"Paano kung magalit siya dahil tinaguan mo siya ng anak?" tanong na naman ng manager ko.
"Dami mong tanong." mataray kong sabi. Ito kasing manager ko kapag tinanong ka niya dapat sasagot ka kundi bwebwesitin ka niya palagi.
"Paano nga?" ulit na naman nito napairap tuloy ako sa kanya.
"Kung magalit man siya, ang kapal naman ng mukha niya. Siya na nga nagtaksil, ako ang bumuhay sa anak namin tapos magagalit siya? Eh gago pala siya!" napasigaw ako sa huli kong sinabi dahil naiinis na ako, naiimagine ko palang uusok na ang ilong ko sa galit. Kung kukunin niya ang anak ko, magpatayan muna kami. Ansakit kaya manganak.
"Sabagay... basta pagisipan mong mabuti yung offer, alam kong sikat ka na, Sav pero sa Pilipinas hindi matunog pangalan mo dahil ni isa wala kang tinanggap." sabi nito habang pinaglalaruan ang ballpen.
"Malaki ba talaga ang offer? Magkano?" curious kong sabi, kung malaki nga ang sahod baka makapunta talaga ako ng Pilipinas.
"$350,000 tapos libre na lahat tutuluyan mo. Sabi ng CEO hindi lang daw yan ang bayad." sabi nito napatakip naman ako sa bibig ko dahil halos 17Million na ito 'pag cinonvert sa Philippine Peso.
"Ano?!! Bakit ang laki? I mean mabuti naman kung malaki pero.. yung iba nga $100,000 - $270,000 lang." sabi ko. May project kasi ako noon na di gaanong ka laki, kaya hindi ko talaga inexpect na may mas lalaki pa.
"Kaya nga sinabi ko kahapon na 'Too good to be true'." sabi nito habang nakataas ang kilay. Wahh!! Tatanggapin ko na talaga ang laki kasi, para na rin ito kay Jacky.
"Sige nasaan ang kontrata pipirmahan ko na?" sabi ko nakita ko naman itong nangunot ang noo.
"Papayag ka na?" paninigurado nito.
"Oo hindi ko matanggihan anlaki kasi." sabi ko habang nakalahad ang dalawang kamay sa harapan niya.
"Mabuti naman at pumayag ka." sabi niya, may kinuha ito sa drawer na brown envelope at pinatong sa nakalahad kong kamay.
"Baka hindi ako payagan ni Cy bumalik ng Pinas." sabi ko at kinuha ang kontrata sa loob nito.
"Buhay mo naman 'yan, Sav hindi mo naman asawa si Cy, bakit parang nagpapakontrol ka sa kanya?" tanong nito, natigilan naman ako ng napagtantong tama siya, bakit ba ako nagpapakontrol sa kanya?
"Dahil may utang na loob ako sa kanya." tanging sabi ko at binasa ang kontrata.
"Ano ba Sav? wala kang utang na loob sa kanya siya yung tumulong sayo naging kayo pa nga eh, ano pa ba ang hihilingin niya?" irita naman nitong sabi, tumingin ako dito at tumawa.
"Ba't parang galit ka?" pilyo kong sabi habang nakangisi.
"Ang tanga mo kasi." mabilis na tugon nito agad namang bumagsak ang ngisi ko, alam ko namang tanga ako, noon pa.
"Alam ko na 'yan 'di na bago sa akin." sabi ko at pilit na ngumiti at bumalik sa pagbabasa.
"Naiinis ako sayo, pirmahan mo na nga 'yan." singhal nito kaya napatawa naman ako sa inaasal nito.
"Yes, ma'am." sabi ko. Pinirmahan ko ito sa ibaba at binalik sa kanya.
"Sino bang CEO ng kompanya ang tinutukoy mo?" curious kong sabi. Napirmahan ko na ang kontrata pero wala namang nakalagay na pangalan ng kompanya or CEO doon. Weird.
"Huwag ka na ngang magtanong ang importante pinirmahan mo na." sabi nito at ibinalik ang brown envelope sa drawer.
"What? Ako nga ang magmomodelo sa produkto nila pero hindi ko alam kung sino may ari." inayos ko ang chanel bag ko at kinuha ang matte lipstick sa loob nito.
"Huwag na." pursigidong sabi nito ako naman ay nakaharap sa salamin at nag lilipstick.
"Bahala ka." sabi ko at ibinalik naman ang lipstick sa bag.
"Tara na nga may shoot pa ako." sabi ko habang nakatingin sa kanya, tumayo naman ito at dinala ang bag niya.
"Let's go." sabi nito at lumabas na kami ng opisina niya. Pagkalabas namin sa building ay may mga reporter pa rin. Hindi ba sila nababagot kakahintay? Mas gusto kong walang bodyguard dahil wala namang bumabanta sa buhay ko dito.
"What's your relationship of the CEO of S Company, Ms. Amescua?"
"Is it true that you're married?"
Mga tanong nga mga reporters sa akin. Tumingin naman ako sakanila at ngumiti. Naramdaman ko pa na pinisil niya ang balikat ko, alam ko na anong ibig sabihin niya, na hindi dapat ako sasagot sa tanong nila.
"We don't know each other, no I am not married." huli kong sabi at tuloy tuloy na pumasok sa shotgun seat ng kotse ko, ang manager ko naman ang mag ddrive papuntang studio.
"Hindi mo na sana sinagot 'yun Sav." sabi nito habang nagsusuot ng seatbelt."
"Ayaw ko sa mga taong madaming tanong." tanging sabi ko at kinuha ang cellphone sa bag ko.
Nagopen ako ng instagram ko.
SavIris_Amescua
Posts: 2,130
Followers: 34M
Following: 2,503Minessage ko si Belle gamit ang Instagram.
To: Belle
Ano? Buntis ka ba talaga?Sent.
Napatingin ako sa notification ko ng makitang may dalawang nagfollow sa akin tinignan ko naman ito.
ZachSavedra is following you.
Theya_TanSavedra is following you."WHAT THE FUCKK?!!!" napasigaw ako sa nakita ko. OMG anong trip ng dalawang 'to? At bakit Savedra ang last name ni Theya?
"Anong nangyari Sav?" rinig kong tanong ng manager ko.
"Putcha, finollow ako ni Theya at Zach, problema ng mga 'to?" sabi ko habang hawak hawak pa rin ang cellphone.
"Na miss ka siguro." nakangisi nito sabi ang tingin naman nito ay nasa daan.
"Ew, kapal naman ng mukha nila para ifollow back ko." umirap ako at binisita ang timeline ni Zach. May picture siyang naka topless, shuta naman. May picture din siyang nasa bar, kasama silang kuya, kasama pamilya niya.
May nakita akong isang larawan ng babae na mahaba ang buhok at matamis na nakangiti sa kamera ang background naman nito ay may cherry blossom. Halos maging bato ako sa upuan ko ng napagtantong ako 'yun. Tumulo ang luha ko at binasa ang nakasulat.
"My everything."
BINABASA MO ANG
Breaking the Billionaire's Heart (Billionaire Series #1)
Romance[R-18] This is a story about breaking the billionaire's heart by hiding his daughter from him. What is the untold reason for their breakup? Will they work again on their arranged marriage? Date Written: October 23, 2020