6

3 1 0
                                    

Mag i-stay pa sana ako sa dagat kaso baka hinahanap na ako sa bahay.


Kailangan ko na ring mag aral kasi may entrance exam pa kami bukas ng hapon.


"Kinakabahan ako sis kasi pag di ako pumasa sa school na gusto natin gusto ko dito ang fall back ko eh" Mich


"Ano ka ba papasa tayo niyan, wag ka ngang nega. Nag-aral naman tayo eh" Ako


"Kaya natin to ano ba kayo basic lang yan" Charles


"Wow ha confident charles sana all kahit busy sa pag ba basketball nakakapag review pa rin" Iza


"Ako pa ba, kalma ako lang to" pagyayabang naman ni Charles


"Ako bahala sainyo kopya lang kayo sakin" Elmer


Eto ang maganda pag may mga supportive kang kaibigan eh. Iyong tipong na i stress kana kung papasa ba kami o hindi pero they are there to lighten up our mood.


Kinabukasan hinanda ko na ang mga dadalhin ko sa school. Inihanda ko na rin ang mga gamit at requirements ko para sa entrance exam na papasukan namin.


"Goodluck Kiesha" Ate Leanne


"Goodluck Laureign, kaya mo yan" Kuya


"Galingan mo nak" Mama


Hindi ko alam kung ma pe-pressure ako o ano pero sa support nila medyo gumaan ang loob ko kahit papaano.


Itinext ko naman si Papa para sabihin na aalis ako at baka gabihin kasi mag te take ako ng entrance exam.


"Goodluck anak, kaya mo yan. Ingat kayo nak I love you and Papa misses you all" Papa


Sa aming tatlo ako ang pinaka malapit kay Papa. Siya din kasi yung inspiration ko kaya naman sobrang na overwhelmed ako sa message niya.


"Halla Kiesha wala na tapos na ang unang subject, may pinapagawang activity si sir" Mich


"Tulog mantika talaga ito kahit kailan" Iza


"Pakopya nalang ako malapit na time, next time talaga di na ako magpa-palate" Ako


"Gasgas na yang linya mong yan, ala bang bago?" Tin


Uupo na sana, ako para gawin yung activity na sinasabi ni sir kaso may nakita nanaman akong envelope na katulad ng envelope na una kong natanggap last time. Pati yung kulay at sticker parehong-pareho.


Baka sa iisang tao din ito galing, pero kanino naman kaya? Hangang ngayon palaisipan pa rin sakin kung sino itong J na ito na nagpapadala ng letter.


Isinilid ko ito sa bag ko at tinabi agad para di nanaman nila usisahin at ng magawa ko na agad ang activity.


Sa second subject ay grinupo lang kami ng subject teacher namin sa english para sa baby thesis na last requirement namin sa subject niya.


Nakakalungkot kasi wala man lang akong ka grupo sa aming anim. Pinaghiwalay ba naman kami tapos ang mga kasama ko pa ay yung isa matalino pero tamad tapos yung dalawa yung laging nag ka-cutting classes. Napakamalas nga naman oh. Diko tuloy maiwasang mag reklamo kay ma'am kasi malakas naman ako sa kanya HAHAHA


pero wala talaga, para daw fair hays.


Napagkasunduan namin nina Iza at ng tropa na kumain muna sa cafeteria, doon nalang kami mag iisip ng title para sa baby thesis na ipapacheck after class. May pupuntahan kaming lima mamaya kaya siguro ibibigay nalang namin sa mga ka group namin.


Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon