko sa hangin. Naramdaman naman niya ang prisensya ko kaya napaharap siya, bahagya niyang binaba sa tainga niya ang cellphone.

"Tapos ka na?" tanong nito habang pinasadahan ako ng tingin. Tumango naman ako dito. Ibinalik niya sa tainga ang cellphone.

"Thank you for helping me, bud... yeah bye.." sabi nito at binaba ang tawag.

Lumapit ako sa anak namin at binuhat.

"Sino 'yun?" tanong ko dito, nakatingin lang ako sa anak namin.

"Business partner." tumango naman ako. Lumapit ito sa akin at kinuha si Jacky mula sa bisig ko.

"Let's go." sabi ni Zachary pinulot ko naman ang bag ko, gumapang ang kamay niya baywang ko. Para akong nakukuruyente ng dumampi ang kamay niya sa balat ko, kita kasi ang puson ko.

Habang pababa kami ay lumapit ang mukha ni Zachary sa leeg ko.

"You smells good, wife." his voice was husky, it made me shivered.

"Manyak!" sabi ko at inilayo ang mukha niya sa leeg ko.

"Sinabi ko lang naman ang totoo.." umirap ito sa akin kaya tinampal ko ang bisig nito dahil sa ka oahan.

Pinasok ni Zachary si Jacky sa backseat, hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto. Pumasok na ito sa driver seat at nagsimulang magmaneho. Sa kalagitnaan ng biyahe ay gumapang ang kamay ni Zachary sa binti ko, nagtataka naman akong tumingin sa kanya, nakangisi ang loko. Kahit nasaan kami ay lumalabas ang pagkahalay niya.

"Manyak talaga nito oh!" sabi ko at hinawi ang kamay niya. Tumawa naman ito ng malakas sa ekspresyon ko.

"Hinahawakan ko lang naman, nakita ko 'to sa facebook 'pag hinahawakan daw ang binti ng babae sa loob ng sasakyan ay malaki ang posibilidad na mag sex kayo dito." lumuwa naman ang mata ko sa sinabi niya at hinampas siya.

Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon