"Merry Christmas too Reign, thank you for coming in my life ❤"
Napangiti naman ako sa nabasa ko, parang buo na agad ang araw ko. Wala naman sigurong mali kung inlove ako kay Juan Sebastian. Napapasaya niya ako eh, sobra.
Maaga akong nagising kaya naman ay ang mga Kuya ko ang kasama kong mag-almusal at ako nanaman ang topic nila. Kapag bunso ba talaga required na laging pinag ti tripan? hahahahaha
"Akiesha huwag ka munang mag boboyfriend, bata ka pa" sabi ni Kuya Cleo na pang-ilang beses ko ng marinig magmula nong dumating kami dito sa bahay nina Lola.
"Kuya paulit-ulit rinding rindi na ako" sabi ko naman sa kanya sabay tingin kay Kuya Liam para tulungan ako
"Oo nga kapag iyan nalaman ko kung sino boyfriend niya bubugbugin ko" sabi ni Kuya Liam. Apaka epal talaga ng kapatid kong ito. Akala mo naman talaga, pero hanggag salita lang ang mga iyan. Joke joke lang nila kumbaga kasi hindi naman din sila bayolente
"wow kakapal ng mukha niyo samantalang kayo dala dalawa ang mga jowa, kapag kaming mga babae ang napagbalingan ng karma kami bubugbog sa inyo" kako naman sa kanila
"syempre lalaki kami wala namang mawawala sa amin eh" sagot naman ng isa naming pinsan na lalaki din
"so pag babae bawal ganon? apaka unfair naman ata" reklamo ko
"sainyong mga babae madaming mawawala kaya bawal, hangga't maaari bawal muna kayong mag boy friend"
"pero sainyo dala dalawa jowa niyo kaloka ha" sabi ko naman
pero what's good in having them is that we know that we are protected at sa totoo lang ay mas sweet pa sila sa aming mga babae. Lagi silang nakikipaglokohan tapos sasabihin na lambing daw nila iyon.
Buti nga ka close ko pa sila kahit na napakalayo ng agwat nila sa akin.
Unti unti ng nagbabalikan sa mga bahay nila ang mga tita at pinsan namin at kami naman nina Ate at Kuya ay mas pinili nalang na manatili muna dito kaysa sumabay kina mama para umuwi.
Tinutulungan lang namin si Lola sa farm, at sa bayan para i deliver ang harvest niya. Namiss ko tuloy nung bata palang kami lagi kaming sumasama kay Lola at pagkatapos aayain namin siyang mag jollibee o kaya naman ay mcdo.
Noong hapon naman ay nag stroll lang kami nina Ate at Kuya sa lugar nila lola para enjoyin yung stay namin dito.
Nag-unahan lang kami sa pag ba bike sa bukid malapit sa bundok. Pagkatapos ay umupo lang kami at pinagmasdan ang magandang view at sariwang hangin.
"Leanne nakita ko yung gago mong ex sa may plaza nung kelan may bago na. Mahal mo pa ba?" tanong ni Kuya.
"syempre, siya bumuo sa akin eh. Siya yung laging anjan, kasama ka siyang nag grow tapos alam mo yun isang araw magigising ka nalang na may iba na siya habang kayo pa. Parang unfair naman, alam mo yun? bakit? anong nangyari? anong ginawa ko para ganunin ako? Minsan nga iniisip ko nalang na baka babalik din siya ulit. Baka babalikan niya ako soon" sagot naman ni Ate habang nakatingin sa malayo
"bobo amp, mag move on ka na nga Ate. Hindi ka na nadadala ilang buwan na oh! Hindi mo deserve yung gagong yun" gigil kong sagot, kasi naman. Minura ko nga iyon sa chat nong nag break sila eh. Tanggap na tanggap namin siya tapos ganon lang igaganti niya sa Ate ko.
"Taena walang balikan Leanne subukan mo lang itatali ko kayong dalawa sa isa't isa" sabi naman ni Kuya.
Natakot tuloy akong mag mahal. Nong sila kasi there's no hint na nambababae siya kasi lagi silang magkasama ni Ate. Kahit pala gaano mo bantayan pag gustong magloko magloloko iyan. Nakakapang-gigil! Huwag talagang magpapakita sa akin iyan.
BINABASA MO ANG
Chasing Sunsets
Teen Fiction"...she remembered watching a summer sunset from this very spot. Not so long ago; just a lifetime." - Sharon Kay Penman As she looks at the sunset by the sea she remind herself that "the sun will soon rise again and there's still hope for tomorrow t...