Ang binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval times. Isang mundo na puno ng himala at hindi pang karaniwang bagay na hindi maipaliwanag sa realidad. Ngunit, ang hindi nila inaasahan na manirahan sa mundong iyon ay haharap sa matinding kapahamakan buhat sa tadhanang nakalaan kay Jharel. Isang tadhana na magbibigay kaguluhan hindi lang sa lupain ng Sarim, maging sa buong Eragon. Matutuklasan nila ang mga hiwaga at panganib sa paglalakbay nila sa lupain ng Sarim. Gayun din ang tunay na pagkakakilanlan nila at konesksyon sa mundong iyon. Haharap sila sa maraming hamon at pagsubok, hawak ang misyon na binigay sa kanila ng pinuno na si Tandang Bam. Anong misyon kaya ang ibinigay sa kanila ng pinuno? Ito kaya'y mapapasama o mapapabuti? At ano kaya ang tadhanang nakalaan kay Jharel kung bakit maghahatid ito ng kaguluhan sa mundong iyon? Alamin ang istorya sa Chronicles of Sarim! --- Book cover illustration made by me Date: 11/10/21 --- Started on: July 21, 2019 Completed on: March 20, 2020