Chapter 16

3.6K 89 1
                                    

"Hon!!!!!!!" sigaw ko.

"Anong nangyari sa iyo?" tanong ng asawa ko sa akin nandito kasi ako sa banyo ngayon at pangalawang araw na namin dito sa Barcelona.

"Kunin mo nga yung sanitary napkin ko sa maleta buti naka dala ako." sabi ko.

"Nireregla ka pa rin?" lumapit ito sa akin at hinaplos ang tiyan ko. "Gagalingan ko na sa susunod." sabi nito kaya nabatukan ko.

"Gago! Kunin mo na dali!!!!" sigaw ko rito napakamot naman ito ng batok at lumabas ng banyo. Maya-maya ay may dala itong isang pack ng sanitary napkin na binili ko sa Pilipinas.

"Bakit isang pack dinala mo isa lang ang kailangan ko!" inis kong sabi napabuntong hininga naman ito at kumuha ng isang napkin at binigay sa akin.

"Bubuntisin na talaga kita, ang init ng ulo mo pag nireregla." sabi nito at umalis ng banyo. Dali dali naman akong naglagay ng napkin at nagbihis. Lumabas ako sa banyo at humiga muli sa kama.

"Tinatamad akoo..." malumnay kong sabi.

"Mamaya nalang tayo aalis 10AM panaman." sabi nito at hinaplos ang buhok ko umaliwalas naman ang mukha ko at hinalikan ang ilong nito.

"I love you,Hon matutulog muna ako gisingin mo nalang ako if aalis na tayo." sabi ko at tumalikod sa kanya hinalikan naman ako nito sa noo at pumunta ito sa may lamesa at nag titipa sa kanyang laptop.

-

Nasa La Barceloneta na kami ni Zachary kaso hindi kami maliligo dito naglilibot lang kami at humanap ng restaurant. Pumasok na kami sa Meson Barceloneta Restaurant habag papaupo na kami biglang tumunog tiyan ko dahil sa gutom tumawa naman si Zachary kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Damn, wife." sabi nito at ngumisi nag order kami ng Mejillones A la Marinera ito ay may sandamakmak na oyster, Hamburguesa,Cappuccino,Lobster Paella at Paella de Carne.

"Hon, last day na natin bukas saan ba tayo pupunta gusto ko mag shopping at kumain ulit." sabi ko habang kumakain ng lobster.

"Shopping it is, let's shop at the Maremagnum I just searched it in the Google alam ko kasing magshoshopping ka, ganyan talaga mga babae." sabi nito at sumimsim sa Cappuccino.

"Doon lang ba pupuntahan natin bukas?" tanong ko.

"We are going to Mercat de la Boqueria I know you love sweets." sabi nito at pinahiran ng tissue ang bibig.

"Pagkain?" excited kong tanong.

"Yes, wife." sabi nito

Nagbigay pa ng tip si Zachary sa restaurant dahil hindi daw madaling magpatakbo ng negosyo sumang ayon naman ako rito dahil totoo naman. Papunta na kami sa Gaudi's Surrealist Park sabi ni Zachary ay isa daw itong park well halata naman sa pangalan haha.

Ang mga bahay rito ay halos gawa sa bato at ang mga pader ng kalsada ay may mga desenyo kaya siguro sikat itong lugar na ito.

"Wife, may huli pa tayong pupuntahan." sabi nito hanang naglalakad kami na magkahawak ang mga kamay.

"Saan naman?"

"Gothic Quarter" simpleng sagot nito.

"Anong meron jan?"

"I don't know, based on my research it's a Ancient Roman Building." sabi nito at hinila ako papasok sa kotse.

"Ah ganoon ba hindi ko na natandaan lessons namin noon, malilimutin kasi ako." sabi ko at umayos ng pagkakaupo.

"Nakalimutan mo nga si Riri noong pinatira kita sa bahay, naiwan mo siya sa condo tanging mga gamit lang ang pinakuha mo nakalimutan mo tuloy ang aso mo." sabi nito at tumawa ng mahina nagsimula naman itong magmaneho.

"Oo nga no buti naisipan kong tawagan si kuya noon." sabi ko at tumingin sa labas.

"May itatanong ako, hon." sabi ko at tumingin sa kanya ilang saglit itong sumulyap sa akin at tumingin muli sa kalsada.

"Ask me anything." sabi nito.

"Bakit parang may something kay Ivo? yung anoo.... hay basta parang may something sa kanya eh wala ka kasing makikitang emosyon sa mukha niya." sabi ko at inalala ang pinakauna naming pagkikita ni Ivo sa restaurant ni kuya noon.

"It's not my story to tell but because you're my wife i'll give you a clue. A girl she's our batchmate in college."sabi ng asawa ko napatango tango ako at naka 'O' ang bibig ko.

"Oh so babae pala ang dahilan... bakit hindi niya na ba nakita muli?" curious kong tanong.

"Yes, wife ang please stop asking it's not my story to tell." sabi nito kaya tumango nalang ako at tumingin muli sa labas.

Hanggang makarating kami sa Gothic Quarter talagang malalaman mo sa itsura ng building na matagal na itong pinatayo.

"A masterpiece of Gothic architecture, the medieval cathedral stands on Monte Tabor , the highest point in the town center. The Gothic Quarter is where Christopher Columbus was received by the catholic monarchs after his first voyage to the world." basa ko sa papel na ipinasok sa transparent glass.

Nilibot namin ang buong lugar sadyang napakaganda nito kahit maykalumaan na.

-

"Hon,matulog na tayo." maktol na sabi ko sa kanya kahit na alas 2 ng hapon.

"May gagawin pa ako mauna ka na." sabi nito kaya napasimangot ako.

"Tsk inuuna mo na naman trabaho mo!" sabi ko.

"Fine, tatabihan nalang kita hanggang sa makatulog ka." sabi nito at humiga na kami sa kama di ko alam pero mahilig talaga ako matulog ng hapon.

"I love you, Zachary."

"I love you too, my wife."

Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon