Dumating iyong New Year na kompleto kaming pamilya. Sinalubong namin iyong bagong taon na magkakasama. Masaya.
Masaya din ako kasi umuwi ulit si Daddy despite of what happened between him and mom. I can't describe how happy I am na walang hiwalayang magaganap.
3 na ngayon at may pasok na kami pero for sure ay pati mga teacher tinatamad pang magturo.
Nakapabilog yung chairs namin sa room at yung mga kaklase namin ay nagkwekwentuhan kaya naman ay sumali nalang din kami.
Usually about sa anong nangyari nung holidays lamg ang pinagkwekwentuhan nila. Nakikinig nalang din ako. Sa paraan kasi na ito parang nagiging malapit ako sa mga kaklase ko, tsaka bonding na rin namin.
Iilan lang ang teacher na mineet kami para magkamustahan lang kaya naman napagpasyahan nalang namin na pumunta ng SM para manood ng sine.
Sakto showing pa yung magagandang palabas sa MMFF. Hindi na sumama sina Luke at Mat kasi busy daw sa mga researchs nila samantalang naman si Basti ay sumama dahil tapos na daw niya ang kaniya.
"wow naman napakasipag mo namang mag-aaral" biro ko skaniya
"inspired ako eh" mayabang na sagot niya.
Pagkapasok namin sa SM ay inakbayan ako ni Juan. Hindi ko alam ang i rereact ko, kung aalisin ko ba o hindi kaso baka naman ma offend ko siya. Hinayaan ko nalang siya.
Yung ticket na binili namin ay 30 minutes pa bago mag start kaya naman ay naghiwa-hiwalay muna kami para bumili ng foods namin. Ang aarte kasi ni Iza at Mich hindi magkasundo kung anong gustong kainin.
Nag Mcdo lang kami ni Juan kasi gusto daw niya ng burger at fries kaya yun nalang din sa akin. Naglibot libot lang kami kaunti bago puntahan sila Iza.
Buong movie ay tawanan lang kami ng tawanan dahil sa scene, ang sakit na nga ng tiyan namin kakatawa eh.
"Gg ka talaga Kiesha ang pangit ng tawa mo nakakahawa" sita ni Elmer sa akin magkatabi kasi kami bale Si Juan-Ako-Elmer-Mich-Iza-Tin at Charles
"Heh, ang ingay mo" sagot ko naman, medyo na conscious tuloy ako sa sarili ko. Ganon naman kasi normal na tawa ko eh. Ano magagawa ko?
Nahihiyang tumingin ako kay Juan para tignan kung na we-weirduhan ba siya sa tawa ko kaso ngumiti lang siya sabay iling na parang nababasa niya yung laman ng utak ko.
After naming manood napag desisyunan nilang mag timezone muna daw. Kami naman ni Iza ay dumiretso sa may karaoke para umupo. Pagod na kasi ako kakalakad eh, pero si Iza lang ang kumakanta ng pang broken tapos ang tataas pa ng notes na minsan pumupiyok piyok na kaya naman tawa lang ako ng tawa.
Pumasok naman si Juan at ibinigay ni Iza yung song book ay mic sakaniya.
'Di ko maintindihan
Ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka
Panimula ni Juan sa pagkanta. Old song yun kaso ang ganda pala pakinggan ng melody niya. Seryosong seryoso si Juan sa pagkanta niya at nakatingin lang ako sa kaniya.
Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko, sinta
Sana'y 'di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man

BINABASA MO ANG
Chasing Sunsets
Teen Fiction"...she remembered watching a summer sunset from this very spot. Not so long ago; just a lifetime." - Sharon Kay Penman As she looks at the sunset by the sea she remind herself that "the sun will soon rise again and there's still hope for tomorrow t...