32

0 1 0
                                    

Nang makarating kami sa unang destination namin ay nauna na lang akong maglakad naiwan na doon si Iza at siguro sasama nalang ako sa mga ibang kaklase namin.


Buong biyahe namin ay hindi man lang niya ako kinausap, kung ayaw niya akong kausapin edi huwag.


Grinupo nila kami ng tatlong grupo sa isang bus. Si Iza lang ka group ko at pangalawa kaming papasok sa may room kung saan madaming ibat ibang klase ng mirror.


Pagkapasok ay malulula ka talaga kasi para siyang maze at medyo madilim kaya mahirap hanapin kung sino yung kasama mo. Nag picture lang kami nina Iza don for remembrance. Akala ko ay madami pa kami dahil sa reflection sa mirror kaso mag isa ko nalang pala kaya naman ay tinatawag ko si Iza sa pangalan niya. Nakakatakot talaga kasi madilim siya and ang creepy ng room. Nakakatakot tuloy parang anytime feel ko may magpapakitang multo sa mga mirror. Badtrip


Hindi ko din naman mahanap yung end ng maze na ito. Nag ikot ikot nalang ako mahahanap ko naman siguro ang end nito. Kainis kasi si Iza nang iiwan wala pa namang signal dito.


Narinig ko naman na may pumasok na mga students pero di ako sure kung taga school ba namin sila o hindi kaya medyo natakot ako at binilisan ko iyong lakad ko.


"Huy"


"Ay shet!" gulat ko namang tugon, kasi naman bigla bigla nalang na manghahawak ng balikat.


Pero mas nagulat ako nung tinignan ko kung sino yun ay si Juan pala. Seryoso pa rin yung mukha niya at ewan ko kung may balak ba siyang kausapin ako.


Dahil nga sa iniwan na ako ni Iza ay sa group na nila ako nasama. Kasama namin sina Matt at Luke. Tumabi ako kay Matt pero katabi ko pa rin si Juan. Nakakahiya naman kasi parang ako lang ata ang di nila kaklase sa group na ito. Nakakahiya tuloy baka mamaya asarin kami or what pero sana huwag naman


Kasama ko lang silang naglibot at nagpicture. Buti nalang talaga at kasama namin si Luke magaling kasi siyang kumuha ng litrato.


"Oy kayo namang dalawa" sabi ni Luke na referring sa amin ni Juan


Nauna siyang pumwesto doon sa may 3D na view na uupo kami don tas parang nasa cloud at may hawak na balloons. Pumunta na rin ako. Memories din ito eh. Kinuhanan ko din silang tatlo ng litrato.


Sa buong paglilibot namin hanggang sa pagpunta namin sa bus pabalik ay hindi talaga niya ako kinakausap. Nakakasama ng loob tuloy. Dahil lang doon hindi na kami mag uusap? Dibaaa? nakakainis nakakawalang gana. Iyong magkalapit lang kami pero ni hindi man lang kami magkausap.


Hindi naman para sa akin ang iniisip ko eh kundi kapakanan din niya. Ang hirap kayang magpa lipat lipat ng school tapos hindi mo pa alam kung make credit lahat ng  subjects na nakuha mo na kasi magkakaiba ata ang codes. Edi sayang ang taon kung sakali baka mag ulit pa siya ng isang taon na dapat ga graduate na siya.


Mali ba na isipin ko yung possible na mangyayari kapag lilipat siya sa university na papasukan ko?


Pagdating namin ng EK ay napagpasyahan namin na kaming walo nalang ang magkakasama since kami naman talaga yung magbabarkada. Ayaw kasi naming humalo sa iba. May sarili kaming trip.


Sayang nga lang at wala si Tin


Pumunta ako sa side nila Iza at Mich kasi ayokong makatabi si Juan Sebastian, bahala siya sa buhay niya.


"Halla? di pa rin kayo okay? Magbati na kayo uy. Last na fieldtrip na to kaya dapat happy lang" sabi naman ni Iza.


"nag-away sila bakit?" tanong naman ni Mich


Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon