5

2 1 0
                                    

“Kuya akin blue buff ha, walang agawan” Ako


“Kuyaaa dito ka sa top help, nasa bush silang dalawa” Ate


“Wait lang farm lang ako dito dun ka na kay Leanne, Laureign” Kuya


“Kuya wag mo agawin buff ko ha sige magpapa-feed ako” Ako


“Hays kainis naman iyan napakatagal niyo namatay tuloy ako two vs. one ba naman may tank pa yun” Ate


“Sumusugod ka ba naman mag-isa malamang mamamatay ka talaga” Kuya


“Halla ang lakas ng Aldous nila, ang sakit na niya, ang laki ng damage” Ako


“Ay ano ba naman tong mga kasama ko, mga bano” Kuya


“Ikaw aa puro ka farm, ano ka farmer? Ate


“GG talo na to, ayaw ko na nga” Ako


Walang pasok ngayon kasi holiday kaya naman kompleto ang tao dito sa bahay at sa tuwing nabo-bored kami naglalaro lang kami ng mobile legends sa taas. Sa taas kasi naman tatlo lang ang kwarto, kay Ate, Kuya at Ako tapos may terrace na pinagtatambayan namin lagi. Dito kami naglalaro, at tumatambay sa may space din sa sa labas ng mga kwarto naming kung saan nakalagay ang tables namin if ever mag-aaral, maglalaro o kaya naman mag mo-movie marathon kaming tatlo. Dito kami naglalagi pag kompleto kaming tatlo.


“Fr. Coach Julian
To all badminton players, we have a meeting and practice this afternoon. Be there at 1:00 PM sharp.”


Hays kainis naman o balak pa naman naming manood mamaya nila Ate at Kuya kaso no choice kailangan kong pumunta sa  school.


Pumunta na ako don ng 12:00 since sabay daw kaming kakain ni Iza. Hindi kasama si Iza sa badminton. Manonood lang daw siya kasi bored din siya sa bahay nila pero for sure mang iispot lang ito ng gwapo at bagong crush hahaha


Naghanap ako ng magandang pwesto sa cafeteria, doon sa gitna kasi yong spots na malapit sa counter iyon iyog pwesto ng mga players o kaya naman ay mga teachers. Nilapag ko naman yung paper bag na may laman na slippers ko tsaka yung raketa ko. Nag order na rin ako since wala pa naman masyadong tao dito.


“Sis sayang di mo ma e-enjoy ang foundation day, maglalaro ka” Iza


“baliw ilang oras lang naman iyon, basta aa samahan mo ko para may magbantay ng gamit ko”


“Eh? ano ba yan, manonood ako ng basketball eh” Iza


“Gaga manonood din naman ako, mauuna kaming maglalaro bago sila. Sabi nga ni Charles papanoorin pa daw nila ako ni Elmer eh”


“Edi go lang sama sama nalang kami” Iza


After naming kumain pumunta na kami sa quadrangle para hintayin si coach, meron kasing tao sa gym kaya naman no choice, kami ang mabibilad dito kasi open field siya.


Kukunin ko sana yung racket ko at shuttlecock para maglaro kaso nakalimutan ko na nilapag ko nga pala sa cafeteria yun kanina. No choice kinuha ko nalang na mag-isa kasi naman si Iza nakikipag chikahan na sa players na kakilala niya.

Buti nalang walang masyadong tao ngayon sa mga hallways, busy din yung mga players na mag-practice para sa foundation day o kaya naman sa laban ng basketball bago mag Christmas break.


Nahiya ako bigla noong makita kong mga basketball players ang laman café kaso no choice eh di ako makakapaglaro pag di ko makukuha iyong mga gamit ko, baka din mapagalitan pa ako ni coach.


Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon